PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brillante Mendoza, di pa nasisingil sa mga sinehan ang kinita ng MMFF 2019 entry na Mindanao

Brillante Mendoza: "Pati ba naman sa paniningil, last priority kami?"
by PEP Troika
Published Aug 16, 2020
Direk Brillante Mendoza: "Sana, naintindihan din ng cinema owners na kapag ipinapalabas ang aming klase ng pelikula, nakikiusap kami sa kanila. Hindi kami priority, last priority kami. Pina-prioritize nila ang mga commercial films, di ba? Ngayon, pati ba naman sa paniningil, last priority kami?"
PHOTO/S: Jerry Olea / File

GORGY RULA

Nagulat ako sa isinumbong sa akin ni Direk Brillante Mendoza.

Hanggang ngayon ay wala pa raw siyang nasisingil sa mga sinehan ng kinita ng Metro Manila Film Festival 2019 entry niyang Mindanao, na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

May magagawa kaya rito ang Executive Committee ng MMFF, Sir Noel?

Sabi ni Direk Brillante, may ilang cinemas na five percent pa lang ang masisingil, meron ding 42 percent sa ibang malls, pero ang iba ay talagang zero remittance.

Ang huling pasabi sa kanya ay sa 2021 pa raw siya makakasingil.

Ayon kay Direk Brillante, P19 million ang kinita ng Mindanao sa MMFF.

Ang akala raw niya, tig-50 percent ang sharing ng theater owners at producer. Pero naging tatlong hati ng 30 percent daw ito, at hindi pa hindi rin nasunod.

Nakita raw niya sa breakdown na may kaltas pang P1.2M na tax. Kaya sa P19M na yun, bale P6M na lang ang mapupunta sa producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa isang maliit na producer na kagaya ni Direk Brillante, malaking bagay na ang P6M para makapagsimula ng isa pa sanang project.

Pero hanggang ngayon ay nganga pa rin daw ang P6M, na walang katiyakan kung kailan mapapasakanya.

Saad ni Direk Brillante, “Naintindihan naman natin na ang apektado ngayon ay mga sinehan, dahil walang manonood na tao. Walang bukas na sinehan. Naintindihan natin yun.

“Pero sana, naintindihan din ng cinema owners na kapag ipinapalabas ang aming klase ng pelikula, nakikiusap kami sa kanila.

"Hindi kami priority, last priority kami. Pina-prioritize nila ang mga commercial films, di ba?

"Ngayon, pati ba naman sa paniningil, last priority kami?

“Siyempre, hindi nila ito magagawa sa mga pelikula sa Viva o sa Star Cinema. Kasi, sila yung malalaking mga studio na nagpapalabas talaga ng commercial films.

“Palagi na lang ang tulad kong maliliit na producers ang naaapektuhan kahit sa singilan.

"Considering na Metro Manila Film Festival ito, ha? Alam naman natin na commercial festival ito. Hindi naman talaga siya ano,” malungkot na pahayag ni Direk Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya, “Ang sa akin lang, parang nakikiusap lang ako sa cinema owners na alam ko naman na siguro ang seven months na hindi nila pag-ano nung ticket sales… pag-report... is more than enough.

“Especially sa aming maliliit na producers, napakalaking ano yun... oras nun na ibinigay namin... ang panahon… ang seven months.

“Nangyari naman itong MMFF before the pandemic. Sa pandemic, wala naman talagang sinehan at walang pelikula.

“So, as far as we’re concerned, naging considerate kami sa cinema owners na ayaw naman namin silang i-pressure.

"Pero after seven months naman, we hope na by the end of the month, kahit papano… hindi naman sinasabi namin na 100 percent, o kahit mga 75 percent, yung every month may nabibigay. Hindi naman yung completely zero,” himutok ng director-producer.

JERRY OLEA

“Happy ba ang weekend?”

Pasakalye iyan ni Direk Brillante sa kanyang Facebook post nitong Agosto 16, Linggo ng tanghali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kapagkuwan ay inilatag ng premyadong direktor ang kanyang hinaing sa mga may-ari ng sinehan kaugnay sa paniningil niya bilang producer ng pelikulang Mindanao.

Paalala ni Direk Brillante, “It has been 7 months since MMFF, and theatre owners had taken their cut months before the pandemic; it is discouraging when they remit payment to participating filmmakers in trickles or for others, zero.

“We wish to remind cinemas not to disregard their duty to film producers — and pay now.

“We are understanding towards our partners, but in all dealings, friendly or business, let there be justice.”

NOEL FERRER

Bilang miyembro ng MMFF ExeComm, isa ako sa tumutulong kay Direk Brillante para maipaabot sa mga ka-partner nating theater owners ang kanyang concern.

Malaki rin ang papel ng kanyang distributor na Solar Films para i-follow up sa mga taga-sinehan ang kanilang remittances.

Sa nakausap ko namang theater chain, nangako silang aasikasuhin nila ito, lalo pa’t ito rin lang ang pinapaikot ng independent producers sa susunod nilang projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ng producers, sana ay hindi na sila pahirapan pa dahil sa kagipitang ito dala ng pandemya.

Hindi sila humihingi ng bago at dagdag na pera, kundi yung nandoon na at dapat naibalik na sa producers na umaasa sa resources na yun ngayon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Brillante Mendoza: "Sana, naintindihan din ng cinema owners na kapag ipinapalabas ang aming klase ng pelikula, nakikiusap kami sa kanila. Hindi kami priority, last priority kami. Pina-prioritize nila ang mga commercial films, di ba? Ngayon, pati ba naman sa paniningil, last priority kami?"
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results