PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atat at pabibong pagbabalita ng ECQ, nakalikha ng panic sa mamamayan

Isang news program at dalawang governor ang atat na nagbalita ng ECQ announcement.
by PEP Troika
Published Mar 27, 2021
market place
Maraming mamamayan tuloy ang nag-panic buying dulot ng atat na pag-a-announce ng ECQ (Enhanced Community Quarantine) ng isang news program at ng dalawang governors.
PHOTO/S: Jet Hitosis

GORGY RULA

Nakatsikahan ko ang ilang media men na nakatutok nitong Marso 27, Sabado ng hapon sa magiging desisyon ng Malacañang tungkol sa posibleng pagbabalik ng ECQ sa NCR plus.

Pagkatapos ng pagpupulong sa IATF, mahigpit na ibiniling hintayin na lang ang announcement ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pero may ilang di makapaghintay, kaagad na naging breaking news iyon sa news program ng isang network.

Nairita ang ilang reporters dahil sinabi na ngang hintayin muna ang announcement mula sa Malacañang.

Hindi lang ang news program na ito ang nag-preempt, kundi pati ang dalawang gobernador, na isinulat sa Cabinet Files.

Pero ilang sandali lang, iba na ang nasa Twitter account ni Cavite Gov. Remulla.

Sabi niya, “Let’s just all wait for the IATF announcement headed by @attyharryroque. Stay tuned.”

Bago pag mag-6 ng gabi, inilabas na rin ang balita sa website ng ilang diyaryo.

Kaya yung ilang reporters na nakaka-text ko, naiinis na sa ilang kasamahan na hindi makapaghintay sa official announcement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga ‘epal,’ ‘pabibo’ ang tawag nila sa mga atat na magbalita ng ECQ kahit wala pang kumpirmasyon sa Malacañang.

Lumikha iyon ng gulo at pag-panic sa taumbayan dahil sa mabilis na pagkalat ng balitang hindi pa opisyal na ipinahayag ni Spokesperson Harry Roque.

Ang dami na raw nag-panic buying sa ilang grocery stores.

Pero sabi ng ilang katrabaho, mas marami pa rin ang nag-panic na lang!

Kaya swak ang ipinost ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa Facebook at Twitter.

Ani Mayor Vico, “Let’s wait for the announcement/s from Malacanang. Kapag maraming nagsasalita at pinapasa pasa na natin ang mga balita na di pa kumpirmado (o maari pang magbago), dun tayo nagkakalituhan, eh.

“Basta ang LGU, pinaghahandaan ang kahit anong posibilidad.”

Twitter: Vico Sotto urges netizens to wait for Malacanang official ECQ announcement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit sa Public Information Office ng Manila Mayor Isko Moreno, wala silang ibinigay na kumpirmadong sagot sa maraming nagtanong.

Sabi lang sa PIO ng Maynila, “The mayor will not make any announcement regarding that. Palace will do tentatively after 5pm today.”

Iyon ang mahirap kapag naunahan ng mga haka-haka at tsismis ang isang opisyal na pahayag mula sa Pangulo ng bansa.

Ang laking epekto nito at naglikha ng pagkalito at gulo sa taumbayan. Huwag sana masyadong atat, di ba?

NOEL FERRER

Tama naman na dapat antayin ang opisyal na pahayag ng Malacañang o kung sinuman bago maglabas ng balita.

Pero parang naging kalakaran na para sa iba ang magpabibo at umepal para maka-scoop.

Walang point ang pagpa-panic buying dahil bukas naman ang mga groceries at tindahan na magbebenta ng essential goods.

Unlike before, in-assure tayo ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture na hindi magkakaubusan ng supply ng pagkain o yung mga alcohol at mga pangunahing kailangan tulad noong unang lockdown last year.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kaibahan lang siguro ay Holy Week kasi (at maaari ring ma-extend pa ang strict lockdown kung tataas pa ang mga numero natin).

So, kailangan talagang mag-stock up sa supplies, tulad ng ginawa namin kanina para hindi pabalik-balik sa pamilihan.

Nakakatakot din kasing magpabalik-balik sa mall o sa supermarket o sa mga palengke kung saan maraming tao. Iwas exposure na rin lang talaga.

Pero teka, I want to know, Tito Jerry, may enough ka bang supply ng favorite mong tissue paper ngayong ECQ?

JERRY OLEA

Tito Noel, akala mo lang, wala pero meron. Meron! Meron!

Makabuluhan ang karamihan ng Facebook posts ni Cavite Governor Jonvic Remulla, kagaya ng recent post niya na pinamagatang CHANGE OIL.

Sinusubaybayan ko ang status update ni Laguna Governor Ramil L. Hernandez sa Laguna Bantay COVID19.

May pabatid sa tuwi-tuwina sa Facebook si Bulacan Governor Daniel R. Fernando bilang gabay sa kanyang nasasakupan.

Ganoon din siyempre si Rizal Governor Nini Ynares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala ng Lalawigan ng Rizal nitong Marso 27, Sabado ng umaga sa Facebook page nito, “Sa darating na Holy Week, piliin natin ang KERI at layuan natin ang SKERI!

“Mas SKERI ang kulob na lugar at walang dumadaloy na hangin! Doon tayo sa KERI dumaan na lamang para magdasal nang mabilis sa mga open spaces ng simbahan.

“Para sa taimtim at ligtas na Holy Week, #BIDASolusyon Plus sa COVID-19!”

Abangan natin kung lalampas sa 10,000 ang mga bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Pinangangambahan kasi na kung hindi mag-i-ECQ sa NCR+, baka lumampas pa sa 20,000 ang madaragdag na bagong kaso ng Covid-19 sa bawa’t araw.

Kalbaryo iyon para sa mga Pinoy. Hagupit na malupit!

Nakatanggap tayo ng kiyemeng "BREAKING NEWS" na IATF Guidelines for the Holy Week para sa NCR+ bubble:

“1. Mga lalaki lang ang puwedeng lumabas sa Lunes Santo. Kasi, Man Day.

“2. Sa Martes Santo, optional lumabas. Kasi, Choose Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“3. Sa Miyerkules Santo, bawal kumain sa Jollibee at McDo. Kasi, Wendy's Day.

“4. Sa Huwebes Santo, bawal uminom dahil Thirst Day.

“5. Sa Biyernes Santo, bawal ang sinigang o nilagang ulam. Kasi, Fried Day.

“6. Sa Black Saturday, araw ng mga lasenggo at manginginom. Kasi, Shotter Day.

“7. At sa Linggo ng Pagkabuhay, mga anak na lalaki lang puwedeng lumabas. Kasi, Son Day... at meron silang Easter eggs.”

Siyempre, JOKE lang po ito.

Kung sino man ang nagpasimuno ng breaking news chenes na iyan, SALAMAT dahil natawa ako at kahit paano’y naibsan ang aking agam-agam.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming mamamayan tuloy ang nag-panic buying dulot ng atat na pag-a-announce ng ECQ (Enhanced Community Quarantine) ng isang news program at ng dalawang governors.
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results