JERRY OLEA
Bading ang papel ni Christopher de Leon sa special episode ng Wish Ko Lang titled “Mr. Right” sa Hulyo 10, Sabado ng 4:00 p.m., sa GMA-7.
Bahagi pa rin ito ng month-long celebration ng 19th anniversary ng programang hinu-host ni Vicky Morales.
Gaganap si Christopher bilang gown designer na si Jake, na maiinlab sa konteserong si Romeo (Shido Roxas).
Matapos ang ilang taong relasyon ay humiwalay si Romeo kay Jake upang magkaroon ng sariling pamilya. Nagpakasal si Romeo kay Sarah (Patricia Tumulak), at nagkaroon sila ng anak, si Kristof (Vince Crisostomo).
Nategi si Romeo. Naghanap ng ibang lalaki si Sarah. Si Jake ang naging “tanay” (tatay na nanay) ni Kristof.
Sa pag-eksenang muli ni Sarah, sino ang pipiliin ni Kristof—ang biological mother niyang si Sarah o ang “tanay” na nag-aruga sa kanya?

Kasama rin sa episode na ito si Thou Reyes bilang Georgie, ang BFF ni Jake. Nagkataon lang ba na Georgie ang pangalan ng karakter ni Thou, o sinadya iyon? Georgie ang pangalan ng isang kapatid ni Dolphy na nag-artista rin.
Si Dolphy ang bida sa pelikulang Ang Tatay Kong Nanay (1978) na idinirek ni Lino Brocka. Gumanap si Dolphy bilang Coring, ang bading na nagpalaki kay Nonoy (Niño Muhlach), na anak nina Dennis (Phillip Salvador) at Mariana (Marissa Delgado).
GORGY RULA
Hindi nagdalawang-isip si Boyet pagkatapos niyang basahin ang script ng “Mr. Right.” Gusto niya ang kuwento at natuwa siya sa role na inalok sa kanya ng Wish Ko Lang.
Gusto niyang gawin, pero nagtanong muna siya kung may kissing scene ba. In-assure naman sa kanyang walang ganoong eksena dahil nasa TV ito. Kaya kaagad itong tinanggap ng multi-awarded actor.

NOEL FERRER
Hindi ito ang unang pagkakataong gumanap si Christopher ng role na may kinalaman sa kabadingan.
May spark kahit paano si Papa Bo at ang gay friend niyang ginampanan ni Mark Gil sa Palipat-lipat, Papalit-palit (1982) na idinirek ni Lino Brocka.
Sa Biktima (1990) na idinirek din ni Lino Brocka, pumapel si Papa Bo bilang serial killer, at nagpahada siya sa isang bading para mailabas ang init ng kanyang katawan.
Sa American Adobo (2002) na idinirek ni Laurice Guillen, may attraction sila ni Ricky Davao.
Ang swerte nating active pa rin ang Drama King, at sana he gets to play more roles na magpapatatag sa kanyang estado bilang pinakaimportante at mahusay na aktor sa ating bansa!

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
