PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magbabayad ka ba ng halagang US$4 para mapanood ang kahubdan ni Gold Azeron?

Dumarami na ang BL series.
by PEP Troika
Published Aug 8, 2020
Sa partikular na eksenang ito sa Episode 5 ("Ivan & Jack") ng Unlocked, may nag-"hello" umano sa bidang aktor na si Gold Azeron.
PHOTO/S: Unlocked / GagaOOLala

JERRY OLEA

Nakaka-shookt ang kapangahasan ni Gold Azeron sa Episode 5 (“Ivan & Jack”) ng Unlocked anthology dahil may nag-hello sa eksena ng video call.


Totoo ba o “fake news” ang “ulo ng mga nagbabagang balita”?

“Manood po kayo ng live session po namin sa August 10, Monday, 8:00 PM sa Facebook page ng GagaOOLala. Doon ko po sasagutin. Hi-hi!” sabi ng 22-anyos na aktor nitong Agosto 8, Sabado ng hapon via Facebook Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisa ang online streaming ng nasabing short film noong Agosto 6, Huwebes sa GagaOOLala streaming service.

Agad kumalat sa internet ang screen shots at video clips ng nakakaeskandalong eksena.

“Sana, kung napanood or nakita po nila yun, sabihin or ireport agad sa amin,” pakiusap ni Gold, na nagwaging best actor sa Cinema One Originals festival last November for the film Metamorphosis.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Huwag nating tularan yung maling gawain—no to piracy. Kasi, mas maganda kung mapanood nila yung film para malaman nila kung ano yung totoong nangyari.

“Yung kumakalat na screen shots and video clips ng episode namin, lahat po yun ay para sa work. Para mas mapaganda ang film at mas maging katotohanan.”

Ang Unlocked films ay kinunan gamit ang iPhone, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

“Hindi po maiiwasan ang pagkalat ng screen shots and video clips given that we premiered the material on the digital platform,” sabi ni Direk Adolf nang maka-chat namin nitong Agosto 8, Sabado ng umaga via FB Messenger.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“We just urge them to see it on GagaOOLaLa, the one and only LGBTQ-focused online streaming service in Southeast Asia.”

GagaOOLala partnered with #ExtendtheLove, a fundraising project to help film workers in the Philippines during the quarantine for Unlocked.

During the 6-week release window for Unlocked, the streamer will donate PHP25 for every new subscriber coming on to the platform.

GORGY RULA

Hindi ko pa napanood ang Unlocked films dahil may bayad pala sa subscription ng GagaOOLala.

Hindi pa ako kumbinsido na magbabayad ng mahigit US$4 para mapanood mo pa.

Tampok sa GagaOOLala ang iba’t ibang LGBTQ films na gawa sa iba’t ibang bansa ng Southeast Asia.

Napanood ko si Gold sa Metamorphosis, at magaling siyang bata na puwedeng lumaban kina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

Mapangahas din siya, kaya bago mo masilayan ang kahudban niya, mag-pay ka muna.

Parami nang parami na talaga itong mga BL series, kaya pumasok na rin sa kamalayan ng ilang hunk actors na open sa ganitong tema ng project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya marami pa tayong aabangan. Huwag sana tayong magsawa agad-agad.

NOEL FERRER

Napanood ko ang Unlocked series.

In fairness, maayos ang acting nina Gold Azeron at Evelyn Vargas-Knaebel sa Episode 5 (“Ivan & Jack”).

Sayang lang at needs improvement yung ibang cameo.

Pero overall, maayos ang paglalahad ng istorya.

Maraming magagandang panoorin sa GagaOOLala—parang Netflix ng LGBTQ films.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa partikular na eksenang ito sa Episode 5 ("Ivan & Jack") ng Unlocked, may nag-"hello" umano sa bidang aktor na si Gold Azeron.
PHOTO/S: Unlocked / GagaOOLala
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results