PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes, todo call to action para sa mass vaccination

Daniel, Kathryn, Juday at Ryan Agoncillo, kasado na ang vaccination schedule
by PEP Troika
Published Jun 20, 2021
Dingdong Dantes (with wife Marian Rivera), masigasig sa kanyang call to action para sa mass vaccination ng mga Pilipino,
PHOTO/S: @kuyakim_atienza and @raetristan via @marianrivera and @dongdantes Instagram

GORGY RULA

Nakarating na rin pala sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang magagandang komento ng netizens sa pagpapabakuna nila kamakailan sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City.

May mga nagsasabing sila na nga raw sana ang kinuhang ambassadors ng Department of Health (DOH) para ma-promote ang vaccination kontra sa COVID-19, dahil marami silang naengganyong fans na magpabakuna.

Pero sabi ni Dingdong na tinext ko para hingan ng pahayag, lahat daw tayo ay dapat maging ‘ambassador’ para ma-promote ang vaccination sa taumbayan, lalo na iyong mga nag-aalinlangang magpabakuna.

Narito ang kabuuang pahayag ni Dingdong na ipinadala sa PEP Troika:

“Una po, nirerespeto po namin ang mga may pag-aalinlangan, o ayaw magpabakuna.

“Ako man, nung umpisa, ay may takot pero dahil sa pagsasaliksik at pagkonsulta sa mga eksperto, nakumbinse at naniwala ako sa layunin nito para magkaroon tayo ng ‘extra protection’ at para makamit ang ‘herd immunity’ at the soonest possible time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pangalawa, tingin ko po responsibilidad namin ni Marian na pangalagaan ang aming kalusugan hindi lamang para sa aming mga sarili, kundi pati sa aming dalawang anak at mga mahal sa buhay.

“Nakakatuwa na sa aming pagganap ng aming tungkulin ay marami kaming nahikayat na magpabakuna.

“Sa aking palagay, bawat isa sa atin [lalo na sa mga naniniwala sa pagpapabakuna] ay may kakayahan at responsibilidad na maging ‘advocate’ nito sa loob ng ating mga tahanan, trabaho at komunidad.

“Lahat tayo ay puwede at nararapat na maging ‘ambassador’ kontra COVID-19 kahit na hindi literal na DOH ambassadors. #SanaOL.”

NOEL FERRER

Kapuri-puri ang ginagawa ni Dingdong at Marian sa paghihikayat sa mga Pilipino para magpabakuna.

Bukas, this vaccination pitch shifts to an even higher gear as Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Judy Ann Santos, and Ryan Agoncillo get vaccinated sa MMDA-MMFF-MOWELFUND Vaccination Program.

Aabangan natin iyan!!!

JERRY OLEA

Nasabi na nga sa atin ni Direk Jose Javier Reyes na pumayag magpa-video sina Juday, Ryan, Kathryn, Daniel at iba pang mga artista upang hikayatin ang mga tao na magpabakuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala ng Department of Health-Philippines na ni-repost ng MMDA sa Facebook, “Ang mga bakuna ay ligtas at hindi naglalaman ng magnets, microchips, at ‘trackers.’

“Karagdagan dito, ang pagsuot ng face mask ay epektibo upang hindi mahawa ng COVID-19. Hindi rin nakaka-suffocate ang pagsuot ng mask.

“The Department reminds the public to always verify information found online only with legitimate sources. Maging BIDA, alamin ang tamang impormasyon! #CheckTheFAQs”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes (with wife Marian Rivera), masigasig sa kanyang call to action para sa mass vaccination ng mga Pilipino,
PHOTO/S: @kuyakim_atienza and @raetristan via @marianrivera and @dongdantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results