PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7 postpones RitKen's series "Ang Dalawang Ikaw"

Ang Dalawang Mrs. Real, papalit sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit sa GMA-7.
by PEP Troika
Published Mar 24, 2021
Ang Dalawang Mrs. Real ang papalit sa Bilangin ang Bituin sa afternoon block ng GMA-7. Hindi pa muna eere ang teleseryeng Ang Dalawang Ikaw, na pinagbibidahan nina Rita Daniela at Ken Chan (left).
PHOTO/S: GMA Network YouTube

JERRY OLEA

Nitong mga nakaraang linggo ay panay-panay na ang plugs ng GMA Network sa panghapong drama series na Ang Dalawang Ikaw, na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela.

Base sa teaser, isa sa mga pagsubok na susuungin ng mga karakter nina Ken at Rita ay ang pagkawalay ng kanilang mga karakter habang si Ken ay mayroong diassociate identity disorder.

Isa itong mental condition kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao.

Pakiwari ko, itong Ang Dalawang Ikaw ang ipapalit sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit na magtatapos sa Marso 26, Biyernes.

Rita Daniela, Ken Chan in GMA afternoon series Ang Dalawang Ikaw

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamukat-mukat mo, nabalitaan na lang nating ire-replay ang teledramang Ang Dalawang Mrs. Real umpisa Marso 29, Lunes ng 4:15 p.m., sa GMA Network bilang kapalit ng drama series nina Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Kyline Alcantara, Yasser Marta, at Nora Aunor.

Bida sa Ang Dalawang Mrs. Real sina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, at Lovi Poe. Ipinalabas ito noong Hunyo hanggang Setyembre 2014 sa prime-time block ng Kapuso Network.

Maricel Soriano, Lovi Poe in Ang Dalawang Mrs. Real

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kauumpisa lang noong Pebrero 15 sa GMA Telebabad ang bagong prime-time series na Owe My Love nina Lovi at Benjamin Alves.

Kaya umpisa Lunes, bida si Lovi sa dalawang drama series ng Kapuso Network— isang panghapon at isang panggabi.

Kailan kaya ipapalabas ang RitKen series na Ang Dalawang Ikaw?

NOEL FERRER

I guess kapag nalampasan na natin ang matinding COVID-19 surge na kinasadlakan ng marami nating mga kababayan, mapapanood natin ang bagong RitKen series.

I wonder kung ano ang masasabi ng lead stars ng teleseryeng ito, na parehong napabalitang dumaan sa matinding pagsubok ngayong pandemya.

I’m sure, maraming lessons learned tayong mapi-pick up sa kanilang lahat dito sa grupo ng Ang Dalawang Ikaw.

GORGY RULA

May ideya tayo kung bakit hindi muna matutuloy ang pagpapalabas ng teledramang Ang Dalawang Ikaw. Hindi lang natin pwedeng pangunahan.

Hintayin na lang ang kanilang pahayag kaugnay rito.

Ang tanging hangad lang nating lahat ay safe silang lahat. Ang kanilang kalusugan ang pinakamahalaga sa lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Dalawang Mrs. Real ang papalit sa Bilangin ang Bituin sa afternoon block ng GMA-7. Hindi pa muna eere ang teleseryeng Ang Dalawang Ikaw, na pinagbibidahan nina Rita Daniela at Ken Chan (left).
PHOTO/S: GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results