PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Huwag nang intrigahin ang hindi pagkaka-nominate ni Judy Ann Santos sa Urian

Iba ang paggalang sa Prime Superstar na si Juday.
by PEP Troika
Published Aug 29, 2020
Kuha mula sa laptop, nakikipag-usap si Judy Ann Santos sa 'Usapang Real Life' host na si Luchi Cruz-Valdes (inset, kanan, itaas).

NOEL FERRER

Hataw sa visibility ang Prime Superstar na si Judy Ann Santos.

Napanood sila ni Ryan Agoncillo sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga ngayong Agosto 29, Sabado sa GMA-7.

Nainterbyu rin si Juday ni Luchi Cruz-Valdes para sa Usapang Real Life ng TV5, at siyempre, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang inspiring show sa Kapamilya Channel na Paano Kita Mapasasalamatan.

Yan ang mark ng isang industry name, may premium kahit saan man siya network tumuntong.

Kaya yung mga patuloy na nang-iintriga na napulitika si Juday sa Urian dahil hindi man lang siya na-nominate bilang Best Actress, kahit nanalo na siya sa ibang bansa, hindi issue yun kay Juday.

Kaysa maghanap ng wala, grateful siya sa kanyang buhay dahil tuluy-tuloy ang biyaya sa kanya at sa kanyang pamilya.

Napansin ba ninyo na sa gitna ng pandemya, sunud-sunod ang endorsements ni Juday?

Ito’y pagpapatunay lamang na siya at ang kanyang pamilya ay established brands na patuloy na iginagalang!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ang lakas nga ng dating ng commercial nila ni Ryan at Luna Agoncillo para sa isang fast food brand.

Kaya deadma na sa awards-awards kahit nagmamaktol pa rin ang fans niya.

Pero nakakatuwa dahil naalagaan ni Juday nang husto ang kanyang career.

Kahit ang best friend niyang si Gladys Reyes ay hataw rin sa social media endorsements.

Katatapos lang mag-pictorial ni Gladys sa isang produkto ng skincare at wellness products.

Sabi ng may-ari ng bagong produktong ito, ang lakas pa rin ng impluwensiya nina Gladys at Juday sa mga misis na maalaga sa kanilang katawan at kalusugan.

Pati sa acting workshop ni Gladys ay marami ang nagpapaturo sa kanya kung saan patapos na siya ng 3rd batch ng mga estudyante, at open na siya ngayon sa 4th batch.

Baka type ni Juday na mag-guest para turuan ang mga estudyante ni Gladys?

JERRY OLEA

Pwede rin na maging guest talent scout si Juday sa Bangon Talentadong Pinoy sakaling hindi puwede si John Arcilla, Joross Gamboa, o Janice de Belen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ryan ang host ng nasabing talent show ng TV5, kaya natitiyak kong OK lang kay Juday na sumuporta sa TV program ng mister.

Of course, hindi sila package deal.

Mas OK na yung magkasama silang nagsusuportahan sa isang TV show, kesa magkatapat at magkalaban ang kani-kanyang programa!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuha mula sa laptop, nakikipag-usap si Judy Ann Santos sa 'Usapang Real Life' host na si Luchi Cruz-Valdes (inset, kanan, itaas).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results