PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera, ineengganyong mag-voice lesson ang anak na si Zia

Marian Rivera, sinabing mahilig sa pagkanta si Zia.
by PEP Troika
Published Nov 4, 2020
Marian Rivera tells four-year-old daughter Zia: "Anak, kung gusto mo talagang maging singer, kailangan mo na may nagtuturo sa ‘yo. Kasi, anak, wala kang aasahan malamang. Dyusko! Di kita matuturuan, boses palaka ang nanay mo. Si Daddy mo, pwede, pero busy."
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from Zoom

GORGY RULA

Si Marian Rivera ang nakatoka sa pagbabantay sa kanyang anak na si Zia habang nasa online class ito.

Siya raw ang teacher at talagang nakatutok kay Zia kapag nag-aaral ito online, at nae-enjoy naman niya.

Pero ang isa sa ikinatutuwa ni Marian, na ikinuwento sa virtual mediacon ng third anniversary ng Tadhana, ngayong araw November 4, ay ang pagkahilig ni Zia sa pagkanta.

Nag-post pa nga si Dingdong Dantes ng jamming session nila ng panganay na anak, kung saan si Zia ang naggigitara (sa tulong siyempre ni Dong) at sinasabayan nito ng kanta sa awiting "Stand By Me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gustung-gusto rin daw kantahin ni Zia ang "A Star Is Born" ni Lady Gaga.

Ayon kay Marian, nakitaan talaga nila ni Dingdong ng sobrang pagkahilig sa pagkanta ang panganay nila.

Ilang beses nang sinabi ni Marian sa nakaraang interviews niya na hindi nila pipigilan si Zia kung gusto nitong mag-showbiz. Pero dapat ay makatapos muna ito ng pag-aaral.

Since pagkanta ang nakahiligan ni Zia, sinasabihan daw ni Marian ang anak na mag-voice lesson na ito.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Anak, kung gusto mo talagang maging singer, kailangan mo na may nagtuturo sa ‘yo. Kasi, anak, wala kang aasahan malamang.

"'Dyusko! Di kita matuturuan, boses palaka ang nanay mo. Si Daddy mo, pwede, pero busy.'

“So, pag meron talagang pagkakataon, dapat mag-voice lesson siya.

"Kasi, sobrang hilig niya kumanta. Gustung-gusto talaga niya," saad ni Marian.

Kaya naman ninanamnam ng GMA Primetime Queen ang mga ginagawa niya sa bahay dahil nababantayan niya si Zia, 4, at naaalagaan din niya si Ziggy, 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang trabaho lang niya, bukod sa endorsement shoots minsan, ay ang taping ng kanyang spiels para sa Tadhana na idinidirek ni Dingdong.

Ipinagdiriwang na ng Tadhana ang kanilang third anniversary, at ang ilan sa bagong mapapanood ay medyo light ang format at tumatalakay sa pag-ibig at pag-asa.

Saad ni Marian, “Nakakatuwa lang, kasi pag may Tadhana, may trabaho ang mga tao. Sa likod ng Tadhana, may nagaganap.

“Mahal ko ang Tadhana family ko. Sabi ko nga, kahit sa bahay, nakakapag-taping kami at nakakapagtrabaho rin yung mga tao namin sa Tadhana.

“Happy ako dun, basta ligtas sila.”

Napapanood ang Tadhana tuwing Sabado ng 3:15 p.m., bago mag-Wish Ko Lang! sa GMA-7.

NOEL FERRER

Since marami sa ipini-feature ng Tadhana ay tungkol sa mga kinasapitan ng OFWs, maganda sigurong mai-feature ni Marian Rivera at ang staff niya ang kaso ng pobreng kasambahay na Pilipina ni Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

I’m sure, marami pang magagandang episodes na maipapalabas ang Tadhana from their 3rd anniversary onwards. All the best!

JERRY OLEA

Simula noong Oktubre 3 ay fresh na ang episodes ng Tadhana.

Iba-iba ang nakakatapat nitong programa sa TV5. Kaya naman ratsada ang ratings ng Tadhana sa pagdiriwang nito ng ikatlong anibersaryo.

Magpa-five years old pa lang si Zia sa Nobyembre 23. Ine-enjoy niya ang pagkanta sa ngayon.

Sa kanyang paglaki, marami pang skills and talents na pwedeng pagtuunan niya ng pansin.

Kung itinadhana na maging singer si Zia, matatanto natin pagdating ng panahon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera tells four-year-old daughter Zia: "Anak, kung gusto mo talagang maging singer, kailangan mo na may nagtuturo sa ‘yo. Kasi, anak, wala kang aasahan malamang. Dyusko! Di kita matuturuan, boses palaka ang nanay mo. Si Daddy mo, pwede, pero busy."
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results