PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tangkilikin na muna natin ang online concerts

Tuwang-tuwa sina Ogie, Ian, at A Team management sa tagumpay ng Kilabotitos.
by PEP Troika
Published Mar 27, 2021
Ian Veneracion, Ogie Alcasid
Tuwang-tuwa sina Ian Veneracion, Ogie Alcasid, at ang A Team Management sa tagumpay ng Kilabotitos.
PHOTO/S: Screengrab from Kilabotitos

GORGY RULA

Napanood ko ang virtual concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion na Virtually Yours, Kilabotitos nitong Marso 26, Biyernes ng gabi sa KTX.

Hindi ko pa nakuha ang tamang figures ng ticket sales, pero malakas daw at masayang-masaya sina Ogie, Ian, at ang buong A Team sa magandang turnout ng naturang concert.

Hindi ko lang napanood nang mabuti ang huling bahagi ng concert dahil nasa radio program ko na ako. Pero kahit paano ay napagaan ang loob namin, pagkatapos ng balitang nakapagtala ng pinakamataas na record na 9,838 new cases ng COVID-19.

Na-enjoy namin ang hit songs ng '80s at '90s na unang hinataw nina Ogie at Ian.

Naaliw kami nang kinanta nila ang theme song ng sitcom nina Ian at Joey de Leon na Joey and Son, at sinundan ng theme song ng iba pang nag-hit na sitcom at gag show noon na Iskul Bukol, John en Marsha, at Palibhasa Lalake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As usual, ang galing ng mga patawa ni Ogie na nasasakyan ni Ian. Pero nagulat kami, kering-keri pala ni Ian na mag-concert.

Ang isa sa nagustuhan namin nang husto ay ang special participation ng talents ni Ogie sa A Team na sina Lara Maigue at Gian Magdangal.

Nag-Grease songs muna sina Ogie at Ian, at segue kay Gian na nakapag-Grease noon sa stage.

Kinanta ni Gian ang "Sandy" na kinanta ni John Travolta sa naturang hit musical film.

Ang galing ni Gian! Clap, clap, clap talaga ako!

As usual, hindi rin nagpahuli si Lara. Kaya proud si Ogie sa mga hawak niyang talents sa A team.

Marami pa siyang mga magagaling na singers under his ward at nabanggit ni Ogie sa amin sa virtual mediacon ng Kilabotitos na meron silang pinaghahandaang partnership ng A Team at ng Star Magic.

Aniya, “We’re going to forge a partnership also with Star Magic. Makikita nyo yun soon. All of our A Team talents, we will be doing a strategic partnership with Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Abangan nyo po‘yun. So, solid tayo sa Kapamilya. Kita nyo naman, may oras pa akong mag-manage, ha?”

Congratulations sa lahat na bumuo ng Kilabotitos virtual concert, at sana magkaroon ng repeat pero live concert na.

NOEL FERRER

May second streaming ang Kilabotitos ngayong Marso 27, Sabado sa Manila but mostly targetted sa mga kababayan natin abroad na nasa ibang timezone.

Sana, since naka-lockdown na naman tayo at nasa bahay lang ang mga tao dahil may usap-usapang gagawing mas istrikto ang quarantine classification ulit ay tangkilikin nila ang online shows para buhay pa rin ang music/concert industry kahit hikahos.

Congrats, Ogie and Ian and the whole A-Team family pati na ang kaibigan kong direktor ng concert na birthday boy rin na si Paolo Bustamante.

Next up, ang TALA, The Film Concert experience with Sarah Geronimo ngayong Sabado night.

JERRY OLEA

Nag-tweet agad si Regine Velasquez matapos ang unang streaming ng concert nina Ogie at Ian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang saya saya ng Kilabotitos love it!!!!!!Congratulations sa mga Titos (tatlong pulang puso na emoji),” tweet ng Asia’s Songbird.

Ang Freedom digital concert ni Regine na nag-streaming noong Pebrero 28 ay ipapalabas muli “due to popular demand.”

Ang second streaming nito ay sa Abril 4, Easter Sunday, 11:00 am (Manila time) sa StageIT.

Sa PST ay Abril 3, Black Saturday, 7:00 pm iyan.

Ngayong Marso 27, Sabado ay 9,595 bagong kaso ng Covid-19 ang naitala.

Umabot na sa 712,442 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa Pilipinas. 118,122 sa mga ito ay aktibong kaso.

Andaming taga-showbiz (partikular sa mga taga-TV) ang nababalitaan nating nahawa sa Covid, kaya makabubuting manood na lang muna tayo ng pang-aliw na palabas sa kani-kanyang bahay natin— online, virtual, digital.

Hayan nga, nag-#1 trending sa Netflix Philippines ang Regal movie na Pwera Usog (2017), na tinampukan nina Sofia Andres, Joseph Marco, Albie Casiño, Devon Seron, Kiko Estrada, Eula Valdes, at Aiko Melendez, sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga bagong palabas din ang GMA-7, TV5 at ABS-CBN na aabangan natin pagkatapos ng Linggo ng Pagkabuhay.

Huwag na muna tayong mangarap na makapanood ng live concert in person kung ganyan na ispageting pataas ang nagiging “pusit.”

Nakakakilabot ang maaaring mangyari sakaling ipilit ang pagbabalik ng live entertainment.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuwang-tuwa sina Ian Veneracion, Ogie Alcasid, at ang A Team Management sa tagumpay ng Kilabotitos.
PHOTO/S: Screengrab from Kilabotitos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results