PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Alcaraz, naka-quarantine pagkatapos magpositibo sa COVID-19

Marco, apat na araw na lang ang hinihintay para makauwi pagkatapos mag-COVID positive.
Published Mar 25, 2021
Apat na araw na lamang ang hinihintay ng aktor na si Marco Alcaraz para muling makauwi sa kanyang bahay matapos ma-quarantine dahil sa pagpopositibo niya sa COVID-19.
PHOTO/S: @marcoalcaraz on Instagram

NOEL FERRER

Binibilang na lang ng talent kong si Marco Alcaraz ang araw, at makakauwi na uli siya sa kanilang bahay pagkatapos ng kanyang pagku-quarantine at isolation na may kinalaman sa COVID.

“Apat na tulog na lang at makakasama ko na ang pamilya ko ulit,” sabi ni Marco nang mag-positive ang test niya sa COVID.

Sinabi ni Marco sa kanyang bagong vlog na hindi niya inasahan ito dahil pagkatapos mag-positive ng kanilang kasamahan sa trabaho ay nag-swab ang lahat ng kasama niya sa taping ng isang teleserye.

Ang roommate niyang fellow actor ay nag-negative, at siya ay nag-positive.

Hindi pa nakuntento si Marco dahil nagpa-saliva antigen at swab antigen test din siya after—at parehong nag-negative.

Buti na lang asymptomatic siya at walang masamang nararamdaman.

Ginugol niya ang oras sa pagdarasal, fitness, at pagfe-Facetime sa pamilya at mga kaibigang nami-miss niya talaga.

“Be strong and be safe,” sabi ni Marco, na ayaw lang manatiling isa sa mga numero na nagka-COVID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

He is documenting everything para makatulong siya sa mga tao at pamilyang may parehong pinagdadaanan.

For sure, there are lots of things that he can share sa kanyang COVID ordeal. “Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight.” [Proverbs 3:5-6]

Videocall screengrab: Marco Alcaraz in quarantine

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Kaninang umaga lang ay nabulagbog din kami sa balitang nag-positive ang isang magaling na aktres na bahagi ng isang drama series sa isang TV network.

Patapos na silang mag-taping, tapos biglang may nagkasakit kaya hindi maiwasang matakot ang mga kasamahan niya.

Kaya stop taping din sila ngayon, at hihintayin ang resulta ng swab test nila bukas.

Pero isipin ninyo kung anong stress ito sa lahat na naghihintay ng resulta ng RT-PCR.

Kaya wala na tayong magagawa kundi magdasal na lang na kayanin pa natin itong mga pinagdadaanan natin.

Kilala naman kung gaano ka-resilient ang mga Pinoy, kaya malalagpasan din ito lahat. Yun na lang lagi ang isipin natin.

JERRY OLEA

Kahalubilo ng mahusay na aktres ang co-stars, kaya malaki ang probability na may iba pang “pusit” sa set ng drama series.

“Pusit” ang tawag ni Chad Kinis sa mga katulad niyang nag-positive sa COVID-19.

Marami pang kuwentong-COVID ang nakakarating sa atin kaugnay sa mga TV program.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabuti at iyong produksiyon na kasali si Marco ay agad umaksiyon nang merong mag-positive sa kanila.

As of March 25, Thursday, lampas na sa 693K ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Konting kembot at kendeng na lang at 700K na.

Umiigting na naman ang panawagan na mag-resign si Francisco Duque III bilang Secretary ng DOH.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apat na araw na lamang ang hinihintay ng aktor na si Marco Alcaraz para muling makauwi sa kanyang bahay matapos ma-quarantine dahil sa pagpopositibo niya sa COVID-19.
PHOTO/S: @marcoalcaraz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results