JERRY OLEA
“Eleven Up Ang Samahan” ang tema ng selebrasyon ng ika-11 anibersaryo ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime ngayong linggo, Oktubre 26-31, Lunes hanggang Sabado.
Patuloy ang pagbibigay nila ng aliw at cash prizes sa mapapalad na online viewers sa segments na “Mas Testing,” “Name It To Win It,” at “Hide and Sing.”
Sasalang si Vice Ganda sa “Mas Testing” segment bukas, Oktubre 30, Biyernes.
Magaganap sa Oktubre 31, Sabado, ang taunang "Magpasikat" competition tampok ang sari-saring pasabog ng apat na teams.
Magsasanib-pwersa si Vice Ganda at ang first timer na si Kim Chiu.
Magkakampi sina Karylle, Jhong Hilario, at Ion Perez.
Magkakagrupo sina Vhong Navarro, Amy Perez, at Jackie Gonzaga.
Join forces sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Ryan Bang.
Bagamat limitado ang budget at ang mga pasabog nila dahil sa quarantine, tiniyak ng It’s Showtime family na maaaliw ang madlang people sa ihahain nilang performances.
Sa "Magpasikat" competition noong nakaraang taon ay nagwagi ng P1M ang Team Vice sa “hairstory.” Doon din opisyal na inamin ni Vice ang pag-iibigan nila ni Ion.
Subaybayan ang It’s Showtime sa A2Z channel 11 analog TV, na available sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Mapapanood din ito sa cable at satellite TV providers sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).
Pati na sa Kapamilya Online Live sa YouTube Channel, Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, o iWant TFC app.
Mapapanood din ito ng viewers sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
NOEL FERRER
I’m sure, paghahandaan iyan ng Eat Bulaga! ng GMA-7 at ng Lunch Out Loud ng TV5 para espesyal din!
Actually, tinawagan ako ng Eat Bulaga! kung pwedeng maglaro si Atom Araullo sa "Bawal Judgmental" sa Sabado. Pero may coverage siya para sa kanyang iWitness kaya next time na lang.
I’m sure, mas pag-iigihan ng LOL ang kanilang guest lineup at game portion.
Since nandoon si KC Montero, baka makuha nila ang mga Miss Universe Philippines 2020 winners para maglaro, pati na si Miss Bohol, para ipakitang all’s well between them.
Teka, totoo ba ang narinig natin na PTV4 is gearing up for a new lunchtime variety show?
Ow, sabi nga ni Kitkat ng Happy Time, “The MORE, the MANYer!”
GORGY RULA
May pinaghahandaan ding pasabog ang Eat Bulaga! para sa kanilang "Bawal Judgmental" segment.
Maganda ang line-up ng choices sa Sabado, October 31, at isang dating beauty queen na naging bahagi sa katatapos lang na Miss Universe Philippines ang maglalaro.
Sa Lunch Out Loud naman sa TV5 ay lalabas na si Alex Gonzaga bilang Annabelle doll sa kanilang Halloween party.
Matinding asaran daw ang mangyayari, lalo na kay Alex na magsisimula pa lang sa LOL.
Rest day iyon ng Happy Time ng Net25 dahil Lunes hanggang Biyernes lang ang noontime show nina Anjo Yllana, Janno Gibbs, at Kitkat.
Totoo, mga Ka-Troiks! May pinaghahandaan ding isang noontime show ang PTV4, na ginawa nang Good Laughter Noon ang title.
Pawang katatawanan naman dito dahil ang ilan sa mga narinig kong kasali rito ay ang stand-up comedians na sina Ate Gay, Boobsie, Iyah Mina, at EJ Salamante.
Abangan din natin iyan. Mas masaya kapag marami na tayong pinagpipiliang masasayang daily noontime shows.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
