PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta line in Revirginized fits shower scene in Sex/Life

Shower scene ni Adam Demos sa Sex/Life, pinagkakaguluhan at pinag-uusapan.
by PEP Troika
Published Jul 5, 2021
Kakaibang Sharon Cuneta (kaliwa) ang mapapanood sa VivaMax movie na Revirginized dahil sa mga dialogue na hindi inaasahang maririnig sa Megastar. Pinag-uusapan at pinagkakaguluhan naman ngayon sa social media ang shower scene ng Australian actor na si Adam Demos (kanan) sa Netflix series na Sex/Life.

JERRY OLEA

Ilang araw nang number 1 sa Netflix Philippines ang seryeng Sex/Life na nag-premiere noong Hunyo 25.

Maging sa ibang bansa ay umaariba ang 8-episode series na bida si Sarah Shahi bilang Billie, isang suburban mother ng dalawang tsikiting, “who takes a fantasy-charged trip down memory lane that sets her very married present on a collision course with her wild-child past."

Pinagkaguluhan sa Twitter at TikTok ang shower scene sa Episode 3 (“Empire State of Mind”) mula 19:50, kung saan nag-hello ang private part ni Adam Demos, na gumanap bilang ex-boyfriend ni Billie na si Brad. Nakakapanginig!


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Swak na swak kay Adam Demos ang linya ni Sharon Cuneta sa trailer ng pelikulang Revirginized, “Ang laki ng t*t*!”


Pinag-usapan kung totoo ba ang kadakilaan ni Adam, o CGI (computer-generated image) o prosthetics (gaya ng penis ni Paulo Avelino sa Fan Girl).

Marami ang nagpatotoo na pinagpala si Adam sa totoong buhay. Gifted child!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 36-anyos na si Adam ay Australian actor. Leading man siya sa Netflix film na Falling Inn Love (2019) na syinuting sa New Zealand.

Noong Hulyo 3, Sabado, ay nag-special screening ang pelikulang Lockdown sa Sine Pop, St. Mary St., Cubao, Quezon City.

Na-enjoy ng mga bading ang frontal nudity ni Paolo Gumabao sa pelikula. May mga nag-react kung maiko-compare ba ang private part ni Paolo Gumabao sa Episode 3 ng Sex/Life (19:50).


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Half-brother ni Paolo Gumabao si Marco Gumabao, ang dakilang leading man ni Sharon sa Revirginized.

Ang tatay nina Paolo at Marco ay ang dating aktor na si Dennis Roldan, na Mitchell Gumabao sa totoong buhay.

NOEL FERRER

Nakakagulat ang trailer ng bagong pelikula ng Megastar na Revirginized. Natural lang na mag-trend ito.

Sana makatulong at ma-achieve nito ang layuning maikonek siya sa bagong henerasyon. Sana maging maganda ang koneksyon na ito. At sana, hindi pagsisihan sa kalaunan.

Bilang malapit sa Megastar, hangad ko na, sana, maging maligaya siya talaga!!!

GORGY RULA

“Sex sells,” sabi nga nila. Pati ang Megastar, nakiuso.

Eto na nga ang hinaing ng ilang film producers dahil parang soft-porn na raw ang mga ginagawang pelikula ngayon. Dala na rin kaya ng pandemya?

Siyempre, yung hindi pumapasa sa MTRCB, yun na muna ang ipalalabas sa digital platform.

Pero sabi nga ni Direk Erik Matti, direktor ng sexy movie na A Guy + A Girl, kailangan na nating maging matapang ngayon. Kailangan daw talagang mapanood ang dating hindi pwede at ipinagbabawal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba na raw kasi ang mga material na napapanood ngayon sa Netflix at sobrang napag-iiwanan na tayo.

Kaya siguro panoorin nila itong Lockdown na hindi naman ang pagpapakita ng ari ang ibinebenta kundi ang katotohanang inilalahad sa pelikulang ito.

Naging matapang si Direk Joel Lamangan sa Lockdown, na naipakita ang hirap na pinagdaanan ng karamihan sa hinaharap nating pandemya. Mahirap at masakit dahil iyon ang totoo.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakaibang Sharon Cuneta (kaliwa) ang mapapanood sa VivaMax movie na Revirginized dahil sa mga dialogue na hindi inaasahang maririnig sa Megastar. Pinag-uusapan at pinagkakaguluhan naman ngayon sa social media ang shower scene ng Australian actor na si Adam Demos (kanan) sa Netflix series na Sex/Life.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results