PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla, feeling game show host sa pamimigay ng gadgets online

Senator Bong Revilla: "Nakakapagod din pala ang mag-host ng game show."
by PEP Troika
Published Sep 23, 2020
Umabot na sa 1,600 gadgets ang ipinamimigay ni Senator Bong Revilla sa kanyang pa-game show sa Facebook at YouTube.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Ngayong araw, September 23, na kaya matatapos ang pa-game show ni Senator Bong Revilla Jr. sa kanyang Facebook page at YouTube channel, ang "KAP’s Amazing 1500 Gadget Giveaway"?

Dito ay nagpapa-raffle sila ng tablets, at may pa-games din kung saan ang premyo ay tablets at cell phones.

Nagsimula ito noong September 20, Linggo, bilang bahagi ng kanyang birthday celebration. Sa September 25 ang ika-54 kaarawan ng actor-politician.

Kuwento ni Senator Bong, nagsimula lang siya sa 300 gadgets na gusto niyang ipamigay sa mga estudyanteng magsisimula na sa blended learning sa October 5.

Pero napakarami ang sumali, hindi lang sa iba’t ibang bahagi ng bansa kundi pati mga OFWs sa ibang bansa.

Habang ipino-promote ito ni Senator Bong sa kanyang Facebook at YouTube, ang dami raw mga kaibiga niya na gusto ring tumulong kaya nag-pledge din ang mga ito ng mas maraming tablets na ipamimigay.

Kaya naging isang libo, hanggang sa 1,600 na ang tablets na ipamimigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa nagbigay ng tulong ay sina dating Pangulong Joseph Estrada at Mother Lily Monteverde.

Mamayang gabi ay labinlimang laptops pa ang ipamimigay, kung saan may mga teachers din silang bibigyan.

Sabi ni Senator Bong, baka hindi nila kayang ipamigay lahat mamayang gabi dahil marami pa silang ibang ipamimigay. Kaya baka magkaroon pa raw ng extension sa Linggo, September 27.

Marami ang nagsasabi sa kanyang gawin na itong weekly hanggang Pasko, pero pinag-iisipan pa ni Senator Bong kung kakayanin.

“Nakakapagod din pala ang mag-host ng game show. Yung wala kang tigil sa pagsasalita, 'tapos buong oras na ikaw lang, walang pahinga,” pakli niya.

Pero malay natin, baka magpa-game show na rin siya online para marami pa silang mabibigyan ng tulong.

Ang gusto lang daw niya ay marami pang mga kabataang mabigyan ng tablet para magamit sa kanilang pag-aaral. Kaya tama lang na ito na ang birthday celebration niya para mas marami ang matulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang kaarawan ay pamilya lang daw ang kasama ni Senator Bong. At gusto niya, nasa sementeryo lang sila sa puntod ng kanyang mommy at daddy.

JERRY OLEA

Ang saya-saya ng pa-game show ni Senator Bong, at hangga’t maaari ay ipinapa-deliver agad ang mga papremyo.

Naka-post sa Facebook page ni Senator Bong ang mga nagwagi ng mobile phones sa Luzon, Visayas, Mindanao, at NCR mula Linggo hanggang Martes (Setyembre 20-22).

Pampa-good vibes ito ni Senator Bong sa kanyang ika-54 kaarawan.

Sa panahon ng pandemya, kung saan online ang pag-aaral ng maraming estudyante, ikinatutuwa natin ang makabuluhang pasiklab ni Senator Bong.

Bale thanksgiving na rin ito ni Senator Bong pagka’t nalagpasan niya ang pagsubok ng COVID-19.

NOEL FERRER

Ibang klase ito, online na rin ang pamimigay ng ayuda!

Kahit na anong tulong para sa mga hikahos na kababayan natin ay malaking tulong talaga.

Sana lang, makaabot pa ang ayudang ito kahit na sa mga taong walang internet access at pang-load ng data sa kanilang gadgets!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umabot na sa 1,600 gadgets ang ipinamimigay ni Senator Bong Revilla sa kanyang pa-game show sa Facebook at YouTube.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results