PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janine Gutierrez kinilig sa compliment ni Regine Velasquez

Janine on recent encounter with Regine: "Kilig na kilig ako!"
by PEP Troika
Published Mar 30, 2021
Janine Gutierrez (left) on recent encounter with Regine Velasquez (right) at the ABS-CBN compound: "Meron pong tinweet si Miss Regine na nakakatawa noong nakasalubong ko po siya sa ABS na parang... Akala niya, maganda na siya today, tapos, nakasalubong daw niya ako. Hahaha! Kilig na kilig ako!"
PHOTO/S: @janinegutierrez / reginevalcasid Instagram

JERRY OLEA

Sa trailer ng pelikulang Dito at Doon, sinabihan ni Mark (Victor Anastacio) ang kaibigang si Len (Janine Gutierrez), “Anong ngiti ‘yan?! Parang kilig-katorse ‘yan, ah?!”

Siyempre, iniuukol ni Len ang kilig-katorse kay Caloy (JC Santos).

Sa virtual mediacon ng pelikula nitong Marso 29, Lunes ng gabi, natawa ang cast ng Dito at Doon nang usisain ko kung naranasan nila recently ang kilig-katorse.

"Si Victor po, naranasan niya!" bulalas ni Yesh Burce, na gumanap bilang Jo, karelasyon ni Mark.

Masayang pag-ayon ni Victor, "Oo, I think, ano ‘yan, e... ahhm, you don’t... ano ‘yon? You don’t... Ha! Ha! Ha! Ha!"

May nagpapakilig-katorse pa sa kanya?

"Meron naman, meron naman. Iyong mga 29. Hindi. Pero I think, you don’t grow old because you stop feeling kilig-katorse.

"You stop feeling... ay! Parang baligtad!" napakamot sa ulo na sabi ni Victor.

Natawang hirit ni JC, "Ano ba ‘yang mga motto mo na ‘yan?! Saan ba galing ‘yan?!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napayuko sa katatawa si Victor bago humirit, "Basta, masaya iyong mga ganoong feeling. Kasi, parang nakakabata.

"Ang pure kasi ng feeling na ganun, kaya yun ang naramdaman ni Len sa pelikula.

"Ang pure kasi na hindi niya gustong ipakita sa friends niya, pero lumalabas. So, yun iyong essence ng kilig-katorse.

"Kaya pag naramdaman ninyo yun, suwerte kayo!"

Saan hinugot ni Janine ang kilig-katorse na 'yon?

Mabilis na tugon ng premyadong aktres, "Nag-isip po talaga ako ng mga nakakakilig. Hahaha!

"Pero ang huling super-kilig moment ko, meron pong tinweet si Miss Regine na nakakatawa noong nakasalubong ko po siya sa ABS na parang...

"Akala niya, maganda na siya today, tapos nakasalubong daw niya ako. Hahaha! Kilig na kilig ako! Kilig na kilig ako, na may sinabi sa akin."

Ang tinutukoy ni Janine ay si Asia's Songbird Regine Velasquez na nagbigay ng nakakakilig na compliment sa kanya.

Kay JC, ano ang recent kilig-katorse moment niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, ano na, e, iba talaga yung feeling ng I think, kasal. So, nung kasal, iba yung kilig ko. May kasamang luha na’t lahat-lahat!" nakangiting sambit ni JC.

Kay Yesh?

"Ako po, ang huli ko pong kilig-katorse ay nanood po ako ng Korean series. Totoo po talaga yung kilig na naramdaman ko doon," lahad ni Yesh.

"Winish ko nga po na sana, ako na lang 'yon, e. Crash Landing On You po! Hahaha!

JC Santos, Janine Gutierrez in Dito at Doon

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang istorya ng Dito at Doon ay umikot sa online romance sa panahon ng pandemya—sa pagitan ng 28-anyos na magandang dalaga na nagma-masters sa kursong political science at 31-anyos na binatang delivery driver na nahihirapang abutin ang mga pangarap sa buhay.

Kasama rin sa cast si Lotlot de Leon pero wala siya sa virtual mediacon.

Gumanap si Lotlot bilang Aileen, 55-anyos na nars, na ina ni Len.

Ang Dito at Doon ay idinirek ni JP Habac, at prinodyus ng TBA Studios, in association with WASD Films.

Magsisimula sa Marso 31, Miyerkules, ang streaming nito sa limang platform—KTX, Cinema ‘76 @ Home, iWant TFC, Upstream at Ticket2Me. Ang halaga ng tiket ay P350.

JC Santos, Janine Gutierrez with Director JP Habac

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Magandang pag-usapan at maramdaman ang kilig at pag-ibig—at umaasa tayo na sana, iyan na lang ang mamayaning feeling ngayon imbes na takot, pagkabalisa, at kawalan ng pag-asa.

Kumusta kaya ang mga manonood ng mga pelikula?

Sa tingin kaya natin, itaya nila ang PHP1K na ayuda para manood ng sine? Kawawang bayan natin talaga!

GORGY RULA

Sa mga kuwentong online romance in the time of COVID-19 pandemic na pinauso sa YouTube at ilang digital platforms, mas pumatok ang virtual harutan nina Gavreel (Kokoy de Santos) at Cairo (Elijah Canlas) sa Pinoy BL series na Gameboys.

Sinundan ito ng Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Mas sinusubaybayan ang kuwentong kabadingan kesa sa mga normal na love affair dahil siguro mas gusto ng netizens ang mga kakaibang kuwento. Yung hindi pa masyadong natatalakay sa mga sinehan at teleserye.

So far, ang dami nang ipinalabas sa digital, at ang Anak ng Macho Dancer ang naglikha ng ingay, pero naniniwala akong mas nag-hit ang movie version ng Hello Stranger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga ganung material ang inaabangan dahil naiiba at hindi yung normal na napapanood sa mga sinehan. Kailangan kasing dumaan pa sa MTRCB.

Pero habang hindi pa saklaw ng MTRCB ang mga digital films at series, mas mabuti sigurong tapangan na nila at out of the box na mga karakter na gagampanan ng mga kilalang artista.

Kung kagaya pa rin kasi ng mga napapanood sa mga sinehan at wala namang bagong mapapanood, baka tutulugan lang ito ng iba.

Sana, may bagong mapapanood dito sa Dito at Doon—yung mga hindi pa nakikita kina Janine Gutierrez at JC Santos na kailangan nating tutukan.

Abangan natin iyan.

Dito at Doon official movie poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez (left) on recent encounter with Regine Velasquez (right) at the ABS-CBN compound: "Meron pong tinweet si Miss Regine na nakakatawa noong nakasalubong ko po siya sa ABS na parang... Akala niya, maganda na siya today, tapos, nakasalubong daw niya ako. Hahaha! Kilig na kilig ako!"
PHOTO/S: @janinegutierrez / reginevalcasid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results