GORGY RULA
Matalas ang pahayag ni John Rendez nang hiningan namin ito ng opinyon sa muling pagkaka-nominate kay Nora Aunor bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.
“Kung ako sa kanya, ibigay sa akin, hindi ko na tatanggapin. Tatanggihan ko na lang.
"Hindi ko na kailangan iyan. Kilala ko na ang sarili ko," sabi ni John nang nakapanayam namin siya sa programa namin sa DZRH noong Biyernes, December 4.
Naiintindihan namin ang saloobin ni John dahil isa siya sa nadismaya na laging nauudlot ang pagbigay ng naturang parangal sa original Superstar.
“Diyos na po ang bahala dun,” sabi na lang ni John.
Nagpo-promote si John ng bagong single niyang "Think About It," na isinulat niya at ini-release ng Star Records. Nasa Spotify, iTunes at ilang digital platforms ang naturang kanta.
Si Nora ang tumatayong manager ni John sa kanyang singing career.
Nagpapasalamat daw siya sa walang sawang pagsuporta ng Superstar sa kanyang singing career.
“She’s the boss,” pakli ng rap artist at singer.
“Kumbaga, if the boss is happy, everybody’s happy. Gusto ko lang siya maging masaya sa nakikita sa career ko.
“Ako rin, gusto ko rin na maging maganda ang career ko. Para ipakita sa mga tao na yung mga sinasabi nila na…
"Ang mga tao kasi, matagal na sana akong sumuko kung nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila, e.
“I don’t care about they think. I don’t care about what they say. Kasi hindi naman sila ang bumubuhay sa akin, wala naman silang support sa akin.
“So, dito ako sa kung sinong gusto kong kakaharapin ko through thick and thin, walang iwanan,” makahulugan niyang pahayag.
NOEL FERRER
Hindi na dapat ito dumaan sa deliberations.
Kailangang i-uphold na talaga ng Pangulo si Ate Guy bilang Pambansang Alagad Ng Sining dahil pumasa na siya sa tatlong baitang ng pagsusuri na hindi lang in-uphold nina Presidente Noynoy Aquino at Presidente Rodrigo Duterte.
Sana, may madagdag pang ibang awardees mula sa ating hanay sa Pelikula at Broadcast Arts.
Pero sana, ibigay na ang nararapat sa ating Superstar Nora Aunor.
Ibigay man o hindi yun kay Ate Guy, itinuturing na siya bilang People’s National Artist.
JERRY OLEA
Matunog ngayon si Ate Guy dahil may dalawa siyang proyekto.
Sa TV, magsisimula na sa Disyembre 7, Lunes ng hapon, sa GMA ang rerun ng teledramang Bilangin Ang Bituin Sa Langit kung saan isa siya sa mga bida.
Sa pelikula, magkatambal sila ni Phillip Salvador sa MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari.
Speaking of National Artists, ang inaasam kong gawaran ng ganitong pagkilala ay sina Ricky Lee, Eddie Garcia, at Direktor Maryo J. de los Reyes.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
