GORGY RULA
Nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH si Atty. Ferdie Topacio nitong Martes ng gabi, Hunyo 22.
Nilinaw niyang hindi siya ang legal counsel ng Viva Artists Agency (VAA). Nagbigay lang daw siya ng sarili niyang pananaw sa kaso ni Nadine Lustre sa Viva.
Magmula nang sinampahan ng kaso ng VAA si Nadine ay naging vocal si Atty. Topacio na sa Viva siya kumakampi. Dapat daw igalang ng singer-actress ang kontratang pinirmahan nito sa Viva.
Hindi raw alam ng abugado kung ano ang aksiyon ng VAA. Pero kung siya ang tatanungin, dapat mag-file ito ng contempt of court laban sa virtual concert ni Nadine na Absolute Madness, na nakatakda sa Hulyo 3, Sabado ng 7 p.m.

Sinikap ng PEP Troika na hingan ng sagot ang kampo ni Nadine kaugnay sa mga pahayag ni Atty. Topacio.
Nagpadala ang legal counsel ng actress-singer na si Atty. Lorna Kapunan ng sagot nito sa mga binitawang pahayag ni Atty. Topacio.
Pahayag ni Atty. Kapunan, “The Cease and Desist Order is not yet final—Nadine has 15 days from the issuance of the Resolution of the Court to file a Motion for Reconsideration.
“Viva also has to post a 500 thousand surety bond which we will also question as this is grossly insufficient to answer for whatever damages Nadine may suffer.”
NOEL FERRER
In fairness, kahit magkasalungat ang opinyong legal sa isyung Nadine Lustre, magkaibigan itong sina Atty. Ferdie Topacio at Atty. Lorna Kapunan.
Buti na lang at loyal pa rin ang fans ni Nadine at sinusuportahan nila ang bagong kanta ng kanilang idolo.
Sana makagawa ulit siya ng teleserye at pelikula, because aminin natin, Nadine has achieved something that her contemporaries can just dream of—an Urian and Young Critics Award at the same time.
I wonder how Nadine will navigate through these “nag-uumpugang production outfit and her legal counsel.”
JERRY OLEA
Parami nang parami ang mga artistang pumipirma ng kontrata sa Viva. Kaya lalong nagiging interesting at makabuluhan kung ano ang kahihinatnan ng kaso sa pagitan ni Nadine at ng kumpanyang nagpasikat sa kanya.
Matuloy man o hindi ang virtual concert na Absolute Madness, kaabang-abang ang mga kasunod na kaganapan. Touché!
