PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Clash temporarily replaces Centerstage

Sa Mayo muling magbabalik ang Centerstage para sa pasiklaban ng Bida Kids.
by PEP Troika
Published Apr 14, 2021
Sina Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin ang grand champions ng The Clash Season 1, 2, at 3, respectively. Si Sharon Cuneta (rightmost) ay hurado sa Your Face Sounds Familiar.
PHOTO/S: Instagram / YFSF

JERRY OLEA

Hindi muna mapapanood ang reality kiddie singing competition ng Kapuso Network na Centerstage simula sa Abril 18, Linggo.

Bilang pagsunod sa taping protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, itinigil ng Kapuso Network ang pag-ere ng Centerstage sa loob ng tatlong linggo ngayong Abril.

Sa Mayo ay muling sasabak ang Bida Kids sa mas matinding pasiklaban hanggang grand finale.

Centerstage announcement of temporary halting of show

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Centerstage ay hinu-host nina Alden Richards at Betong Sumaya; habang mga hurado naman sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Mel Villena.

Palabas ito tuwing Linggo ng 7:40 p.m., bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa GMA-7.

Mapapanood ngayong Abril sa timeslot ng Centerstage ang performances ng Clashers sa flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3.

GORGY RULA

Sa totoo lang, mahirap yung ginawa ng mga taga-Centerstage na nabuo nila ang virtual set na first time nagawa sa Philippine television.

Mga bata pa ang involved kaya maingat sila diyan.

Okay na rin yung mag-throwback na lang muna ang The Clash.

Unti-unti na ngang napapansin ngayon ang galing nina Golden Cañedo (Season 1 winner) at Jessica Villarubin (Season 3 winner).

Si Jeremiah Tiangco (Season 2 winner) ay panay rin ang ensayo para lalong maging hunk.

Papasukin na rin yata niya ang pag-arte, at okay lang daw sa kanya ang magpa-sexy. Wish nga niyang mapabilang sa endorsers ng Bench Body.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kung ganoon ang nangyari sa Centerstage, iba naman ang ganap sa Your Face Sounds Familiar.

Ang reality franchise show na ito ng ABS-CBN ay nag-resume na ng taping.

Hindi nakasali si Megastar Sharon Cuneta dahil she’s not feeling well, kahit na earlier ay nag-post siyang looking forward at ready na siyang bumalik sa taping.

"Aww, what -- and whom I am missing today. I sooooo love you guys," caption ni Shawie sa larawan ng mga jury na sina Ogie, Gary at ang kanyang kahalili na si Jed Madela.

IG Post: Sharon Cuneta missing YFSF family

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Oh well, hope you feel better, Sharon. Ingat tayo talaga!!!

Hirap talagang magtayo ng mga bagong episode ng shows ngayon lalo na’t nasa MECQ pa rin!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin ang grand champions ng The Clash Season 1, 2, at 3, respectively. Si Sharon Cuneta (rightmost) ay hurado sa Your Face Sounds Familiar.
PHOTO/S: Instagram / YFSF
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results