GORGY RULA
Kilala si hunk starletik sa bikini world. Sumali at nanalo siya sa ilang bikini contests noong kasibulan niya.
Minahal siya ng ilang mayayamang gays kaya natustusan ang mga pangangailangan niya, pati ang kanyang pag-aaral.
Kapag lumalabas si hunk starletik noong nagsisimula pa lamang siya, astig ang porma niya. May nakasabit pang susi ng kotse sa may bulsa niya para makitang may dala-dala siyang wheels.
Mabait naman si hunk starletik, kaya suportado ng mga baklitang nasa bikini world.
Todo campaign at boto din ang mga beki nang minsang sumali si hunk starletik sa isang star search.
Ngayon ay medyo umookey na ang takbo ng career ni hunk starletik sa TV dahil nabibigyan siya ng magagandang projects.
Medyo naudlot lang dahil sa pandemic at hindi pa nagre-resume ang taping.
Natutuwa ang mga kabadingan dahil lalong gumuwapo at gumaganda ang career ni hunk starletik.
May nagtanong sa aking kung bumu-booking pa si hunk starletik ngayong medyo okay na ang TV career nito.
Ang bilis ng sagot ko: “Hindi, ‘no! Walang ganun, mars!”
Pero kamakailan lang ay namataan si hunk starletik sa isang swimming party sa Taguig City.
Ang dagdag pang kuwento, inuman galore sila na walang takot magkahawaan sa nakakatakot na coronavirus.
Bahagi ng grupong iyon ang isang bortalicious commercial model, na minsang nasangkot sa hulihan ng droga at na-link sa isang dakilang aktor na matagal nang pinagdududahan ang pagkalalaki.
Nasa IG post ni commercial model ang ilang kuha sa party na iyon na tinawag nilang "pool party."
Magkakatabi sila sa litrato at wala ni isa mang naka-facial mask o shield.
Akala ko nga, throwback picture, e! Hindi pala!
Di ba, kahuhuli lang noon kay KC Montero at mahigit 100 katao dahil hindi raw nagpa-practice ng social distancing sa isang resto-bar sa Makati?
May ilang kuhang magkasama sa litrato si bortalicious commercial model at si hunk starletik.
Hindi maiwasang lagyan ito ng malisya dahil alam ng iba kung saan nanggaling si hunk starletik at kung saan nasangkot si bortalicious commercial model.
Walang kamalay-malay ang manager ni hunk starletik sa mga pinaggagawa ng alaga niya lately, kaya noong itinanong ko ito sa kanya, iimbestigahan daw niya.
Ginoogle ni manager kung sino itong si bortalicious commercial model na kasama sa litrato ng alaga niya.
Bigla siyang natakot kaya kakausapin daw niya si hunk starletik.
Kasi, okay na ang takbo ng career ni hunk starletik at baka lalo pang umalagwa kapag bumalik na tayo sa normal.
Kaya sana, mag-ingat siya at baka mabalik siya sa dati niyang image, di ba?
Hindi ko pa nakakalimutan noong sumali si hunk starletik sa isang star search.
Nagtanong ang isang female judge sa isang staff kung "callboy" ba si hunk starletik.
JERRY OLEA
“Birds of a feather...”
Nababaitan ako sa hunk starletik na ito, at batid ko ang pakikipagsuntukan niya noon sa isa ring pogilicious starletik dahil sa isang yayamaning gay sponsor.
Napalapit din ang hunk starletik na ito sa puso ng mabait at generous na dermatologist, na maraming kliyenteng artista.
Nasa iisang bakuran ang hunk starletik at ang dakilang aktor na naugnay dati sa bortalicious commercial model.
“Tell me who your friends are...”
Nawa’y huwag mapariwara ang hunk starletik sa mga binabarkada niya!
NOEL FERRER
Ang batas ay batas, but if some people can get away with it—in the hospital, sa congressional floor, with the dolphins, at ngayon sa swimming pool—paano ito maipapatupad nang patas?
Ang sabi siguro ni bortalicious commercial model, na minsan ding ka-chummy-chummy ng mabuhok at award-winning na dakilang aktor, “Baka naman... beki naman bumigay si hunk starletik!”
Matanong ko lang, ano bang birtud na meron sa bortalicious commercial model na ito?
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
