PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maja Salvador, nagluluksa sa pagpanaw ng tiyahin dahil sa COVID-19

Maja recalls younger days when she and her mother lived with her aunt.
by PEP Troika
Published Mar 24, 2021
Maja Salvador on her mom's first cousin who died of COVID-19: "It’s a very difficult week for me... Siya po ang nagkupkop sa amin ever since nung umuwi kami dito sa Manila. Sa bahay niya kami nakitira."
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram

GORGY RULA

Dumaan sa matinding pagsubok si Maja Salvador ngayong linggong ito dahil sa pagpanaw ng kanyang tiyahin na close sa kanya.

Ibinahagi ni Maja ang nangyari sa kanilang pamilya sa katatapos lang na mediacon ng bagong teleserye niya sa TV5, ang Niña Niño, na magsisimula na sa April 5 bago mag-FPJ’s Ang Probinsyano.

Napag-usapan namin ang tungkol sa kung paano nila i-observe ang darating na Semana Santa, at kung ano ang pananaw nila ngayong Lenten season, na kagaya noong nakaraang taon ay naka-quarantine pa rin tayo.

Malungkot na ikinuwento ng aktres ang nangyari sa kanyang tiyahin, na first cousin ng kanyang ina na si Thelma Andres.

Marami raw nalampasang karamdaman ang kanyang tiyahin, hanggang sa kamakailan ay dinapuan ito ng COVID-19.

Ani Maja, "Ang hirap ng buong linggong ito para sa akin kasi yung tita ko, for twenty years, nilaban niya.

"Survivor siya. Nagpa-kidney transplant siya, twenty years, inilaban niya iyun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She also had cancer stage 4, nilaban niya yun. Tapos, naoperahan pa siya nung December, nalaban niya iun.

"And then, nahawaan po siya ng COVID, and she just died three days ago."

Kaya kung ano man daw ang plano sana nila ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez, hindi na niya itutuloy dahil sa nagluluksa pa ang buong pamilya, at nakakatakot na raw talaga ang pataas na pataas na kaso ng COVID-19.

Lahad ni Maja: "It’s a very difficult week for me. Kaya ako, sabi ko, may plans man ho ako for Holy Week, pero kailangang i-cancel ko lahat.

"Kasi sabi ko, hindi talaga biro yung coronavirus na meron tayo.

"So, I think itong Holy Week ay kung maari po sana, we’ll just stay sa mga bahay-bahay to help our frontliners din.

"And siyempre, ibigay din natin kay Papa God yung Holy Week talaga para mag-reflect din at magpasalamat, humingi ng proteksiyon sa nangyayari sa buong mundo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinding-hindi makakalimutan ni Maja ang kanyang namayapang tiyahin tuwing Semana Santa dahil ito raw ang laging nagdadala sa kanya sa simbahan nung bata pa siya.

"Siya po ang nagkupkop sa amin ever since nung umuwi kami dito sa Manila. Sa bahay niya kami nakitira.

"Kaya ganun kalakas ang faith ko kay God because of her, bata pa lang ako, binibitbit niya ako lagi sa simbahan.

"Ako yung sinasama niya lagi nung bata pa ako," malungkot na pahayag ng bida ng Niña Niño.

NOEL FERRER

Nasabi ni Maja na nakapagbangko sila ng episodes sa bagong serye na Niña Niño na sisimulan ang airing after Easter Sunday.

Ngunit ngayong maraming mga produksiyon ang natigil ang taping dahil sa surge ng COVID-19 cases, sapat ba ang episodes na na-tape ni Maja at ng kanyang co-stars?

"Safe na safe at tumutupad sa protocols ang mga kasama sa teleserye namin, pero hindi talaga namin iri-risk ang buhay at kalusugan ng mga katrabaho lalo na ngayon," sabi ni Maja.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I’m sure, mag-a-adjust ang TV5 at Cornerstone at Spring Films if ever magka-extreme scenario."

Masaya ring ibinalita ni Maja na nakapagsingit siya ng paggawa ng pelikula in between Sunday Noontime Live and Niña Niño.

Ang titulo ng pelikula ay Arisaka sa direksiyon ni Mik Red.

Si Thop Nazareno naman ang direktor ng Niña Niño.

Huling napanood si Maja sa Sunday Noontime Live, na umere mula October 2020 hanggang January 2021.

Urian Best Actress awardee si Maja sa Thelma (2011) kaya gustung-gusto niya talagang makagawa pa ng magagandang pelikula.

All the best, Majesty!!!

JERRY OLEA

Napapanood ang inspirational series na Huwag Kang Mangamba pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Kapamilya Channel.

Tampok dito sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Excharri.

Gaya ng Huwag Kang Mangamba, tungkol sa himala at pananampalataya ang Niña Niño.

Simula Abril 5, Lunes, naka-sandwich ang teleserye ni Coco sa dalawang religious drama series.

Sa panahon na laganap pa rin ang COVID-19 sa ating bansa, mas kakapitan ba ng televiewers ang mga ganitong programa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on her mom's first cousin who died of COVID-19: "It’s a very difficult week for me... Siya po ang nagkupkop sa amin ever since nung umuwi kami dito sa Manila. Sa bahay niya kami nakitira."
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results