GORGY RULA
Masaya si Jodi Sta. Maria sa kinalabasan ng Metro Manila Film Festival 2020 entry ng Clever Minds Productions na The Boy Foretold by the Stars.
Sumali si Jodi bilang producer ng pelikula dahil nagustuhan niya ang script ng director nitong si Dolly Dulu. Kuwento sa amin ni Direk Dolly, natuwa si Jodi nang napanood ang kabuuan ng pelikula.
Kagaya ng BL series na Gameboys, kinilig kami sa nabuong relasyon ng mga pangunahing karakter ng pelikula na sina Dominic (Adrian Lindayag) at Luke (Keann Johnson).
Bading si Dominic na na-develop ang pagmamahal sa schoolmate niyang si Luke na isang tunay na lalake.
Magagaling silang lahat. Maganda ang script na hindi mo bibitawan ang kuwento hanggang ending nito.
VIC ROBINSON ON TURNING DOWN A MALE FRIEND
Sa tingin ko, makaka-relate ang halos lahat na kabadingan.
Pero tinanong ko ang male stars ng The Boy Foretold by the Stars kung nakaka-relate din ba sila. Minsan ba sa buhay nila ay naranasan nilang may bading na na-in love sa kanila na posibleng makarelasyon nila?
Sabi ng theater actor na si Vic Robinson, na may mahalagang role sa pelikula, “Meron pong nagpahayag ng pagmamahal, pero secure naman po ako na ako ay heterosexual.
“Sinabi ko naman po na maging good friends, and until this day, good friends pa rin kami nung nagpahayag ng kagustuhan.
“Pero at the end of the day, love is love. So, wala pong gender, walang sexual preference or something.
“At the end of the day, kung mahal mo iyung tao, mahal mo siya.”

KEANN JOHNSON ON HIS MALE ADMIRERS
Aminado naman si Keann na posible siyang ma-in love sa kapwa lalaki pero hindi pa raw ito nangyari sa kanya. Kahit may ilang bading na ring napaghayag ng pagmamahal sa kanya...
“Actually, I did the same way. Parang I told him na, 'You know, I love that you were confident enough to tell me how you felt. Pero sorry, I am heterosexual at ayokong paasahin ka.'
“Siyempre, you guys have feelings. I don’t want to, you know… 'tapos mamaya, bibitawan lang kita.
"Siyempre, nararamdaman ko yung nararamdaman mo,” pahayag ni Keann.
CLAMOR FOR BL CONTENT
Sa tingin ni Direk Dolly, handa na rin ang mga manonood sa ganitong klaseng pelikula.
“It’s about time na rin po siguro. Medyo matagal-tagal na rin itong hinihintay.
“I think ngayon ang perfect time, kasi nabuksan na yung culture na ito dahil marami na pong series na lumabas. So, na-prepare na yung audience sa ganitong kuwento.
“'Tapos ngayon, movie na siya at MMFF pa, parang wala na kasi silang choice. Kasi, part na siya ng line-up, e.
“Isinama na ito sa mga panonooring pelikula. Basta, isinama na siya ng MMFF panel, na ready na ang Pilipinas sa ganitong klaseng material,” saad ni direk Dolly.
Maraming gays ang tiyak na makaka-relate sa pelikulang ito. Matutuwa rin ang mga kababaihan.
Pero ang mga kalalakihan kaya ay magustuhan nila ito?
Agree ba kayo, ka-Troiks, na maaring makaka-relate din dito ang mga kalalakihan dahil halos lahat sa kanila ay naging bahagi ng buhay nila ang isang bading?

NOEL FERRER
Pulido ang pagkakagawa ng pelikulang ito at sana, mapansin ng jury ang mahusay na pagganap ng lead stars ng pelikula.
Iyan din ang panalangin ko, Tito Gorgy, na sana ay maka-relate ang maraming makakapanood nito.
Ngayong naging uso at palasak ang BL sa online platform, may bentahe itong entry na The Boy Foretold By The Stars.
Mukhang ito ang dark horse that may just spring a major surprise sa MMFF. Good luck!
JERRY OLEA
Kung maganda ang pelikula, dapat na maganda, masipag, at masigasig ang nagpo-promote ng mga ito. Hindi pa kasi masyadong kilala ng audience ang mga bida nito na sina Adrian at Keann.
Nasabi ko na rin before na ang galing-galing ni Adrian sa Oh My Dad, na libreng napapanood sa TV5. Andaming Pinoy BL series na libre.
LIST OF "MUST-WATCH" BL SERIES
Para sa akin, ang mga “must watch” Pinoy BL series na libreng mapapanood sa YouTube ay Gameboys (The IdeaFirst Company), Hello Stranger (Black Sheep), Ben x Jim (Regal Entertainment Inc.), at My Day (Oxin Films).
Iyong Hello Stranger at Ben x Jim ay libre ring mapapanood sa Facebook.
Ang isa pang “must watch” Pinoy BL series ay Oh Mando! na streaming sa iWant TFC app and website. Iyong first episode lang ng Oh Mando! ang in-upload sa YouTube, at edited out pa ang butt exposure doon ng isang ekstra.
Sa mga gustong mag-enjoy sa Pinoy BL, panoorin muna ninyo iyong limang “must watch.”
OTHER NOTABLE BL SERIES
Kung gusto ninyong lumawak pa ang kaalaman ninyo sa mga Pinoy BL series, saka ninyo panoorin ang Boys’ Lockdown, My Extraordinary, Gaya Sa Pelikula, Better Days, at ang trilogy na Truly Very Yours.
Gayundin ang Hook-Up & Unguarded, Why Love Why, Sakristan, In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam, Quaranthings, at Amore.
Sa mga matiyaga, andiyan pa ang mga Pinoy BL series na Swap Test, Lakan, Boyband Love, Influencers, The Shore, Cheat, at Your Home.
Mayroon pang Stigma, Got Chu Fam, Art of Love, Island, Strange Heart, Safe Haven, Even After, Kumusta Bro, Oh My Sexual, 90 Days, among others.
UPCOMING BL SERIES AND MOVIES
Sa Disyembre 25, Biyernes, araw ng Pasko ay magpe-premiere na sa Gagaoolala ang nine-episode BL series na Happenstance.
Kaabang-abang ang mga ganap dito nina Kiko Ipapo, Jovani Manansala, Saviour Ramos, at Shu Calleja.

Happenstance cast members Shu Calleja, Jovani Manansala, Saviour Ramos, and Kiko Ipapo
Suportado sila nina Rosanna Roces, Alan Paule, Bembol Roco, Angeli Bayani, at Erlinda Villalobos. Ang Happenstance ay idinirek ni Adolf Alix, Jr. mula sa panulat ni Jerry Gracio.
Nauna silang mag-collaborate sa pelikulang Muli (2010) nina Sid Lucero at Cogie Domingo. Maliban sa mga Pinoy BL series, napakarami pang Pinoy movies na mapapanood sa iba-iba ring YouTube channel.
Ang unang Pinoy BL movie na nag-streaming ay My Lockdown Romance nina Jameson Blake at Joao Constancia.
Sa halagang PHP150 ay nag-streaming ito noong Nobyembre 13-26 sa CineXpress via SKY Movies Pay-Per-View. Na-avail ito ng subscribers ng SKYcable, SKY Fiber with HD Cable TV, at SKY Fiber with All-In Box.
Kagaya ng The Boy Foretold by the Stars, kuwento ng bading na inlabey sa lalaking straight ang Boyette: Not A Girl Yet nina Zaijian Jaranilla at Iñigo Pascual. Nobyembre 27-Disyembre 10 ito ipinalabas sa CineXpress via SKY Movies Pay-Per-View, sa halagang PHP150 rin.
Ang Pinoy BL movie na kapana-panabik ay Hello Stranger The Movie nina Tony Labrusca at JC Alcantara.
Sa Disyembre 30, Huwebes, ay streaming na sa Netflix ang Gameboys: Level Up nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.
Disyembre 30 ang umpisa ng streaming sa KTX ng 9 episodes ng Unlocked anthology, na naunang napanood sa Gagaoolala. Mapangahas sa Unlocked sina Markki Stroem, Mike Liwag, Mike Liwag, Gold Azeron, at Adrian Alandy.
Ang Unlocked anthology ay nilikha ni Direk Adolf Alix Jr.
Sa Enero 7, 2021 naman nakatakdang mag-streaming sa Netflix ang Gaya Sa Pelikula nina Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan.
Aabangan din natin syempre ang Season 2 ng Gameboys at Ben x Jim, na parehong naumpisahan na ang shooting.
Sa sampung official entries ng MMFF 2020, dapat panoorin ng mga bading ang Fan Girl kung saan may frontal nudity si Paolo Avelino.
Kabog ang pa-Bolivia ni Enzo Pineda sa Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) 4 entry na He Who Is Without Sin!
Dapat ding suportahan ng mga bading ang MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari, kung saan bonggacious ang “friendship” nina Migs Almendras (batang Michael de Mesa) at Albie Casino (batang Phillip Salvador).
Ang Isa Pang Bahaghari ay idinirek ni Joel Lamangan, na siya ring direktor ng mga pelikulang Lockdown at Anak ng Macho Dancer kung saan sandamukal na young actors ang may pa-jumbo, at lubos ang pagsasariling-sikap.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
