GORGY RULA
Pursigido si Miss Universe 2018 Catriona Gray na alamin kung saan nagmula ang fake nude photo na ikinalat sa social media.
Ito ang dahilan kaya humingi si Cat ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI).
Narito ang kabuuang pahayag ng Cornerstone, na nagha-handle ng showbiz career ni Catriona, nitong Hulyo 21, Martes ng gabi:
"Earlier today, Ms. Catriona Gray formally sought the assistance of the NBI officials to investigate on the identities of those behind the uploading and seeding of the altered malicious photo, as well as determine the owners of social media accounts created to disparage and malign her name. The NBI has graciously offered to assist in the filing of appropriate cases."
JERRY OLEA
Nawa’y malinawan kung may kinalaman dito ang ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad.
May mga naunang celebrities na dumulog sa NBI kaugnay sa mga ganitong isyu, pero hindi naresolba hanggang ngayon.
Sa usaping ito, may kung anu-ano kasing pahiwatig si Clint na tumutumbok kay Catriona at sa current boyfriend nito na si Sam Milby.
NOEL FERRER
Oo, sana talaga may maaksyunan namang high-profile na reklamo ang NBI para maipakitang may ngipin ang batas sa pag-crack down ng big-time offenders.
Marami nang sex videos in the past ang walang naging resolusyon.
Umaasa tayo na mabigyan ng hustisya at hindi mawalan ng dangal ang ating ipinagmamalaking Miss Universe na si Catriona Gray.
Hindi sana maging INUTIL—na siyang nagiging word-of-the-season ngayon—ang NBI.
Sana!
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
