JERRY OLEA
Tubong-lugaw is essential?!
Pawang may repeat ang virtual concerts nina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, at Ogie Alcasid & Ian Veneracion.
Pebrero 28, Linggo ng 8:00 pm nag-streaming sa KTX ang Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert.
Ang halaga ng tiket ay P1200 o US$24.99 (access to concert), at P2500 (access to concert plus perks).
Nagkaroon ng repeat ang Freedom concert noong Abril 4, Linggo ng 10:00 AM (Manila time), bale Abril 3, Sabado ng 7:00 PM sa Pacific Daylight Time (PDT), sa StageIT.
Bonus sa repeat ng Freedom concert ang eksklusibong “the making of Freedom” documentary. Mas mura ang tiket sa repeat ng Freedom concert—US$11.99. More or less ay P580.
Marso 27, Sabado ng 8:00 PM ang Tala: The Film Concert ni Sarah Geronimo sa KTX, iWant TFC, TFC IPTV PPV, at Sky PPV. Ang halaga ng tiket sa “the biggest concert experience of the year” ay P1500 (regular) at P3000 (VVIP).
Mabilis na na-sold ang VVIP tickets na may kaakibat na surprises and privileges.
Magniningning muli ang Nag-iisang Tala sa Mayo 1, Sabado ng 8:00 PM, at Mayo 2, Linggo ng 11:00 AM, sa KTX, iWant TFC, at TFC IPTV PPV.
Kagaya ng Freedom concert, mas mura ang ticket sa global repeat ng Tala—P1000.
Marso 26 at 27, Biyernes at Sabado, ang Virtually Yours, Kilabotitos concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion. Worldwide ang streaming nito sa iWant TFC.
Sa Manila time, bale Biyernes ng 8:00 PM, at Sabado ng 11:00 AM.
Ang halaga ng ticket ay P800 o US$15.99 (concert access), at P1200 o US$23.99 (concert access + the making of Kilabotitos).
Sa tatlong malaking Pinoy concert sa first quarter ng 2021... pinakamahal ang Tala, at pinakamura ang Kilabotitos.
Kung bumaba ang halaga ng ticket sa repeat ng Freedom at Tala, mas nagmahal naman sa Kilabotitos!
P1000 ang tiket sa global repeat ng Virtually Yours, Kilabotitos na mag-i-streaming sa Mayo 1, Sabado ng 11:00 AM at 8:00 PM (Manila time).
Meron kasing special participation dito si Regine, at may dagdag pang feature na Ogie and Ian: Music From Home.
Take note na “magsasabong” ang repeat ng Tala at repeat ng Kilabotitos sa Mayo 1, Araw ng Paggawa, Sabado ng 8:00 PM!
Sa Mayo 1 din ay streaming na sa Netflix Philippines ang apat na Pinoy musical—Mula sa Buwan, Dekada ‘70, Rak of Aegis, at Ang Huling El Bimbo.
GORGY RULA
Sinabi naman noon ni Ogie na bonus na kung magkakaroon ng repeat ang Kilabotitos.
Maganda naman kasi, kaya nandiyan pa rin ang sponsors para sa repeat nito.
Pero wish pa rin nila na kung magkakaroon ng repeat, sana ay live kahit sa hindi kalakihang venue.
Iba pa rin talaga kapag nakikita mo ang audience na nagre-react.
NOEL FERRER
Naiintindihan ko ang ganitong mga repeat.
May mga artist akong nakakausap na talagang nararamdaman na rin ang kakulangan ng mga gigs at trabaho.
Sana talaga, mabigyan din ng focus at ayuda ang artists.
Ima-maximize mo rin talaga ang possible revenues.
Oo, ramdam natin na humihirap na ang buhay.
Kaya suportahan natin ang ating artists... ito ang kanilang pantawid sa pandemya katulad natin.
JERRY OLEA
Sa mga ayaw sa repeat ng virtual concerts, may mga bagong mapapanood naman na available na ang tiket sa KTX.
Bukas, Abril 18, Linggo ng 12:00 noon (Manila time) ang EZ MIL Live Virtual Concert.
Opo! Live ang concert ng nagpasikat sa kantang "Panalo."
Mahigit 57M views na ang music video ng "Panalo" na in-upload noong Enero 29, 2021.
Abril 24, Sabado ng 8:00 PM ang L’ Art de Sheree: A Virtual Concert.
Ang tiket sa pasiklab ni Sheree ay P999 (general admission) at P1999 (VIP).
Abril 30, Biyernes ng 7:30 pm ang Gunita: A Charity Concert, na pangungunahan ng Itchyworms at Mayonnaise.
Handog ito ng Ateneo Senior High School ABM '21.
Hunyo 6, Linggo ng 11:00 AM at 8:00 PM (Manila time) ang New Day: A Virtual Concert Experience at The Theater At Solaire.
Sanib-pwersa rito sina Martin Nievera at Lani Misalucha, at guests sina Rey Valera, Nonoy Zuñiga at Marco Sison.
Ang tiket ay P1200 (concert access) at P2500 (concert access + virtual meet-and-greet after the show).
Ikinakasa na rin ng KTX ang virtual concert ni Darren Espanto sa Mayo 30, ganoon din ang virtual concert ni Jayda Avanzado sa Hunyo 26.
