PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez, naka-PHP4.2M sa concert niya kagabi

Naiyak si Regine sa ginawa ng "ate" niya nung gabing iyon.
by PEP Troika
Published Apr 26, 2020
Regine Velasquez One Night With Regine and Donations
Nakalikom ng PHP4,259,839 ang One Night With Regine online concert ni Regine Velasquez na ang benepisyaryo ay ang Bantay Bata 163.
PHOTO/S: Main Photo: Jerry Olea / Inset: ABS-CBN

JERRY OLEA

Mahigit PHP4M ang nalikom ni Regine Velasquez sa online concert niyang One Night With Regine nitong Abril 25, Sabado.

One Night With Regine donation

Bago magsimula ang 8:00 PM concert ay nakalikom na si Regine ng PHP1,450,000 mula sa mga kaibigan at sponsors, kabilang ang Frontline, este, Frontrow ni RS Francisco.

Nakadalawang kanta pa lang ang Asia’s Songbird—"Somewhere Over The Rainbow" at "With A Smile"—umabot na sa PHP1,522,690 ang donasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Regine, kabado siya sa concert, kahit intimate iyon at sila-sila lang ang nasa bahay.

Wala nga siyang blocking, nakaupo lang siya all through out.

Regine Velasquez in One Night With Regine. Sitting while singing.

“My voice is shaking,” sambit ni Regine.

Matapos niyang awitin ang "Mahal Ko O Mahal Ako" ay napaiyak siya at ang pakli, “Nakakainis ka, ate!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-touch nang bonggang-bongga si Regine dahil nag-donate ng PHP1M ang ate niyang si Sharon Cuneta, na mistulang front act din sa 50th birthday concert niya.

Sa 50 tao na bumati kay Regine bago mag-umpisa ang concert, panghuli si Mega na may bagong kanta kaugnay sa pagkakaibigan nila.

Konting kembot pa at lumampas sa PHP2.8M ang naipong donasyon para sa Bantay Bata 163, na magkakaroon ng Children’s Village sa Bulacan.

Noong 2002 ay nagkaroon na si Songbird ng One Night With Regine concert sa labas ng National Museum, kung saan itong Bantay Bata ang beneficiary.

Oh, yes, isang “guest” lang ang nakatabi ni Regine sa concert, ang “bata” nila ni Ogie Alcasid na si Nate.

Sabi ni Regine, “one-man band” si Ogie na multi-tasking sa concert bilang director, cameraman, technician, prompter, at kung ano pa man.

Siyempre pa, main guest si Lea Salonga.

Pre-recorded ang duet nila ng "I Don’t Know How To Love Him," "What I Did For Love," at "Someone Like You."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Regine Velasquez and Lea Salonga duet via Facebook Live

Ang kanilang duet ang pinakagusto naming bahagi ng concert. Bravo!

Looking forward si Lea na mag-duet sila in person, all glammed up, sa isang malaking venue—siyempre, si Regine din, at tayo!

Sa umpisa ng online concert ay sinabi ni Regine na mga isang oras at kalahati iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit hindi yata niya namalayan ang oras, o ganado siya sa mga donasyon, kaya more or less ay inabot iyon ng tatlong oras.

Natuwa rin siguro siya sa pagbabasa ng comments sa Facebook, kaya nalimutan tuloy niyang ikuwento ang kahulugan ng kantang "Dadalhin."

Inihayag ni Regine na as of 10:45 PM, nakalikom na siya ng PHP4,259,839.

NOEL FERRER

I have watched it from the start, and I’d say that it was God’s grace at work!

Imagine such a humble set up—to have accomplished that much and raised millions to serve our kababayans.

Bravo, Regine and her team!

Next up, the Mega Concert Online soon!!!

GORGY RULA

Kahit si Ogie Alcasid ay kabado rin noong gabing iyun bago sila nagsimula.

Sabi niya sa kanyang Instagram account ngayong Linggo nang umaga, "Just before we aired #onenightwithregine last night. Boy, was I nervous. Felt like I was in school in UP again for production classes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“All worth it. My wife was just amazing again. Praise the Lord for she is good.

"TY to all who donated and watched. God bless your wonderful hearts.

“Will post more pics and vids.

"Congrats baba @reginevalcasid.”

Nakikita rin sa mga post sa Twitter kagabi na ang daming nag-aabang na fans ni Songbird.

Tuwang-tuwa si Regine na sinasagot ang comments ng fans na ang ibang kabadingan ay naka-gown pa habang pinapanood ito.

Si Vice Ganda ay isinabay sa dinner niya ang panonood with matching tortang talong na ulam.

Na-excite tuloy ang fans sa posibleng pagsasama nina Regine at Lea sa isang malaking concert. Kaabang-abang nga iyun!

Kung magiging normal na ang lahat, na mukhang matatagalan pa ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalikom ng PHP4,259,839 ang One Night With Regine online concert ni Regine Velasquez na ang benepisyaryo ay ang Bantay Bata 163.
PHOTO/S: Main Photo: Jerry Olea / Inset: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results