PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kantahan at chikahan sa online concert ni Sharon Cuneta

Online concert ni Sharon Cuneta, nakalikom ng mahigit P2 million.
by PEP Troika
Published May 11, 2020
Nakalikom ng P2,000,977.38 ang online concert ni Sharon Cuneta, na pinamagatang Sharon: Love and Music,as of 10:00 P.M. nitong Mayo 10, Linggo.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Nakalikom ng P2,000,977.38 ang online concert ni Sharon Cuneta as of 10:00 P.M. nitong Mayo 10, Linggo.

Pinamagatang Sharon: Love and Music, nag-live streaming ang nasabing Mothers’ Day concert sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, at Facebook page ng ABS-CBN Network.

Ipina-auction pa ni Megastar ang suot niyang Gucci sweat shirt, at ang highest bidder ay P150,000.

Ang nalikom na donasyon ay para sa Pantawid ng Pag-ibig program, na namamahagi ng pagkain sa mga Kapamilya na apektado ang hanapbuhay dahil sa community quarantine.

Nakalabing-apat na kanta si Sharon sa concert na mahigit dalawang oras. Ang dami niyang chika!

Pasado 8:00 PM nagsimula ang concert, kung saan taga-piano ang pinagpipitaganang composer na si Maestro Louie Ocampo.

As of 9:00 P.M., nakaanim na kanta pa lang siya — "Mr. DJ," "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," "Maging Sino Ka Man," "Kahit Konting Pagtingin," Pangako Sa ‘Yo," at "Places That Belong To You."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Machika pa rin si Ate Shawie sa ikapitong kanta niyang "Tubig at Langis," na theme song ng pelikulang Langis at Tubig (1980) nina Vilma Santos, Dindo Fernando, at Amy Austria, sa direksiyon ni Danny Zialcita.

Pero iyong ikawalo hanggang huling kanta ay pakonti-konti na lang ang chika ni Mega — "Ngayon at Kailanman," "Kahit Isang Saglit," "Kung Kailangan Mo Ako," "Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan," "The Prayer," "May Bukas Pa," at "Hagkan."

Nakaupo lang si Sharon sa kabuuan ng napaka-intimate na concert.

Punong-abala roon ang anak nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie.

“Frankie, I’ll be lost without you,” pakli ni Sharon.

NOEL FERRER

After mismo ng live concert ng Megastar, nabanggit niya na gutom na siya at kakainin daw niya ang cheese platter na ipinadala ng anak niyang si KC.

Ang saya lang ng naging presentation!

I’m sure, nanibago si Shawie dahil sanay siya sa reaction ng kanyang audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang hindi makakaila ay ang magagandang areglo ni Louie Ocampo.

Umpisa pa lang, ang gara ng tunog-bago na "Mr DJ" at "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko."

Tapos, ang husay ng tugtog sa "Ngayon At Kailanman" at "Hagkan."

Pero ang pinakapaborito ko ay ang kantang “Places That Belong To You” ni Barbra Streisand sa pelikulang The Prince Of Tides (1991).

Balikan ninyo ang mga letra at sadya namang parang kuwento ng buhay ng mahal nating Megastar.

So inspired sa “Love And Music,” abangan niyo ang version ko ng Karaoke song kong “Places That Belong To You.”

GORGY RULA

Kilig at kantiyaw ang inabot ng mag-asawa pagkatapos halikan ni Senator Kiko Pangilinan si Mama Shawie.

Pero pagod na raw ang Megastar, kaya wala nang time para sa intimate moments nilang mag-asawa.

Ang fresh ni Sharon kagabi, at ang ganda ng set niya kahit nakaupo lang siya sa buong concert.

Sa totoo lang, malaki na ang dalawang milyong piso na nalikom nilang donasyon, sa dami ng mga fund-raising shows na napapanood natin online, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero bago nagpaalam, nakiusap pa rin si Sharon na sana ay patuloy pa rin na magpadala ng donasyon para sa Pantawid ng Pag-ibig program ng ABS-CBN.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalikom ng P2,000,977.38 ang online concert ni Sharon Cuneta, na pinamagatang Sharon: Love and Music,as of 10:00 P.M. nitong Mayo 10, Linggo.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results