PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty Gonzalez Kelvin Miranda first Kapuso show

Beauty Gonzalez, magbibida sa Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.
by PEP Troika
Published Jun 12, 2021
Isang mini-series na pinamagatang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette ang unang project ng bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez sa GMA-7. Ang matunog na makakatambal niya sa proyektong ito ay si Kelvin Miranda, na mas bata sa kanya ng walong taon.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Isang romance mini-series na pinamagatang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette ang unang project ni Beauty Gonzalez sa GMA-7.

Ididirek ito ng multi-awarded na si Adolf Alix Jr.

Post ni Direk Adolf sa Facebook nitong Hunyo 11, Biyernes ng gabi, nasa casting stage pa lang ang produksiyon.

Lahad ni Beauty, "Excited na ko for our new project. It's gonna be with a young man. For a change, mga past characters and love teams are usually older than me.

“I'm excited to play with this new character sa Loving Miss Bridgette. I love the script. I love yung flow ng story. It's gonna be a new change and change is good.”

Hindi pa kumpirmado, pero matunog na si Kelvin Miranda ang makakatambal ni Beauty. Nagbida si Kelvin opposite Mikee Quintos sa GTV series na The Lost Recipe.

May mga nagsasabing sinusundan ni Kelvin ang mga yapak ni Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging leading man ni Marian Rivera si Alden sa Kapuso series na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw (2014).

Mas matanda si Marian ng pitong taon kay Alden, samantalang walong taon ang agwat ni Beauty kay Kelvin.

Balitang si Mikee ang gaganap na young Elsa sa Pepito Manaloto: Unang Kuwento. Magandang follow-up project ito para kay Mikee, di ba?

GORGY RULA

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, ayaw pang kumpirmahin kung si Kelvin Miranda na nga ba ang makaka-partner ni Beauty.

Nagkakaproblema raw sa schedule ng young actor, kaya inaayos pa nila ito. May natanguan daw kasing indie film si Kelvin.

Kailangan na raw mag-start ng taping ang Loving Miss Bridgette sa kalagitnaan ng Hulyo. Kaya puspusan ang pagbuo nila ng cast, at naghahanap na sila ng magandang location.

Kailangan din daw nila ng bigating veteran actor at actress para may major support. Nag-inquire na nga sa akin ng ilang artistang hawak namin, pero hindi rin pumuwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero excited nga raw si Beauty sa proyektong ito.

Itong Loving Miss Bridgette ang unang installment sa mini-series na Stories from the Heart.

Maaaring sa mga susunod na installment ay posibleng may bagong lipat na Kapamilya artist na naman silang ipakikilala. Pero sa ngayon ay abangan na lang natin ang announcement ng susunod na bagong Kapuso artist.

Ang dinig ko, nakapag-recording na si Pokwang para sa taping ng All-Out Sundays na gagawin pagkatapos ng live nila sa Linggo, June 13. Marami kasi silang pasabog kasama ang big stars ng Kapuso Network.

Sa AOS bukas, unang mapapanood ang 71st anniversary plug ng GMA Network na pinamagatang "Buong Puso Para sa Pilipino."

NOEL FERRER

Si Kelvin pa ba ang aayaw sa oportunidad na ito?

Mangyari bang ayusin niya ang schedule niya dahil magandang project ito bilang follow up sa kanyang The Lost Recipe.

He better take this chance kaysa naman ma-LOST siya!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang mini-series na pinamagatang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette ang unang project ng bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez sa GMA-7. Ang matunog na makakatambal niya sa proyektong ito ay si Kelvin Miranda, na mas bata sa kanya ng walong taon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results