NOEL FERRER
“Hindi ko siya gusto.”
Iyan daw ang sabi ng isang major network executive about a talent na may emisaryong nagpapalipad-hangin sa posible nitong paglipat.
Poste kung poste kasi ito sa kanyang panggagalingang network, pero hindi raw keen ang dalawang TV networks na kunin siya.
Hindi natin alam kung may malay ba ang talent na ito mismo, o ang mga nagpapayo sa kanyang career lang ang nagnanais lumipat siya.
Kasi, kumportable na ang buhay ng personalidad na ito ngayon. May ipon at naipundar na siya.
Who will stand to gain ba sa posibleng paglipat niya? O kung hindi naman ito matutuloy, I don’t think this personality would mind at all.
JERRY OLEA
“Walang iwanan!” ang makailang ulit nang inihayag ng nasabing talent.
Mananatili raw siyang loyal sa network na nagpasikat sa kanya.
Maganda ang katayuan niya sa buhay, at maligaya siya sa piling ng kanyang lover, kaya abangan natin kung saan pupulutin ang mga ganitong bali-balita.
GORGY RULA
Seryoso naman kaya siya sa paglipat sa ibang network kung sakaling may magkainteres?
Sa tingin ko, maiiba ang takbo ng career niya sakaling may offer sa ibang TV network.
Kaya niyang mag-put up ng sariling channel sa social media, at sakalam pa rin naman siya.
Hindi siya basta-basta makakabog sa kanyang puwesto.
May sapat siyang ipon, at mabubuhay na siya kasama ang mga mahal niya sa buhay.
Sana, hindi siya bitawan ng ilang umaasa sa kanya.
