PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kristoffer Martin recalls love team with Kathryn Bernardo

Kristoffer Martin, pumirma ulit ng exclusive contract sa GMA-7.
by PEP Troika
Published Jun 29, 2021
Kristoffer Martin on working with Kathryn Bernardo in Endless Love: “Maalaga siya talaga at yung concern niya sa lahat na mga tao sa set. Iyon ang pinaka naalaala ko sa kanya.”
PHOTO/S: @advanramirez on Kristoffer Martin Instagram / GMA Network

GORGY RULA

Ang pagiging maalaga ang isa sa naaalala ni Kristoffer Martin kay Kathryn Bernardo.

Inire-replay ngayon sa GMA-7 ang Endless Love, ang primetime series nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na unang ipinalabas noong 2010.

Si Kristoffer ang gumanap na batang Dingdong na si Johnny, habang Kathryn naman ang young Marian na si Jenny.

May mga nagsasabi kay Kristoffer na mas nauna pala siya kay Daniel Padilla na maging ka-love team ni Kathryn dahil sa pagsasama nila sa Endless Love noong mga bata pa sila.

Pero hindi ang Endless Love ang unang pagsasama sa telebisyon nina Kristoffer at Kathryn. Nagkasama na sila sa dating afternoon soap ng ABS-CBN na Prinsesa ng Banyera (2007) noong pareho pa silang Kapamilya.

Sa ilang taping days na nagkasama sila ni Kathryn sa Endless Love, hindi raw makakalimutan ni Kristoffer ang pagiging maalaga ng Kapamilya actress.

“Doon sa trabaho ko lang po kasi siya nakilala. Pero fresh pa sa mind ko na maalaga siya. Hindi lang sa akin, kundi para sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maalaga siya talaga at yung concern niya sa lahat na mga tao sa set. Iyon ang pinaka naalaala ko sa kanya,” saad ni Kristoffer nang nakatsikahan namin nang mag-renew siya ng kontrata sa GMA-7 ngayong Martes, June 29.


Ayon sa 26-year-old Kapuso actor, isa sa highlights sa kanyang showbiz career ang Endless Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masasabi ko talaga isa sa nag-mark ko talaga na project, e. Kasi before… nung mga four years o five years, tapos na ipinalabas yung Endless Love, lahat talaga, 'young Johnny' ang tawag nila sa akin.

“Tapos, nung nalaman nilang iri-replay yung Endless Love, lahat sila sabi, ‘Hala, si young Johnny babalik.’ Nababasa ko yung mga comments. Nakakatuwa.

“Pero parang hindi ko pa po mapapanood ang sarili ko noon na ang batang-bata, payat na payat. Medyo naiilang ako. Pero sabi nila, maganda.

"Natutuwa ako na pinalabas siya muli,” saad ni Kristoffer.

Nagpapasalamat si Kristoffer dahil muli siyang pinapirma ng exclusive contract ng GMA Network, at nangako siyang pagbubutihin ang kanyang trabaho bilang Kapuso for more than ten years na.

“Happy ako nung sinabi na i-renew yung contract,” pakli niya.

“Words ng handler ko, ‘Ang laki ng tiwala sa ‘yo ng network.’ Malaking bagay po sa akin na alam kong may nagtitiwala, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sobrang happy ako dun sa trust na ibinigay ng GMA.

"Ang tanging maisusukli ko lang sa kanila is to do better, i-improve ko pa ang sarili ko, sa acting wise, attitude wise, lahat.

“Ayokong sayangin iyung binibigay nilang chance sa akin,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA

Ang layo na ng narating ni Kathryn kumpara kay Kristoffer. Nawa’y huwag matabunan si Kristoffer sa pag-ober da bakod ng mga Kapamilya sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited tayo sa official announcement ng pagiging Kapuso ni Xian Lim, na makakatambal ni Jennylyn Mercado sa seryeng Love. Die. Repeat.

Matunog ding magiging Kapuso na si Bea Alonzo sa lalong madaling panahon.

Sabi-sabi, malamang na next year ay maging Kapuso na rin si Piolo Pascual.

Naulinigan din nating posibleng maging Kapuso next year si Marco Gumabao, pero ang latest, malabo na ito.

Kahit nagsu-shooting si Direk Adolf Alix Jr. sa Baguio City ng pelikulang Huwag Kang Lalabas na isang horror trilogy, pinaghahandaan na niya ang lock-in taping ng seryeng Loving Miss Bridgette, kung saan bida ang bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez.

Bida rin si Beauty sa “Kumbento” episode ng Huwag Kang Lalabas.

Naibalita na natin noon na malamang na si Kelvin Miranda ang magmamahal kay Beauty sa Loving Miss Bridgette.

Buena mano ang bagong Kapuso na si Pokwang sa 19th anniversary presentations ng Wish Ko Lang sa darating na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bida si Pokwang sa kuwentong "Ang Forever ni Miss Virgie" na mapapanood sa Hulyo 3, Sabado ng 4:00 p.m., sa GMA.

Si Virgie (Pokwang) ay isang dedicated Filipino teacher na tumandang dalaga dahil sa kabusy-han.

Sa 25th anniversary ng kanilang paaralan, makikita niya ang isa sa mga dati niyang estudyante na si Joshua (Jeric Gonzales) na mahuhulog ang loob sa kanya. Hahadlangan ng ex-girlfriend ni Joshua na si Pauline (Arra San Agustin) ang namumuong pagtitinginan ng dalawa.

Kaabang-abang ang iba pang bigating guest stars sa 19th anniversary presentations ng Wish Ko Lang, tulad nina Christopher de Leon, Albert Martinez, Rhian Ramos, at Sanya Lopez.

NOEL FERRER

Magaling umarte si Kristoffer Martin, na isa sa mga unang batang premyadong aktor ng Cinemalaya. Mahusay rin siyang kumanta.

Kaya sana, mabigyan pa siya ng tamang breaks pampalaki ng stature niya tulad ng kapanabayan niya noong si Kathryn Bernardo.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristoffer Martin on working with Kathryn Bernardo in Endless Love: “Maalaga siya talaga at yung concern niya sa lahat na mga tao sa set. Iyon ang pinaka naalaala ko sa kanya.”
PHOTO/S: @advanramirez on Kristoffer Martin Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results