JERRY OLEA
Pasabog ang teasers ng pelikulang Lockdown na ipinasilip sa virtual mediacon nitong Hulyo 13, Martes ng hapon.
Sa unang teaser, pini-pictorial ni Blackant Lensman (Lee Santiago) ang walang saplot na si Danny (Pablo Gumabao).
“Landian mo, Danny! Landian mo!” utos ng boogie wonderland (bugaw) na si Mama Rene (Jim Pebanco), habang minamasahe siya ni Bernie (Sean de Guzman). Sinabihan kapagkuwan ni Mama Rene si Mackie (Jeff Carpio) na i-BJ si Danny.
Sa ikalawang teaser, katatapos lang mag-show ang Video Call Boys (Paolo Gumabao, Sean de Guzman, Dincent Lujero, Neil Suarez, at Kristian Allene). Naka-birthday suit sila at pumasok sa dressing room para magbihis. Panay-panay ang biruan nila.
Sa ikatlong teaser, nag-orgy sa show ang Video Call Boys. Siyempre, au naturel silang lahat. Lumuhod ang maginoo pero medyo bastos na si Jigs (Neil Suarez) kay Danny.
Sa ikaapat na teaser, sabay na nagsasayaw nang maharot sina Bernie at Dong (Dincent Lujero) sa harap ng online client, samantalang nagsasarili si Mackie.
Sa ikalimang teaser, nakahilera ang Video Call Boys habang nagpapaligaya sa sarili, magkakatunggali kung sino ang unang magpapaputok ng bulkan o magpapaagos ng lava.
“Instead na COVID ang iniintindi namin, iniisip pa namin kayo! Puro kababuyan iyang ginagawa ninyo!” talak ni Colonel (Alan Paule).
Blurred ang private parts ng Video Call Boys sa teasers, pero sa pelikula ay nakabuyangyang lahat.
Inusisa ni Tessa Mauricio-Arriola, entertainment editor ng The Manila Times, ang direktor ng pelikula na si Joel Lamangan kung voyeurism na ba ang mga eksenang hubo’t hubad ang mga lalaki sa Lockdown.
“Ito ay magiging voyeurism kung ito ay nagpapataas ng libido ng isang tao,” tugon ni Direk Joel, na nasa Angeles City para sa lock-in shooting ng isang pelikula.
“Hindi naman iyon ang purpose ng movie. Ang purpose ng movie ay magpakita ng isang katotohanang nangyari sa isang partikular na panahon.
“Cybersex ang kanilang trabaho. Alangan namang wala akong ipakita?! E, iyon ang pinaka-esensya ng trabaho na pinilit nilang kapitan dahil sa hirap.
“Hindi ito nagpapalibog ng tao. Hindi iyon ang purpose nito. Ang purpose nito ay magpakita ng katotohanan sa isang partikular na panahon. Hindi ito paninilip o voyeurism.
“Ito’y pagre-reflect ng isang katotohanan sa isang partikukar na panahon!”
Ini-announce ng producer na si Jojo Barron na magko-compete ang Lockdown sa Asian Film Festival Barcelona sa Oktubre 27-Nobyembre 7, 2021 sa Barcelona, Spain.
Worldwide ang streaming ng uncut version ng Lockdown sa Hulyo 23 via KTX, Upstream, RAD, and WeTV.
NOEL FERRER
Mukhang hindi na dumadaan ang mga ganitong teaser at trailer sa MTRCB, di ba?
Kasi, alam naman natin na with the guidelines, mahihirapang maipalabas ang mga ganito kapangahas na film clips.
Sana nga, magulantang ang mga tao sa katotohanang ipapakita sa pelikula at may gawin sila para labanan ito.
Sa tagal ng lockdown na nararanasan natin, na isa sa pinakamatindi sa mundo, sana ay matauhan na tayo!
GORGY RULA
Nakapanayam namin si Paolo sa aming DZRH program noong nakaraang linggo.
Aniya, dumalo ang mommy niya sa special screening ng Lockdown sa Sine Pop sa Cubao, Quezon City, noong Hulyo 3.
Pero sinabi raw ng mommy niya sa kasama na sabihan ito pag malapit na ang frontal nudity ni Paolo para tatalikod siya.
Parang hindi raw sanay ang mommy ni Paolo na panoorin ang paghuhubad ng anak na nakikita ng lahat. Naintindihan ni Paolo kung may "asiwa factor" ang mommy niya.
Ang ilan pang reaksiyong narinig namin pagkatapos mapanood ang pelikula, mas magaling daw palang umarte si Paolo kesa sa kapatid niyang si Marco Gumabao. Mas may lalim!
Sagot ni Paolo, “Hindi ko po alam, kasi never ko naman po na-compare yung acting namin.
“Kasi for me, meron akong sariling atake, at si Marco iba rin po ang pag-atake sa role. Saka si Marco, iba rin po ang project na nakukuha.”
Ang dami ring agree na kamukhang-kamukha talaga ni Paolo ang ama niyang si Dennis Roldan. Ang daming eksena sa pelikula na parang noong kabataan ni Dennis ang umaarte.
Thankful si Paolo na sa kanya napunta itong project, at hindi raw siya pinabayaan ng producer at ang dami raw niyang natutunan kay Direk Joel Lamangan.
”Nakakatuwa po at nakakataba ng puso na ang dami pong nakapansin dahil sa Lockdown.
“Kaya nagpapasalamat po talaga ako sa producer namin na si Jojo Barron saka si Direk Joel Lamangan dahil binigyan po nila ako ng pagkakataon na makilala at maipakita kung ano po iyung kaya kong gawin,” pahayag ni Paolo.
JERRY OLEA
Follow-up question ni Bb. Tessa kay Direk Joel, sinu-sino ang gusto niyang makapanood ng pelikulang Lockdown?
“Lahat ng tao na gustong malaman kung ano ang totoo!” maigting na sambit ng beteranong direktor.
“Lahat ng tao na gustong malaman kung bakit may mga taong kumakapit sa patalim dahil sa hirap.
“Lahat ng tao na nag-e-exploit ng mga taong mahirap sa panahon ng pangangailangan.
“Hindi ito intended sa isang particular audience lang. Ito ay intended sa lahat ng taong nais makakita ng katotohanang nangyayari sa paligid nila.
“This is not intended for one particular audience only. This is intended for everybody who would like to know the truth of what is happening around them. Iyon yun!”
Ang tanong naman ni Neil Jay Ramos (entertainment editor ng Tempo), bakit na-excite si Direk Joel sa film project na ito?
“Dahil kakaiba ang istorya nito, at ito’y sa panahon ng pandemya,” lahad ng premyadong direktor.
“Wala pa akong nakitang story na tumalakay kung ano ang nangyayari sa ating bayan, at sa ating mga kababayan sa panahon ng coronavirus, kaya ako na-excite.
“Sapagka’t ako’y storyteller. Kasi, ikinukuwento ng Lockdown ang mga nangyayari sa ating mga kababayan sa isang partikular na panahon.
“Nabasa ko iyong script, maganda naman, isinulat ni Troy Espiritu. Nagre-reflect sa nangyayari sa ating bayan, kaya ako na-excite. OK?”
Ano ang rating niya kay Paolo Gumabao bilang artista sa Lockdown?
“Aba, above passing grade, almost excellent! Napakahusay ni Paolo Gumabao sa pelikulang ito!” bulalas ni Direk Joel.
“Bagama’t siya ay baguhan, nabigyang-buhay niya, nabigyang-kaluluwa ang karakter na kanyang pino-portray. Magaling siya. 1 to 10… 10 siya! Iyon na!”
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
