PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barangay captain speaks up on Angel Locsin's community pantry

"Libu-libo na ang tao, bakit hindi sila nagsabi na tama na"
by PEP Troika
Published Apr 24, 2021
Ayon kay Barangay Captain Chito Valmocino, 1 p.m. na ng sinabi ng grupo ni Angel Locsin na meron lamang silang 300 packs. Pero 7 a.m. pa lang ay "libu-libo" na ang nadaanan ng aktres na nakapila noong dumating siya.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

GORGY RULA

Umiiyak si Angel Locsin na humihingi ng paumanhin sa nangyari sa kanyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City noong Abril 23, 2021, na araw rin ng kanyang birthday.

Sa panayam sa kanya ni Alvin Elchico sa TV Patrol kagabi, Angel held herself accountable sa mga nangyari. Inaako raw niya lahat at wala siyang ibang itinuturo na may kasalanan.

Pero halatang galit pa rin ang punong barangay ng Brgy. Holy Spirit na si Chito Valmocino nang nakapanayam naman siya sa radio program ni Cesar Chavez sa DZRH ngayong Sabado, April 24.

Nagkulang daw kasi ang grupo ni Angel pagdating sa koordinasyon sa kanyang tanggapan, lalo na nung dumami na ang mga tao.

Huli na rin daw noong nalaman niyang tatlong daan (300) na ayuda ang inihanda ni Angel sa araw na iyon, at nakikita na nilang hindi mabibigyan lahat ng taong pumila.

Sabi ni Valmocino, “Magulo at walang malinaw na coordination, kahit na po tinatanong paulit-ulit ng mga tao ko ay ayaw nilang sagutin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nang dumating si Madam Angel, alas siyete siya dumating. Ang pila po ng tao nang siya ay dumating na at umikot po dun sa may St. Peter ay umaabot na po ng Litex, alas siyete pa lang ng umaga.

“Yung dinaanan niya na iyon, libu-libo na ang nadaanan niya sa Commonwealth at pagpasok niya ng Holy Spirit Drive, bakit hindi niya po sinabi na tatlong daan lang, at hindi siya kaagad humingi ng tulong sa barangay?

“Iyon po ang hindi ko maisip na kung sila ay may malasakit sa mga tao na galing sa iba’t ibang dako.

"'Tapos nang sabihin nila na tatlong daan lang, na tama na, ala una y media na ho ng hapon.

“Tinatanong pilit ng mga tao ko, kung ilan ba ang bibigyan niyo, ayaw sumagot.

“Tinatanong yung kapatid, ‘Ma’am, libu-libo na ho ang mga tao, kailan ho ba magsisimula?' Ayaw sagutin. Lahat na katanungan, ayaw sagutin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita na nila na libu-libo na ang tao, bakit hindi sila nagsabi na, 'Tama na. Tigil na. Tatlong daan lang ang kaya namin.'”

Binanggit din ng barangay captain na volunteer daw na tanod nila iyong matandang namatay sa pila. May limang hinimatay pa raw na nalaman daw nilang hindi taga-roon.

Meron daw nanggaling sa Imus, sa Bacoor, merong taga-Tondo at Bulacan. Ang iba pa raw ay hindi naman hihingi ng ayuda kundi mga fans na gusto lang daw nilang mabati si Angel sa kanyang kaarawan.

“Eto po kasi ang nakasama diyan. Ang nakalagay po sa Facebook niya na open sa lahat.

“E, ang dami po niyang followers. Sa Facebook pa lang, 21M, sa Instagram 8.6M, sa Twitter 12.6M.

“Tinatanong ang mga tao, galit pa, pumunta sila dahil sa fans daw po sila at gusto lang daw nilang magbigay ng regalo. ‘Gusto namin magpa-picture, makita ng personal ang aming idol.’

“Nagagalit sila sa tanod ko at ipinapakita nila, eto inimbita kami, pinapapunta kami,” patuloy na himutok ni Kapitan Valmocino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Darna sa totoong buhay si Angel Locsin na sumusugod sa evacuation centers na nangangailangan ng tulong.

Ang mga tao na mismo ang nagpo-post sa social media ng kanyang pagkakawanggawa.

Itong Birthday Pantry ni Angel kaugnay sa ika-36 niyang kaarawan, nag-imbita siya sa milyun-milyon niyang tagahanga. Mabuti at hindi ito natulad sa Wowowee stampede noong Pebrero 4, 2006 kung saan mahigit 70 ang namatay at humigit-kumulang 400 ang na-injure.

Sana, nagpa-Birthday Pantry na lang si Angel nang walang promo.

Ang isang kilalang young actress—noong wala pang pandemic—namimigay ng pagkain at kagamitan sa street dwellers kapag sumasapit ang kaarawan niya.

Sadyang nasa huli ang pagsisisi. Angel had to learn this lesson the hard way.

NOEL FERRER

OA ang mga reakisyon ng ibang tao, lalo na ang ibang DDS na sarado ang isip kay Angel.

Ang sabi pa ng iba kahapon, “Baka maharap sa kaso!” Halata ang tindi ng emosyon ng barangay captain ng Brgy. Holy Spirit habang iniinterbyu sa nangyari sa community pantry ni Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero wala ba talaga tayong pananagutan sa nangyari? Paano umabot sa puntong nagdikit-dikit at nagsiksikan ang mga tao? Ano ang ginawang aksiyon para makontrol ang tao?

Sabi ni Jennifer Rosana, ang anak ng namatay na senior citizen, “Hindi naman niya [Angel] kasalanan. Yung mga tao talaga iyong walang kontrol, walang disiplina po, e. Salamat po kasi may nagbibigay sa ganyan, salamat din kasi di niya kami pinabayaan sa ospital. Wala namang gustong mangyari ito.”

Oo, pinanagutan na ng aktres ang nangyari. Inamin niya ang kanyang pagkakamali.

Ang tanong ng premyadong kompositor na si Jonathan Manalo sa kanyang post, bakit sa kapalpakan at kakulangan na nangyayari sa ating bayan ay walang umaako?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Barangay Captain Chito Valmocino, 1 p.m. na ng sinabi ng grupo ni Angel Locsin na meron lamang silang 300 packs. Pero 7 a.m. pa lang ay "libu-libo" na ang nadaanan ng aktres na nakapila noong dumating siya.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results