PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes, pamumunuan ang bagong tatag na samahan ng mga artista

Mga artista sa telebisyon at pelikula, nagkaisa para harapin ang mga hamon sa industriya.
by PEP Troika
Published Jul 2, 2020
Si Dingdong Dantes ang napiling mamuno sa Aktor (League of Filipino Actors), isang komunidad ng mga artista sa telebisyon at pelikula bilang mahalagang bahagi ng lipunan at kinatawan ng industriya.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Opisyal nang pinamumunuan ng Kapuso star na si Dingdong Dantes ang Aktor (League of Filipino Actors), ang samahan ng mga artista sa telebisyon at pelikula.

Kasali na rin sila sa Inter Guild Alliance na gumawa ng extensive guidelines para sa mga members ng ating industriya.

Mapuwersa, madamdamin, at progresibo ang kanilang pahayag dahil hindi ito limitado sa isyung pang-artista lamang kundi panlipunan at pangkabuuan.

Kabilang sa mga isyung nais nilang magkaroon ng boses ay ang anti-terror bill, ang franchise renewal ng ABS-CBN, at ang protocols na inilabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Nakaka-touch dahil sinabi sa statement nilang hindi puwedeng busalan ang mga artista at kailangang represented ang boses nila.

Kabilang sa mga kasapi ng Aktor sina Agot Isidro, Andoy Ranay, Angeli Bayani, Angelica Panganiban, Carlo Gonzalez, Cherry Pie Picache, Dingdong Dantes, DMs Boongaling, Gabbi Garcia, Gabby Eigenmann.

Nariyan din sina Gabby Padilla, Gio Alvarez, Glaiza de Castro, Iza Calzado, Janine Gutierrez, Jasmine Curtis Smith, Joel Lamangan, Joel Saracho, Joel Torre, Joem Bascon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati na sina Jojit Loreno, Ketchup Eusebio, Khalil Ramos, Lauren Young, Marlon Rivera, Meryll Soriano, Michael de Mesa, Mikoy Morales, Richard Gutierrez, at Yan Yuzon.

Sobrang nakakapanindig-balahibo dahil nakaprente na sina Dingdong at Agot sa hanay ng mga artistang mulat at may malasakit sa iba!

Sa lahat ng mga nakakapanlumong balita sa lipunan, magandang nagkakaisa ang hanay natin sa industriya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

GORGY RULA

Nakakalungkot na nagkakagulo na gayong hindi pa tayo nakakaalagwa nang husto sa pagsisimula ng trabaho sa bagong normal.

Hinihintay ko pa ang sagot ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño kaugnay ng mga reklamo ng filmmakers, producers, at ilang artista dahil sa mga memo na inilabas ng FDCP tungkol sa working conditions at safety protocols para maproteksiyunan ang audio-visual workers.

Hndi siya nakakasagot sa text message ko.

Mas mabuti sana kung ipaliwanag nang mabuti ng FDCP chairperson kung ano talaga ang sakop ng kanyang ahensiya sa ating industriya.

May isang producer kasing nagsabi sa akin na mga pelikula sa international film festivals lang daw dapat ang harapin ng FDCP.

Kung ganitong marami na ang kumokontra, meron siguro talagang dapat sagutin at ayusin si Madam Liza.

Matagal na kasi siyang nasasangkot sa ganitong isyu.

Kagaya nang naging active siya sa Metro Manila Film Festival ng dalawang taon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May isyu noon na tila gusto niyang nasa ilalim na rin ng FDCP ang taunang filmfest.

Gusto ko siyang purihin sa kasipagan niya, pero hindi puwedeng sa ‘yo na lahat.

Sana mailatag niya nang mabuti kung hanggang saan ang sakop ng FDCP, o lahat ba talaga?

Ngayon ay nabuo itong grupong Aktor (League of Filipino Actors).

Malinaw nilang ipinaliwanag na nagkakaisa silang magkaroon ng kalayaang maihayag ang kanilang kuwentong tumatalakay sa isyung pangkasalukuyan.

Nakikita na natin kung gaano ka-involved ang mga kilalang artista sa mga isyung hinaharap ng bansa.

Sila ang napapakinggan sa social media at malaki ang impluwensiya nila.

Hindi puwedeng isantabi ang kanilang pananaw, kahit sinasabi ng iba na artista lamang sila.

Sana, magamit ito sa tamang venue at proseso na hindi naman maaabuso.

Isa ako sa nakikiisa sa hangaring ito ng mga artistang bahagi ng Aktor.

Pero kahit nabuo ito sa gitna ng isyu ng mga filmmakers kay Liza Diño, sana ay hindi ito nabuo para magkaisang tanggalin si Liza sa puwesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Walang ganun, mars!”

JERRY OLEA

Hunyo 30, Martes, kumalat ang manifesto ng Film Workers Unite.

Ang panawagan nila kontra FDCP, na pinamumunuan ni Chairperson Liza Diño, “Konsulta Hindi Dikta.”

Kabilang sa 1,000+ na nag-virtual signature dito sina Vivian Velez, Ricky Lee, Zig Dulay, Chito S. Roño, Dondon Monteverde, Jade Castro, Crisanto Aquino, Jose Javier Reyes, Adolf Alix Jr., Kokoy de Santos, Eduardo Roy Jr., Vincent de Jesus, Derick Cabrido, Mon Confiado, Treb Monteras.

Pumirma rin sina Laurice Guillen, Elijah Canlas, Omar Sortijas, Joel Lamangan, Louie Ignacio, Jeffrey Jeturian, Elaine Lozano, Bibeth Orteza, Boy Villasanta, Mac Alejandre, Perci Intalan, Petersen Vargas, Senedy Que, Ferdy Lapuz, Ross Pesigan.

Nakiisa rin dito sina Chris Cahilig, Julius Ruslin Alfonso, Cris Villanueva, Paolo Paraiso, Harlene Bautista, Lore Reyes, Briliant Juan, Yayo Aguila, Dan Villegas, Quark Henares, Dwein Baltazar, Baby Ruth Villarama, Sari Dalena, Easy Ferrer, Roselle Monteverde.

Pati na sina Michiko Yamamoto, Moira Lang, Miko Livelo, Marlon Rivera, Bianca Balbuena, Antonette Jadaone, Peter Serrano, Ina Feleo, Romnick Sarmenta, Richard Somes, Marife Necesito, Bodjie Pascua, Khavn de la Cruz, Madonna Tarrayo, Carmi Raymundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa mga lumagda sina Sonny Vasquez, Glaiza de Castro, Jojo Oconer, Mara Lopez, Michael Tuviera, Rod Marmol, Ruel Santos Bayani, Erik Matti, Prime Cruz, Chamyto Aguedan, at napakarami pang iba.

Itinakda kapagkuwan ang GO GLOW & GROW — roundtable discussion para sa hinaharap ng industriya ng pelikulang Pilipino — mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 3, Miyerkules hanggang Biyernes, 7:00 P.M., sa Facebook page ng Film Workers Unite.

Nagsalita sa unang gabi ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, kabilang sina Dingdong Dantes (aktor), Paolo Villaluna (direktor), Patti Lapus (producer), Mara Paulina Marasigan (assistant director), Jedd Dumaguina (sound designer), Anne Monzon (cinematographer), Benjamin Tolentino (editor), Ben Padero (production designer), Julius Katanyag (writer/director), at Anj Pessumal (writer).

Moderator si Agot Isidro.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapagkuwan ay nabuo ang samahang Aktor (League of Filipino Actors).

Sa ikalawang gabi ngayong Hulyo 2, Huwebes, magsasalita sina Laurice Guillen, Marlon Rivera, Carlitos Siguion-Reyna, Jose Javier Reyes, Dennis Marasigan, Dot Labro, at Arnel Mardoquio.


RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Dingdong Dantes ang napiling mamuno sa Aktor (League of Filipino Actors), isang komunidad ng mga artista sa telebisyon at pelikula bilang mahalagang bahagi ng lipunan at kinatawan ng industriya.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results