JERRY OLEA
Nagka-COVID-19 scare na naman si Kris Aquino.
Isa kasi sa mga drivers niya ay positive ang naging resulta ng PCR o Polymerase Chain Reaction test nito.
"November 3 we all had PCR testing because i was supposed to do a TVC shoot Nov 5... Testing was done in the morning,” salaysay ni Kris sa Facebook nitong Nobyembre 7, Sabado ng umaga.
"8 PM when my sons, my whole team, and i (we’re quarantining together until the 12th when this batch of commitments will finish) got an urgent message: 1 of our drivers tested positive for Covid-19.
"He doesn’t stay where we are all living now and he doesn’t drive for me, but he does take care of picking up & bringing home bimb’s homeschooling teacher, he regularly picks up members of my team from their homes, and normally when i need to bring many things & we’re a complete group, he drives our 2nd vehicle."
Nagkaroon na ng ganitong pangamba ang pamilya ni Kris noong kalagitnaan ng August hanggang early September, pero sa pagkakataong ito ay mas marami ang sangkot.
Pagpapatuloy ni Kris, "The client was informed immediately, i didn’t do my pre-shoot recording on the 4th, on the 5th we all did the antigen test, and we were still all negative."
Pero imbes makampante ay lalong nag-alala ang 49-year-old star dahil nagkasakit ito.
"That evening my dry cough started, accompanied by a sore throat and headache. i slept early and told myself, everyone would be in full PPE & N95 masks- kakayanin namin...
"I woke up still coughing, with sinus congestion, a persistent headache and fatigue.
"We did my hair & makeup & proceeded to the studio.
"It was there that i started to lose my voice because of the nonstop coughing & my BP had gone up to 150/100.
"Na-prove sa kin kung gaano ka compassionate yung brand that i represent. Since i also produce, alam ko kung anong expense ang involved dahil hindi tinuloy yung shoot. Kaya nga pinipilit kong wag ma packup...Pero nagdesisyon silang i-prioritize ang health ko at LAHAT ng mga katrabaho ko."
Nobyembre 6, Biyernes, ng 3:00 p.m., nag-PCR ang lahat sa team ni Kris.
"Hindi ako makatulog waiting for the results... Thank You God—for now okay kami. November 10, one more test para totally CLEARED na ang Team Kris,” dagdag ni Kris.
“I continue to pray na simpleng sinusitis, ubo, at laryngitis lamang ang meron ako... to be safe, naka-isolate pa rin ako from my sons. I’m keeping myself well hydrated, naka bed rest, at ang challenge for me- total vocal rest.
“God bless all of us w/ the FAITH & fortitude to survive this pandemic.”
GORGY RULA
Nakausap ko sa telepono si Manay Lolit Solis nitong Saturday afternoon at ibinalita sa aking hindi na raw itutuloy ng kilalang grocery store ang talk show na dapat ay pagsasamahan nila ni Kris, pati sina Tita Cristy Fermin at Mr. Fu.
Umingay ito nang tumanggi si Tita Cristy sa project na ito dahil sa isyu kay Mr. Fu.
Sumunod na rin si Nay Lolit dahil kailangang magkakasama sila, at walang maiiwan sa grupo ng kanilang online show.
Itong talk show na ito ay bahagi sana ng birthday celebration ng may-ari nitong grocery store.
Pero naging nega na agad at ang dami nang problemang naglabasan, kaya nagkaroon na ng desisyong hindi na ito ituloy.
Ang buong akala namin ay tuloy pa rin ito kahit si Kris na lang, dahil unang inalok ito sa kanya, at nag-suggest lang siya na mas maganda kung isasama na rin sina Nay Lolit at Tita Cristy, na pareho niyang naka-tandem sa mga dati niyang talk shows.
Sayang din dahil may mga ilan pa akong mga kaibigang writers sana sa programang iyon. Ang buong akala raw nila ay sasaya na ang Pasko nila, naunsiyami pa.
NOEL FERRER
Kung may mga snag o bigat na ganyan sa simula pa lang, naalala ko ang sinabi mo, Tito Gorgy.
Tatlong malalakas na personalidad ang involved, parang magsasalpukan talaga ang mga ito dahil sa lakas ng personalidad nila.
Mukhang tama na rin siguro ang desisyong hindi na muna ituloy ito dahil napangunahan na ng di pagkakaunawaan.
Magaganap din ang dapat maganap kasama ang mga akmang tao sa tamang panahon.
Happy Birthday na lang po, Ms. Susan Co! Kagagaling ko lang sa supermarket habang ginagawa ko itong opinyon ko!
