PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Legal Wives Ang Dalawang Ikaw airing

Legal Wives, hindi matutuloy ang airing sa June 21.
by PEP Troika
Published Jun 16, 2021
Sa di malamang dahilan ay bigla na naman naurong ang airing ang Legal Wives tampok sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali; habang pagkatapos ng pagkakaudlot noon ay ipalalabas na sa wakas ang Ang Dalawang Ikaw tampok sina Ken Chan, Rita Daniela, at ang baguhang si Anna Vicente.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Noong magtatapos na ang Kapuso afternoon series na Bilangin Ang Bituin sa Langit last March, panay-panay ang plugging na mapapanood na sa hapon ang teledramang Ang Dalawang Ikaw nina Rita Daniela at Ken Chan.

Kamukat-mukat mo, nag-rerun umpisa Marso 29 ang teledramang Ang Dalawang Mrs. Real (2014) nina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, at Lovi Poe. Nanahimik ang RitKen series.

Ngayong Hunyo ay nag-umpisa TV plugs ng Ang Dalawang Ikaw, na nakatakda pa rin sa hapon.

May TV plugs na rin ang Legal Wives, na mag-uumpisa raw umere ngayong Hunyo.

Sa Facebook page ng nasabing palabas, inihayag noong Mayo 28 na mapapanood ang Legal Wives, kapalit daw ng First Yaya.

Noong Hunyo ay nagsimula ang countdown sa nasabing FB page, “14 Days To Go.” Noong Hunyo 13, Linggo, may shout out pang, “9 Days To Go.”

Nitong Hunyo 14, Lunes, ang shoutout kaugnay sa Countdown, “Mga Kapuso, mukhang di tayo tuloy sa June 21. [crying emoji] Wait for Official announcement from GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Hunyo 15, Martes, ang post ng nasabing FB page, “Mga Kapuso, Hindi na mapapanood ang Legal Wives sa June 21, 2021. Abangan lang natin ang Official Announcement ng GMA7 kung kailan ulit ang Premiere Night nito.”

Panay-panay ang TV plugs ng Ang Dalawang Ikaw, na mapapanood na raw umpisa Hunyo 21, Lunes, pagkatapos ng Eat Bulaga.

GORGY RULA

Pwedeng itong RitKen drama series muna ang ipalit sa mababakanteng timeslot na dapat sa Legal Wives.

Bukas (June 17) ang presscon ng Ang Dalawang Ikaw at maaring doon na ia-announce kung sa afternoon prime pa rin o ililipat na sa GMA Telebabad.

Wala pa namang inilabas ang Legal Wives kung bakit hindi na naman sila matutuloy. Mahirap pangunahan.

Dapat ay noon pa ang airing nito, pero ang production na mismo ng Legal Wives ang nakiusap na iurong dahil gusto nilang makumpleto ang taping ng buong season bago sila umere. Ngayon ay naurong na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan na lang natin ang susunod nilang announcement. Mas mabuting mag-focus na muna tayo sa Ang Dalawang Ikaw.

Thankful ang Kapuso actor sa GMA-7 dahil sa kanya ipinagkakatiwala ang ganitong klaseng project. Panibagong challenge na naman ito sa kanya.

Gagampanan dito ni Ken ang isang karakter na may dissociative identity disorder, at ibang-iba ito sa nagawa niyang Destiny Rose at My Special Tatay.

“Ito yung role na pinapangarap kong gawin at natupad ito ng GMA-7. Kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanila dahil bukod sa nagagawa ko ang passion ko sa pag-arte ay nakakatulong din ako sa viewers na ipakita sa kanila ang iba’t ibang mukha ng mga tao sa pamamagitan ng roles na ginagawa ko,” saad ni Ken Chan.

NOEL FERRER

Oh why oh why?

Sayang at nakakasa na sana itong Legal Wives. If ever, ipapalabas ba ito bilang kapalit ng First Yaya?

Di ba’t ganito rin ang nangyari sa RitKen teleserye? Nakakasa na dapat ito hanggang sa nagdesisyon ang management na mag-replay na muna ng Ang Dalawang Mrs Real.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Things happen. Hindi inaasahan ang mga pangyayari. Pero siguro, everything will happen sa tama at takdang panahon.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa di malamang dahilan ay bigla na naman naurong ang airing ang Legal Wives tampok sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali; habang pagkatapos ng pagkakaudlot noon ay ipalalabas na sa wakas ang Ang Dalawang Ikaw tampok sina Ken Chan, Rita Daniela, at ang baguhang si Anna Vicente.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results