JERRY OLEA
Mahigit isang dekada na sa showbiz ang isang aktres nang mabigyan ng chance magbida sa pelikula at TV.
Sa photo shoot ng TV series na bida siya, bonggacious ang entourage ng thirtysomething actress.
Nalukring ang make-up artist sa pag-a-attitude ng aktres, na sumisima-simangot at pinapalis-palis ang kamay niya habang inaayusan niya ito.
Matapos ang photo shoot, ikinuwento ng make-up artist sa mga kaibigan ang pangit na karanasan niya sa aktres na feeling.
Nakarating ang tsika sa host ng isang online show, at nai-blind item iyon sa programa.
Natukoy ng aktres na siya ang subject ng blind item, at natanto niya na ang make-up artist ang source ng online show.
Para sa kasunod na photo shoot niya, nag-request ang aktres sa produksiyon na iba ang mag-make up sa kanya. Inokray ng aktres ang dating nag-make up sa kanya dahil nagmukha raw siyang chubby sa pag-aayos nito sa kanya.
Sa kasunod na pictorial session ay sandamukal pa rin ang entourage ng thirtysomething actress. Iba na ang make-up artist na naka-assign.
Nag-attitude pa rin ang aktres, pero emotionally and mentally prepared ang bagong make-up artist dahil batid niya ang kadramahan ng aktres.
Hanash ng bagong make-up artist, “Kung ayaw niyang magmukhang chubby, Adobe Photoshop is the key! I can only do so much dahil chubbylita talaga siya! Huwag niya akong hanapan ng himala, utang na loob!”
NOEL FERRER
Anong nangyari sa ikalawang make-up artist? Napaimpis ba niya ang manas na mukha ng aktres?
Hindi kaya may pinagdadaanan lang noong photo shoot ang thirtysomething actress? Hindi madaling magtrabaho sa pandemya na marami kang inaalala.
Sana naman, when the actress comes from a better place na, ok na siya, hindi lang sa sarili niya kundi sa mga kasamahan niya sa trabaho.
GORGY RULA
Matagal nang usap-usapang may attitude si aktres. Kahit hindi pa siya kasikatan noon, may something na talaga sa kanya.
Pero noong nangyari ang pictorial, baka may mga nababago sa pagkababae niya kaya posibleng may hormonal imbalance ba?
Pero iba na ngayon ang panahon. Hindi na siya makapagbitbit ng napakaraming tao. At kung nag-a-attitude ka, madali kang palitan.
Pero totoo bang may problema siya ngayon sa partner niya? Baka lalong nagsusungit iyan.
