GORGY RULA
Pinagpahinga si Lorna Tolentino ng kanyang doktor pagkatapos mabakunahan ang aktres ng kanyang second dose ng COVID-19 vaccine ngayong Hulyo 8, Huwebes.
First vaccination ito ng aKeyes. Pinayuhan siya ng doktor na mag-ingat at baka may maramdaman siyang side effects.
May naramdaman daw si Lorna sa unang dose ng vaccination, pero nakakaya raw niya.
“Nag-sore talaga ang arms ko. Namula siya after ma-inject. Tapos, lightheaded.
“Parang merong sinat, pero pag check, normal naman,” text ni Lorna sa PEP Troika.
Sinabihan siyang baka mas mabigat ang maramdaman niya sa second dose dahil mas malakas ito, kaya pinag-iingat na siya.
“Sa second jab, ikut-ikot ng arms para hindi na mag-sore. Wala pa akong na-feel na kakaiba.
“Sabi ng doktor… bukas daw. Kaya mag-rest lang daw,” dagdag niyang text sa amin.
Nasa lock-in taping pa ng FPJ’s Ang Probinsyano si Lorna nang ma-schedule ang first vaccination niya. Sinamahan siya ng production staff ng Kapamilya teleserye na lumabas sandali para matuloy ang pagpapabakuna nito sa Mandaluyong.
Ngayon ay break muna sila at pinaghahanda para sa cycle 9 ng kanilang lock-in taping.
Pinag-uusapan na rin kung may mababago na ba sa ipinatutupad na safety protocols sa taping at shooting kung vaccinated na ang mga artista at staff.
Talagang maglalaan ng mahigit isang linggo sa quarantine at RT-PCR test para matiyak na safe ang lahat na involved sa trabaho.
NOEL FERRER
After ng nangyari kay Dennis Padilla, na nanganib mawala ang role sa isang project dahil kailangan ng second dose ng bakuna habang naka-lock-in taping sa isang GMA program, mabuti't nagkaroon ng adjustments sa guideline ng network.
This one allows those with vaccine scheds to exit the bubble in full PPE accompanied by a safety officer. Buti naman, nabago na.
At kung fully vaccinated na, mas magiging maluwag na ba sa safety protocols sa bubble?
JERRY OLEA
Tila may namumuong bagong love triangle sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Mukhang pinagseselosan ni Lia (Jane de Leon) ang unti-unting pagkakalapit ng ate niyang si Audrey (Aya Fernandez) kay Cardo (Coco Martin).

Aya Fernandez, Jane de Leon, and Coco Martin
Umamin din si Audrey kay Lia na unang beses siyang nakaramdam ng matinding paghanga sa isang lalaki dahil nakikita niya ang kabutihan ng loob ni Cardo at pagmamahal para sa pamilya.
Tila lumalambot na rin ang puso ni Cardo dahil pinayagan na niya ang magkapatid na bumalik sa trabaho—si Audrey sa ospital, at si Lia sa Black Ops.
Ito ay matapos magkasundo sina Lia at Cardo na titigil muna ang Task Force Agila sa pagtugis ng mga kasamahan ni Lia hangga’t nasa pamamahay niya sila.
Ang hindi alam ni Lia, magpapanggap lamang si Cardo na susundin niya ang kanyang pangako dahil buo pa rin ang plano niyang hulihin ang Black Ops at maghiganti sa kanila.
Natutunghayan ang mga maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel, at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.
