PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kilalang aktor, nangangambang nahawa ng COVID-19 sa nagpositibong staff ng teleserye

Kilalang aktor, nagpa-swab test na pero ayaw pang magpa-confine.
by PEP Troika
Published Jul 8, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nanghina ang isang kilalang aktor habang nasa shooting.

Pakiwari niya, nahawaan siya ng COVID-19.

Nagpa-swab test ang kilalang aktor sa isang yayamaning medical center, pero ayaw magpa-confine roon.

Ayon sa aming reliable source, nagpositibo sa COVID-19 ang isang staff sa shooting kung saan kasali ang kilalang aktor.

“Nagpa-test na ang lahat ng nasa set, at nagko-contact tracing na sila,” kuwento ng aming source.

As of July 7, Tuesday, 4 P.M., sa datos ng Department of Health (DoH) ay 47,873 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

GORGY RULA

Nakumpirna ng PEP Troika sa isang taga-hospital na nag-positive ang isang staff ng teleserye pagkatapos nitong magpa-swab test.

Ang pinangangambahan ngayon, may nararamdaman nang sintomas ang kilalang aktor.

Hindi pa confined ang kilalang aktor dahil waiting pa sa result ng swab test.

Na-pack up na ang shooting ng teleserye, at gusto ni kilalang aktor na sa bahay na lang magpa-quarantine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Takot din ngayon ang mga artista pati staff ng teleserye. Ang feeling nila, positive na rin sila.

NOEL FERRER

Wala pa namang kumpirmasyon sa kilalang aktor na ito sa sitwasyon niya.

Kung nagpa-swab test man siya, ang responsableng puwede niyang gawin ay mag-quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.

Walang magagawa ang panic. Mas mainam na lang ang mag-ingat.

Hindi ko lang lubos maisip na mangyayari ito sa kilalang aktor dahil alam kong napakapartikular niya sa health protocols, at tutok siya sa paglilinis ng kanyang sarili at kapaligiran.

Imbes na mag-panic, ipagdasal natin siya at ang mga kasamahan niya sa teleserye.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results