JERRY OLEA
Naglaho man sa free TV ang ABS-CBN, tuluy-tuloy ang mga palabas ng mga Kapamilya sa iba’t ibang online platform.
Kahit milyun-milyong piso ang nawawala sa kanila araw-araw, patuloy ang pagtulong nila sa mga pamilyang Pilipino.
Hayan at magsasanib-pwersa ang Kapamilya love teams na KathNiel, LizQuen, at MayWard sa fundraising pre-show ng 2020 ABS-CBN Christmas Special ng KTX na “KTnX Ang Babait Ninyo” sa Disyembre 20, Linggo.
Lahat ng ticket sales sa palabas ay mapupunta sa proyekto ng ABS-CBN Foundation para sa mga nabiktima ng mga dumaang bagyo sa bansa, ang "Tulong Tulong sa Pag-ahon."
Alas dose ng tanghali (12:00 NN) bubuksan ng P-Pop groups na MNL48, Baby Blue, BINI, PHP, at SHA Boys ang programa.
Magtatanghal kapagkuwan sina KZ Tandingan, Darren Espanto, Jed Madela, Moira dela Torre, Jeremy G, Mitoy Yonting, Elha Nympha, Jason Dy, Klarisse de Guzman, Kyle Echarri, at Janine Berdin.
Mas sasaya ang countdown ng pre-show sa Christmas special pagpatak ng 6:00 P.M. sa performances nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Maymay Entrata, Edward Barber, Alexa Ilacad, Belle Mariano, Charlie Dizon, Erik Santos, Jolina Magdangal, Maris Racal, Vivoree Esclito, Vina Morales, at iba pa.

Maaari nang bumili ng tickets para sa "KTnX Ang Babait Ninyo" at sa The ABS-CBN Christmas Special sa halagang P199. Kung pagiging virtual audience member ang hanap, P299 ang ticket.
Maaaring mapanood din ang pre-show ng KTX at ang Christmas Special ngayong taon.
Samantala, maaaring pumili ang KTXers ng isang virtual meet-and-greet ng anumang P-Pop group (MNL48, BINI, SHA Boys, o PHP) sa halagang P499, bukod sa panonood ng pre-show at ABS-CBN Christmas Special.
NOEL FERRER
Tuluy-tuloy sana talaga ang ganitong efforts.
At sa panahong walang franchise ang ABS-CBN, inaasahang mag-step up ang GMA-7 at TV5.
Magandang malaman sa ating mga PEPsters, napupunan ba ng mga Kapuso at Kapatid ang puwang na naiwan ng Kapamilya, o naging kampante rin ang mga ito?
Pasasaan din, katulad ng sabi ni Congressman Lito Atienza ay babalik ulit sa ere ang ABS-CBN.
Doon titingnan kung nakabuti ba talaga sa sambayanan ang kanilang pagkawala, lalo na sa panahon ng matinding pandemya at kalamidad. I doubt!
GORGY RULA
"Liwanag at Ligaya" ang hatid ng ABS-CBN sa mga Kapamilya ngayong Kapaskuhan.
Dahil bahagi ng Paskong Pinoy ang taunang Metro Manila Film Festival (MMFF), libreng mapapanood sa iWant TFC app and website ang labinlimang (15) MMFF hits.
Kabilang sa mga ito ang Sisterakas (Vice Ganda, Kris Aquino & Ai-Ai delas Alas), Ang Tanging Ina N’yong Lahat (Ai-Ai delas Alas), Ang Tanging Ina Mo: Last Na ‘To (Ai-Ai delas Alas), Tanging Yaman (Gloria Romero), Mano Po (Maricel Soriano, Kris Aquino & Ara Mina)...
Pagpag: Siyam Na Buhay (KathNiel), Bahay ni Lola (Gloria Romero, Aiza Seguerra & Manilyn Reynes), Dalaw (Kris Aquino & Diether Ocampo), Segunda Mano (Kris Aquino, Dingdong Dantes & Angelica Panganiban), The Haunted Mansion (Marlo Mortel, Janella Salvador & Jerome Ponce)...
Kasal, Kasali, Kasalo (Judy Ann Santos & Ryan Agoncillo), Father Jejemon (Dolphy), Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga (E. R. Ejercito), Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (Judy Ann Santos, Dennis Trillo, Jay Manalo & Raymart Santiago), at I Love You, Goodbye (Angelica Panganiban, Gabby Concepcion, Kim Chiu & Derek Ramsay).
Siyanga pala, magpe-premiere ang restored version ng pelikulang Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995) sa Disyembre 17, Huwebes ng 7:30 P.M., sa KTX. P150 ang tiket.
Ang manonood ng premiere ay may pagkakataon ring makita ang mini-reunion ng cast na sina Snooky Serna, Tirso Cruz III, Eric Quizon, at Maricel Soriano, kasama ang direktor nito na si Carlos Siguion-Reyna at ang isa sa sumulat nito na si Bibeth Orteza.
Pagkatapos ng premiere, mapapanood na ito on-demand simula Disyembre 18, Biyernes ng 10:00 a.m., hanggang Disyembre 20, Linggo, at sa iWantTFC at TFC IPTV simula 10:00 am sa Disyembre 19, Sabado.
Mapapanood ito sa loob ng 48 oras matapos bilhin ang ticket.
JERRY OLEA
Mapapanood ang Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special sa Disyembre 20, Linggo ng 7:30 P.M. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z channel 11, TFC, iWantTFC, at KTX, at may backstage access din sa Kumu.
Hindi lang sa KTX ang pre-show mula alas dose ng tanghali hanggang 7:00 p.m., kundi pati sa Kumu at iWant TFC.
Nasa Kumu ang pre-show na "Kumukutitap ang Pasko" tampok ang It’s Showtime, FYE Channel, ABS-CBN News, at Jeepney TV mula 12:00 nn hanggang 5:00 p.m.
Kasunod nito ang Pinoy Big Brother at Star Hunt.
May pasilip din ang Kumu sa mga ganap sa backstage ng Christmas Special simula 7:00 p.m. hanggang 10:00 p.m.
Para sa iWant TFC subscribers, nariyan ang iWant ASAP simula 11:45 a.m., kasunod ang mga handog ng ABS-CBN Films (2:00 pm), Bagong Umaga (3:00 pm), The Gold Squad (4:15 pm), at Dreamscape Entertainment (5:30 pm) sa kanilang All I Want for Christmas (Ikaw Ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special Pre-Show).
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
