PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Taberna at Gerry Baja, opisyal nang bahagi ng DZRH

Programa nina Anthony at Gerry sa DZRH, Dos Por Dos pa rin ang titulo.
by PEP Troika
Published Aug 20, 2020
Naganap ang contract signing ng former DZMM anchors na sina Anthony Taberna (pangalawa sa kaliwa) at Gerry Baja (pangalawa sa kanan) sa DZRH ngayong Huwebes, August 20. Kasama sa contract signing ang DZRH executives na sina station manager Atty. Rejie Jularbal (dulong kaliwa), Manila Broadcasting Company president Jun Nicdao (gitna), at Deo Macalma (AVP for AM Operations).
PHOTO/S: Anthony Taberna Facebook

GORGY RULA

Opisyal nang bahagi ng pamilya ng DZRH ang magka-tandem sa radyo na sina Anthony "Ka Tunying" Taberna at Gerry Baja.

Pumirma na ang dating DZMM anchors ng kontrata sa tanggapan ng DZRH ngayong Huwebes ng tanghali, August 20.

Masaya silang sinalubong ng mga top executives ng radio station, sa pangunguna ni Jun Nicdao, presidente ng Manila Broadcasting Company, at presidente rin ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP); ang station manager ng DZRH na si Atty. Rejie Jularbal; at AVP for AM Operations na si Deo Macalma.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ni Ka Tunying sa kanyang Facebook account:

“Heto na ang update sa pinag-uusapan natin, mga Ka-Tune in (Yung details, abangan nyo sa FB live bukas).

“Bagong Bahay ng Dos Por Dos. It’s official, nagkapirmahan na! Salamat sa pamilya DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC) sa naglalagablab na pagtanggap. Dos Por Dos sa DzRH, susunod na!!!”

Hindi ko pa nakausap si Ka Tunying, pero nakaka-text ko ang kanyang mabait na maybahay na si Rossel Taberna, na kaibigan din ng PEP Troika.

Dos Por Dos pa rin ang titulo ng programa nina Ka Tunying at Gerry na magsisimula na sa August 31, Lunes, ng alas-singko ng hapon hanggang 6:30 ng gabi.

Tinanong ko si Rossel kung may ideya siya kung ilang taon ang kontratang pinirmahan ng kanyang asawa at ni Gerry.

Pabirong sagot daw sa kanya ni Ka Tunying, “Hanggang may DZRH, hehehe!”

NOEL FERRER

Katulad ng sabi ko sa ‘yo kanina, Tito Gorgy, nalulungkot pa rin ako para sa ating mga kaibigan sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagla-last taping na raw kasi sila ngayon dahil hanggang Agosto 31 na lang sila sa nasabing istasyon.

Hindi ko pa rin lubos-maisip na nangyayari ito sa gitna ng pandemya.

Mabuti na lang at madaling nakahanap ng bagong tahanan sina Anthony at Gerry sa DZRH.

Kaabang-abang ang kanilang magiging programa, at tiyak na lalakas pang lalo ang istasyon ngayong kasama na ang dalawang batikang broadcasters na ito.

May susunod pa bang Kapamilya na pipirma sa DZRH? Abangan natin!

JERRY OLEA

Si Ted Failon na kaya ang susunod na pipirma sa DZRH? O si Korina Sanchez, o si Karen Davila?

Tuloy ang ikit at ikot ng mundo, may pandemya man o wala.

Matira ang matitibay, marunong makisama, at tunay ang talento!

Abangan natin ang mga susunod na kaganapan, lalo pa’t nagbabadya ang malaking pagbabago na naman sa larangan ng pagbabalita.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naganap ang contract signing ng former DZMM anchors na sina Anthony Taberna (pangalawa sa kaliwa) at Gerry Baja (pangalawa sa kanan) sa DZRH ngayong Huwebes, August 20. Kasama sa contract signing ang DZRH executives na sina station manager Atty. Rejie Jularbal (dulong kaliwa), Manila Broadcasting Company president Jun Nicdao (gitna), at Deo Macalma (AVP for AM Operations).
PHOTO/S: Anthony Taberna Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results