PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer na may attitude, ni-reveal ang indecent proposal ng male government official

Na-inspire kay Sarah Balabagan si Singer?
by PEP Troika
Published Aug 29, 2020
Bigla na lang ni-reveal ni Singer na may attitude sa kanyang social media ang isang gabing ibinenta siya ng kanyang manager sa isang male government official.

NOEL FERRER

Nakakaloka ang revelations recently ng isang singer sa social media.

Ang kanyang hanash, “My manager tried to sell me to a certain government official who had keys to my room when I performed for them.”

Meron pa siyang paandar na, “I love music but I’d never sell my soul.

“I was gonna beat the f*ck out of him that’s why he stopped and offered me money.

“It was late at night. I used to fight a lot in high school due to racism growing up.”

Nagulat ako kung bakit naungkat ito ngayon lalo pa’t matagal nang inactive ang thirtysomething singer na ito sa showbiz.

Hindi siya hinahanap dahil usap-usapan na meron siyang attitude. At laging parang may sariling mundo.

JERRY OLEA

Na-inspire ba ang singer sa pag-amin ni Sarah Balabagan?

Dalawampu’t tatlong (23) taong nanahimik si Sarah bago pinatotohanan ang relasyon kay Arnold Clavio, na itinuro niyang ama ng panganay na anak na si Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aabutin din kaya ng 23 taon bago umamin si Arnold sa usaping ito?

Ang pagtatangka ng male government official na matikman ang singer, kailan pa ba nangyari?

Tatlong taon na ba ang lumipas? Walong taon? Sampung taon?

Sa kuwento mismo ng singer, hindi siya natikman ng fiftysomething government official. Hindi siya pinuwersa. Hindi siya niluray.

Ano ang nais ipahiwatig ng singer sa pagbubunyag niyang ito ngayong panahon ng pandemya?

Pinanghahawakan ba ng singer na, “The truth shall set you free”?

GORGY RULA

Di ba, matagal nang isyu iyan?

Nanahimik na ang career ni Singer, gusto ba niyang buhayin uli?

Kunsabagay, marami talaga ang naglalaway sa singer na oozing with sex appeal.

Pero tumanggi naman pala siya. Kaya tapos ang isyu!

Baka nakalimutan na iyan ni Male Government Official. Hindi iyon big deal sa kanya. Marami siyang na-booking na pumatol.

Meron siyang mga inayawan kahit nakapag-down payment na siya. At may mangilan-ngilan ding tumanggi sa kanyang indecent proposal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bigla na lang ni-reveal ni Singer na may attitude sa kanyang social media ang isang gabing ibinenta siya ng kanyang manager sa isang male government official.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results