GORGY RULA
Matagal na palang hindi nagsasama sa isang silid ang guwapong aktor na may maamong mukha at ang kanyang misis?
Napansin na raw ito ng mga katrabaho ni Guwapong Aktor na medyo weird ang dating sa kanila ang ganoong set-up.
Parang mag-asawa pa rin daw ang trato nila sa isa’t isa pero bakit hindi na raw sila magkasama sa isang kuwarto gaya ng typical na mag-asawa?
At ang nakakarating pa raw sa kanila, sinasabi na raw ni Guwapong Aktor sa ilang malalapit na kaibigan na magkahiwalay na silang mag-asawa.
Kaya raw sinasabi ito ni Guwapong Aktor dahil minsan ay may mga pinapatos na raw siyang ilang magagandang girls na type makipagtikiman lang.
Kagaya nitong napakagandang starlet na ang dinig namin ay may boyfriend na nasa prominenteng pamilya.
Todo-kiri raw si Napakagandang Starlet kay Guwapong Aktor, na minsan ay siya pa raw ang dumadalaw kahit galing siya sa malayong lugar.
Hindi lang alam ng aming source kung tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pagkikita hanggang ngayon.
Ano raw kaya ang kasunduan ng mag-asawa sa kanilang relasyon kung totoong hiwalay na sila?
Ang pagkakaalam kasi nila, si Misis pa rin daw ang humahawak ng finances ng pamilya, na hindi lang sure kung iniintrega pa rin sa kanya ang lahat ng kinikita ni Guwapong Aktor.
Kunsabagay, may alam tayo na ilang showbiz couples na okey pa rin sila kahit matagal nang magkahiwalay.
Parang partnership na lang ang ugnayan at hindi na marriage?
JERRY OLEA
Mahiwaga ang bedroom climate sa panahon ng pandemya.
May mga pangakong nababali, kaya hindi natin matantiya ang lamig o init ng weather-weather.
May love affairs na umuusbong at yumayabong nang walang kaabug-abog.
Napaka-charming ng fortysomething actor, kaya hindi tayo nagulat kung marupokpok sa kanya ang puso at puson ni Napakagandang Starlet.
Pero hanggang kailan?
Iyan ang tanong na dapat bulungan ng orasyon.
NOEL FERRER
Naku, masalimuot ngang pag-usapan ang setup na ito na alam ko’y hindi naman daw hiwalay!
At yung sa napakagandang starlet, mukhang mananatili siyang starlet kung ganoon ang gawi niya.
Ang fortysomething actor, tuluy-tuloy lang ang trabaho.
Mukhang ito ang kanyang focus ngayon, at deadma siya sa mga naririnig niya sa kasamahan sa taping dahil alam daw niya ang totoo.
