PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexy actress todo tanggi pa rin tungkol sa kanyang love life

Rumored boyfriend ng aktres malapit sa mga prominenteng pulitiko.
by PEP Troika
Published Jul 8, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Naintriga ang ilang taga-showbiz sa litratong ipinost ng isang kilalang sexy actress na kuha sa napakalaking tahanan ng kilalang lady politician.

Kabilang sa maimpluwensiyang pamilya si lady politician, kaya tumataas ang kilay ng iba kung paano sila nagkakilala ng sexy actress at tila close na silang dalawa.

Tila inilibot si sexy actress sa ancestral home ng pulitiko.

Kuwento ng ilang sources ng PEP Troika, may boyfriend talaga itong si sexy actress na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Tsika ng isa pang source namin, itong dyowa ni sexy actress ay close sa pamilya ng lady politician.

Sa katunayan, kilala na raw si sexy actress ng ibang malalaking pamilyang close din sa kilalang pulitiko. Parang kabilang na siya sa circle ng maimpluwensiyang grupo ng kilalang pulitiko dahil close doon ang kanyang dyowa.

Dagdag pang kuwento, kaibigan din ng sexy actress ang anak ng boyfriend niya. Wala raw sabit kaya okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang tinanong namin si sexy actress kung totoo ito, mariin niyang itinatanggi. Single pa rin ang claim niya.

Sinasabi niya noon pa na kung sakaling makikipagrelasyon siya, gusto niya ay seryosohan na, at ito na ang gusto niyang makasama forever.

Kahit todo tanggi si sexy actress, may mga naglalabasan pa ring kuwento tungkol sa love life niya ngayon.

Ewan ko lang kung paninindigan pa rin ni sexy actress ang pagtanggi.

JERRY OLEA

Kung si sexy actress man ang undisputed Pandemic Denial Queen, maaaring may mabigat siyang dahilan.

Siguro, ayaw niyang dalirutin pa ang mga bagay-bagay kaya minabuti niyang itanggi ang lahat.

Baka lalong maging masalimuot ang mga kaganapan kung aaminin niya ang humalili sa kanyang puso na nasaktan nang lubos sa dati niyang kasintahan.

NOEL FERRER

This sexy actress always springs a surprise, ha… tulad na lang ng pagkakaroon niya ng love child.

Well, mukhang magaling ang maneuvering skills niya at napapasama na siya ngayon sa alta!!! Oh well, rubbing elbows na siya sa mga may kapangyarihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di ba nga, Tito Gorgy, ang punchline ay pwede na siyang tawaging bagong blue lady!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results