PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

All-Out Sundays to continue doing comedy segment

AC Bonifacio at BGYO, pangungunahan ang world-class performance sa ASAP Natin 'To.
by PEP Troika
Published Jan 29, 2021
All-Out Sundays program manager on suggestion of viewers to scrap the comedy segment: "The dance and the song number will still be there, and the comedy is part of what AOS is po kasi, e. So, hindi po kami bibitaw dun sa comedy, ii-improve po namin lalo."

GORGY RULA

Ipagdiriwang ng All-Out Sundays ang kanilang first anniversary at babalik na silang live sa studio ng GMA-7 sa Linggo, January 31.

Hindi nagpatalo ang AOS, at nag-trending din ito noong nakaraang Linggo. Pero samu’t sari ang mga opinyon ng netizens. May ilang nagsasabing sana ay purong musical na lang ito at tanggalin na ang comedy.

Pero ito ang kaibahan ng AOS sa ibang musical-variety shows, at comedy talaga ang strength ng GMA-7.

Paliwanag ng program manager ng AOS na si Ms. Ruth Mariñas, “Na-appreciate namin yung comments ng mga fans, mga comments nila sa Twitter, sa Facebook.

“Binabasa po namin iyan, at pinag-iisipan naman po namin iyan. Siyempre, hindi naman po mapi-please ang lahat.

“Pero yung mga nagsasabi po na mag-reformat, siguro ang kaya po namin na maipangako is pagbutihin pa yung kung ano man yung mga nagawa namin.

“The dance and the song number will still be there, and the comedy is part of what AOS is po kasi, e. So, hindi po kami bibitaw dun sa comedy, ii-improve po namin lalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Exciting po yung bagong story. Minahal naman po yung 'Tapsikret' nung bago mag-pandemic. So, ini-expect naman po namin that they will appreciate the new story that we will offer.

“Again, we read them. We appreciate the comments, and we try to listen to what the fans are saying.

“So, kailangan lang po naming balansehin kung ano po yung makakabuti dun sa programa.

“At the end of the day, the ratings din ang basehan namin kung ano yung itutuloy, kung ano yung babaguhin at kung ii-improve pa.”

Dagdag pang pahayag ni Christian Bautista, “Wala naman pong mga super laki or number one or 2 twitter trending to tell us even before to take out that segment.

“So, why is it still here? Because it’s working. Because a lot of people also like the comedy.

“We respect and we appreciate the opinions of some people who would prefer na we go back to musicals. That is perfectly fine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Their opinions matter and we adjust accordingly. But there also a lot of people who appreciate the comedy, especially while they’re eating on a Sunday afternoon.

“Some really like to laugh. A lot of people like to laugh.”

Kaya tuloy pa rin ang kanilang comedy segment kung saan natapos na ang kuwento ng "Tapsikret" nina Paolo Contis at Glaiza de Castro, kasama sina Kakai Bautista, Betong, at marami pa.

"Eternal Flam" na ang title ng bagong kuwentong ilalahad nila.

Sabi ni Glaiza, “Hindi naging madali yung journey ng All-Out Sundays pero sobra kaming grateful dahil simula nung nag-start kami, naging consistent kami sa ratings.

“Nae-excite kami lagi. Yun din ang reason kung bakit kami patuloy na nag-i-improve.

“Marami kaming guests na mga Kapuso artists, mga cast ng upcoming programs na makiki-celebrate sa amin.”

JERRY OLEA

World-class performances na naman ang handog ng ASAP Natin ‘To sa pag-welcome nila kay AC Bonifacio (na lalabas sa Season 5 ng Riverdale) at sa P-Pop group na BGYO (dating SHA Boys) sa Enero 31, Linggo ng 12:00 nn.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

P-Pop group BGYO

Kaabang-abang din ang collab ni Regine Velasquez at bandang The Juans.

Pagkatapos ng dalawang taon mula nang inawit ni Janine Berdin sa "TNT Grand Finals 2018" ang mga kanta ni Bamboo na nagpapanalo sa kanya, matutupad ang kanyang birthday wish na makasama ang kanyang idolo sa entablado ng ASAP Natin ‘To.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikisaya rin sa longest-running variety show ang love teams nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Francine Diaz, Ashley del Mundo at Tan Rocal, Karina Bautista at Aljon Mendoza, at Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Ipagdiriwang ng Queen of Teleserye Theme Songs Angeline Quinto at Prince of Pop Erik Santos ang anniversaries ng Star Power at Star in A Million.

Mapapanood ang ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

NOEL FERRER

Halos sabay pala ang anibersaryo ng dalawang programang pang-Linggo ng tanghali.

Twenty-six years ang ASAP, at ang AOS ay turning one year old naman.

Ngayong bagsak ang ekonomiya at maraming kapalpakang nagaganap sa lipunan, alin kaya sa ASAP at AOS ang unang magbibigay ng pang-aliw, hindi lang pantakas (escape) sa katotohanan kundi mas maging daan ng pagmumulat at pagsusuri sa katotohanan habang entertaining pa rin?

Hindi ba’t nakaka-miss ang mga katulad ng Sa Linggo nAPO Sila, Sic O’Clock News, Abangan Ang Susunod Na Kabanata, at ang mga karakter nina Meldita ni Tessie Tomas, si Willie Nepomuceno, Jon Santos, atbp, na nakakaaliw pero nakakapagpaisip pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana minsan, kahit portion or segment lang, meron din ang noontime shows na nagpapalinaw at magpapamulat sa mga manonood nito na heto, o, patuloy tayong nalulugmok sa kahirapan at kampante lang tayo.

Pwede kayang maiba rin kung minsan?

MORE PEP TROIKA STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
All-Out Sundays program manager on suggestion of viewers to scrap the comedy segment: "The dance and the song number will still be there, and the comedy is part of what AOS is po kasi, e. So, hindi po kami bibitaw dun sa comedy, ii-improve po namin lalo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results