NOEL FERRER
Birthday ng kaibigan nating Divine Diva na si Miss Zsa Zsa Padilla nitong Mayo 28, Huwebes.
Kasama ng pamilya niya—sa iba’t ibang parte ng mundo—nag-virtual birthday lunch silang napakasaya.
Nag-FB Live din siya at umapaw ang greetings ng followers niya.
Pagkatapos ng birthday lunch, pumunta si Zsa Zsa sa Heritage Park para dalawin ang yumao niyang dating partner na si Tito Dolphy—isang ritwal na ginagawa niya lagi.

Then, tumuloy siya sa isang long overdue check-up concerning her nerves, just to make sure she is in her best health ngayong 56th birthday niya.
Nagkaroon kami ng isang LEVEL UP kumustahan via IG Live, at napag-usapan namin ang kanyang quarantined life.
Ang sabi niya, buti na lang at nasa stage na sila ni Architect Conrad Onglao na pareho na ang pangarap—ang ayusin ang kanilang retirement plans.
Kasama sa paghahanda nito ay ang completion ng Casa Esperanza at Esperanza Farms nila sa Lucban, Quezon.
“In two months, malamang OK na yung Casa Esperanza. It’ll be a good place for honeymooners,” sabi ni Zsa Zsa.
“Dito na talaga namin ibinuhos ni Conrad ang aming effort at resources bilang paghahanda sa aming future at para sa mga anak na rin namin at mga kaibigan.”
Nagpaplano rin ang Divine Diva na magkaroon ng garden concert doon on special occasions.
Kaugnay nito, part of Conrad’s birthday gift kay Zsa Zsa ay mga gadgets at technical set-up para sa kanyang recording ngayong panahon ng “new normal.”
Very soon, magiging aktibo na rin online ang dating technologically-challenged na si Zsa Zsa with her own YouTube channel.
Mula sa amin sa PEP Troika, Happy Birthday sa Divine Diva—Zsa Zsa Padilla!!!
GORGY RULA
Posible kayang ang unang wedding na magaganap sa Casa Esperanza ay ang sa kanila ni Architect Conrad Onglao?
At kung doon gaganapin, napaka-private nito dahil mga 12 lang daw ang kakasya roon.
Kitang-kita kay Zsa Zsa ang sobrang excitement sa kanyang farm, lalo na itong Casa Esperanza.
Farming na rin ang kinakarir ng ilang celebrities na nakapag-ipon at nakapagpundar sa nabili nilang lupa.
Nabanggit din sa akin ni Kuya Boy Abunda na pagpasok natin sa GCQ, makakapunta na siya sa Lipa City, Batangas para ayusin na uli ang kanyang bukid doon.
JERRY OLEA
Kabilang si Zsa Zsa sa guests ni Karylle sa Bayanihan Musikahan concert nitong Mayo 27, Miyerkules ng 9:00 P.M.
Nag-duet sila ng "Hiwaga."
Panauhin din ang Divine Diva sa Bayanihan Musikahan set ni Gary Valenciano this May 30, Saturday, 8:30 P.M.
Sabi ni Zsa Zsa, malapit na silang mag-resume ng taping ng Kapamilya teleseryeng Love Thy Woman.
Anong masasabi niya sa isyu ng LTW co-star na si Kim Chiu?
Na-bash nang husto si Kim dahil sa "law of classroom" analogy niya.
Lahad ni Zsa Zsa, “Tapos na yun! The worst should be over. Bashers will always be there.
"At least si Kim, maraming productive na pinagkakaabalahan.”
Matagal nang engaged sina Zsa Zsa at Architect Conrad.
Siyempre, with the COVID-19 pandemic, naapektuhan ang plano nilang lumagay sa tahimik.
Natitiyak nating maligaya si Dolphy para kay Zsa Zsa sa natagpuan nitong panibagong glorya.
Cheers to Mr. and Mrs.-to-be Onglao! Mabuhay!
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
