PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hunk actor, dedma sa paramdam ni hunk athlete

Hunk actor, maharot nga ba?
by PEP Troika
Published Jun 20, 2021
blind item, two men
Bakit kaya dinededma ni young hunk actor ang mga paramdam ni hunk athlete? Dahil kaya iniingatan lang niya ang kanyang hunkylicious image?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

May ilang kaibigang nakapansin na deadma si hunk actor sa mensaheng ipinarating sa kanya ng isang athlete na hunk na hunk din ang dating.

Si athlete ay nakilala sa sports na kailangan ang liksi at at lambot ng katawan.

Nagbigay siya ng karangalan sa ating bansa. Pero hindi rin siya nakaligtas sa mapanuring mata ng ilan, at napapagdudahan ang kanyang pagkalalaki.

Sa totoo lang, walang malisya ang message ni athlete sa comment section ng Instagram post ni hunk actor.

May isang post na sabi ni athlete, “What’s up, bro?” Meron ding, “Bro, musta?”

Pero hindi ito sinasagot ni hunk actor.

Nabibigyan iyon ng ibang kulay ng ilang netizens, dagdag pang hindi ito sinasagot ni hunk actor.

Kasi naman, si hunk actor ay nag-iingat na rin, dahil pati siya ay napapagdudahan din ang pagkalalaki.

Pero pareho silang hunkylicious, lalo na itong si hunk actor na nakikita ko pa ang ilang billboards sa EDSA na talagang naghuhumiyaw ang kakisigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Nang makita ko sa hotel lobby ang isang network executive na ka-dinner ang naturang atleta na kaibigan niya pala, ang sabi niya sa akin, “Update-an lang kami ng ate mo.”

Ang tinutukoy na ate ay ang atleta.

At dahil may kinalaman din si network executive sa naturang aktor, iniiwas na lang niya ang talent na ito sa atleta para iwas-intriga na lang.

Pero ngayong Pride Month, ang masasabi natin… Kebs! E, ano ngayon kung magka-bromance sila, di ba? May isyu pa ba sa ganoon? Just asking.

JERRY OLEA:

Iniiwasan ang hunk actor ng kapwa young actors na hinaharot niya.

Nao-awkward ang young actors sa pabirong pagpisil o paglapirot ni hunk actor sa maselang bahagi ng kanilang katawang lupa.

Tapos, ang athlete na bro na ready and willing makipaglaro sa kanya, inaayawan ni hunk actor.

May cosmochemistry at biophysics pa naman ang kanilang tandem, swak na swak sa yaoi. Kung sino ang seme at kung sino ang uke, uriratin natin kay Nuno!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tabi, tabi po…

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit kaya dinededma ni young hunk actor ang mga paramdam ni hunk athlete? Dahil kaya iniingatan lang niya ang kanyang hunkylicious image?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results