PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Veteran actor at young actress, nagkakamabutihan sa lock-in taping

Young actress, namataang pumasok sa kuwarto ng veteran actor.
by PEP Troika
Published Jun 15, 2021
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nag-blossom ang love affair nina Kristoffer Martin at Liezel Lopez sa lock-in taping ng Kapuso afternoon series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Bulung-bulungan naman ngayon na, sa lock-in taping ng isang drama series, nagkakamabutihan ang kilalang aktor na isa nang senior citizen at ang pretty actress na nasa early 20s.

Namataan minsan ang pretty actress na pumasok sa kuwarto ng veteran actor.

Ang tanong: gaano kadalas ang minsan?

Pareho silang single kaya wala silang tinatapakan kung totoong nag-iibigan sila.

GORGY RULA

Silang dalawa pala ang pinag-uusapan sa set. Pero siyempre, hindi iyon pinahahalata kay veteran actor.

Pinipilit na lang naming intindihin ang kalagayan nila dahil sobrang tigang na siguro si veteran actor. Matagal na kasi siyang walang katabi sa pagtulog.

Si young actress naman ay baka father figure ang hanap.

Kung nagmamahalan sila, wala na tayong magagawa. Sino ba tayo para manghusga, di ba?

Pero kung tikiman lang, huwag sana itong magamit sa promo bago ang airing ng kanilang teleserye. Iyan kasi ang nangyayari sa lock-in taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang tanong, OK kaya sa network ang ganitong panunuluyan ng senior actor at pretty young actress sa iisang kuwarto?

Matatandaang nangyari rin ito sa isang lock-in taping kung saan nabalitang sume-segue ang isang young star para makasama niya ang boyfriend na naka-check in din sa hotel na yun.

Ang kaibahan lang nito, nagkaroon ng outbreak ng COVID cases sa programang iyon.

Walang masama sa naturang pagkakamabutihan ng beteranong aktor at ng batang aktres, pero may rules ba rito ang production—na pwedeng mangapitbahay sa assigned rooms?

Let’s wait and see kung closeness lang sa taping ito or tutuloy sa isang relasyon.

Magandang subaybayan ito dahil usap-usapan sa taping na halos kaedad na ng anak ni veteran actor si young actress.

Pero age is just a number… So, pag-ibig na makapangyarihan, kung pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka laman... ay, lamang pala!!!

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results