PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christian Bautista Kat Ramnani baby plans pandemic

"It's on hold" daw muna ang planong magka-baby nina Christian at Kat.
by PEP Troika
Published Jun 15, 2021
Christian Bautista: "We’re still studying po the effects of the vaccine for mothers, and/or for babies. Although we will all be vaccinated, yun po ang gagawin namin ni Kat. Pero we’re researching as much as we can."
PHOTO/S: @xtianbautista on Instagram

GORGY RULA

Napagdesisyunan ng mag-asawang Christian Bautista at Kat Ramnani na huwag munang magka-baby ngayong may pandemic.

Hindi pa makaka-relate si Christian sa pagdiriwang ng Father’s Day sa Linggo, June 20, dahil mahirap daw magka-baby sa panahon ng pandemya.

“We’re still studying po the effects of the vaccine for mothers, and/or for babies.

“Although we will all be vaccinated, yun po ang gagawin namin ni Kat. Pero we’re researching as much as we can.

“So, currently po, it’s on hold pa po,” sagot ni Christian sa tanong namin sa kanya sa virtual mediacon ng All-Out Sundays nung nakaraang linggo, kung pinaplano na ba nila ni Kat ang magka-baby.

Mas gusto raw nilang magbakasyon muna sa ibang bansa kapag ma-normalize na ang lahat.

Yun din ang plano ng karamihan, dahil sa matagal nang nakatengga sa mahigit isang taon nang naka-quarantine.

Mahigit dalawang taon nang kasal sina Christian at Kat.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Okay naman at pinaplano nina Christian at Kat ang kanilang sked ng pagpapamilya.

Pero habang nagpaplano sila ng para sa kanilang dalawa, e, go lang nang go, Christian at Kat, before the time is up.

God will direct your paths. In His right time lahat iyan, huwag kayong ma-pressure!!!

JERRY OLEA

Nauunawaan natin ang pasya ng mag-asawang Christian at Kat. Sadyang napakalaki ng epekto ng pandemya sa ating lahat.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bautista: "We’re still studying po the effects of the vaccine for mothers, and/or for babies. Although we will all be vaccinated, yun po ang gagawin namin ni Kat. Pero we’re researching as much as we can."
PHOTO/S: @xtianbautista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results