JERRY OLEA
Mga radio drama ang Gulong ng Palad, Flordeluna, at Anna Liza, na namayagpag din bilang mga TV drama series.
Weekly ang Gulong ng Palad (1977-1985, BBC at RPN), kung saan bida sina Marianne de la Riva at Ronald Corveau. Markado ang papel dito ni Romnick Sarmenta bilang Peping.

Naging magkaribal sina Janice de Belen at Julie Vega dahil nightly (Lunes hanggang Biyernes) ang kani-kanyang TV series of which sila ang title role.
Bida si Janice sa Book 1 ng Flordeluna (1978-1983, 1987-1988, RPN 9), samantalang bida si Julie sa Anna Liza (Pebrero 1980-Mayo 1985 sa GMA-7).

Janice de Belen (left) as Flordeluna and Julie Vega (right) as Anna Liza
Bagamat pinagsasabong ang dalawang batang aktres dahil sa kani-kanyang TV drama, sa mga showbiz balita ay pinalutang na magkaibigan sila sa totoong buhay.

Naunang sumikat si Julie dahil sa pelikulang Mga Mata ni Angelita (1978), na halaw sa sikat na radio program noon.
Nagwagi siyang best child actress sa FAMAS for this film, nagkaroon ito ng sequel na Angelita, Ako Ang Iyong Ina (1979) kung saan bida rin si Susan Roces.
In-offer kay Julie ang TV drama na Flor de Luna, ngunit tinanggihan ito ng kanyang kampo. Bukod kasi sa pag-aaral ay gumagawa rin si Julie ng movies.
Nagwagi muli si Julie na best child actress sa FAMAS sa pagganap niya bilang anak ni Fernando Poe Jr. sa pelikulang Durugin si Totoy Bato (1979).
Nagkasama sina Janice at Julie sa mga pelikulang Mga Basang Sisiw (1981), Flor de Liza (1981), To Mama With Love (1983), Dear Mama (1984), Where Love Has Gone (1984), at Daddy’s Little Darlings (1984).
Sa Lovingly Yours, Helen: The Movie (1984) na may apat na kuwento, nasa “Akin ang Walang Diyos” si Julie samantalang nasa “Candy” si Janice.
Naputol ang istorya ng TV drama na Anna Liza nang pumanaw si Julie noong Mayo 6, 1985 sa edad na 16.
Ni-remake ng ABS-CBN ang Gulong ng Palad, Flordeluna, at Anna Liza.
Bida sina Kristine Hermosa at TJ Trinidad sa revival ng Gulong ng Palad (Enero-Mayo 2006).
Bida si Eliza Pineda sa Maria Flordeluna (Pebrero-Hunyo 2007).
Bida si Andrea Brillantes sa Annaliza (Mayo 2013-Marso 2014).
Bahagi ng local showbiz history si Julie, kaya nakakatuwa ang balitang ire-revive next year ang hit song niya noong "Somewhere in My Past."
Kinumpirma ito ng composer at music producer na si Mon del Rosario. Sino kaya ang mapipili para mag-revive ng awit ni Julie?
NOEL FERRER
May nag-revive na before ng "Somewhere In My Past"—si Divo Bayer at ang mismong composer ng kanta na si Mon del Rosario. Kaya I’m sure interesting kung sino ang mapipiling mag-revive nito sa 2021.
Bakit kaya hindi si Julie Anne San Jose doing a Julie Vega? Julie to Julie.
Ano kaya ang masasabi nina Julie Yap Daza at Julie Ann Fortich?
GORGY RULA
Naikuwento sa akin ng kasama ko sa radio na si Morly Alinio, napadaan daw siya minsan sa puntod ni Julie Vega sa Marikina.
Halatang wala na raw nag-aasikaso. Hindi na raw nalilinis.
Maaaring wala na sa Pilipinas ang pamilya ni Julie.
Ilang veteran reporters ang nagkuwentong mabait daw sa press ang ama ng namayapang child star.
Naikuwento rin sa akin ni Manay Lolit Solis na sa pagkaalala niya, isa si Julie Vega sa unang ibinurol sa Mt. Carmel Parish sa New Manila, Quezon City. Sobrang dinagsa raw yun ng napakaraming tao.
Nag-hit ang mga kanta noon ni Julie Vega, kaya tingnan natin kung tatanggapin ito sa ngayong henerasyon.
Kaya sina-suggest nga namin kay Jojo Mendrez na subukan ang kantang ito, bilang siya naman ang Revival King. Ibang areglo at ibang atake naman ang pagkanta niya, at malamang na bobonggahan niya ang promo nito.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
