PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iza Calzado, Senator Migz Zubiri, at Christopher de Leon nakapag-donate na ba ng blood plasma?

Malaking tulong ang blood plasma ng COVID-19 survivors sa mga malubha pa rin ang sakit dala ng virus.
by PEP Troika
Published Apr 22, 2020
Senator Migz Zubiri (center), nagtungo ng PGH para mag-donate ng blood plasma. Iza Calzado (left), naghihintay pa ng medical clearance. At Christopher de Leon, nagpapalakas pa rin.
PHOTO/S: @meetkeso via @missizacalzado IG / Senator Mig Zubiri Facebook / Christopher de Leon Facebook

JERRY OLEA

Nagtungo si Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri nitong Abril 21, Martes ng umaga, sa Philippine General Hospital para ibahagi ang kanyang blood plasma.

“He’s okay. Very happy siya.

"Kasi, makakatulong ang blood plasma niya,” sabi ng business manager niyang si Arnold L. Vegafria.

Naka-chat namin si ALV via Facebook Messenger nitong Miyerkules ng umaga, Abril 22.

Nabasa kasi namin ang Facebook post ni ALV tungkol sa kagustuhan umano ng senador na makatulong sa ibang COVID-19 patients.

NOEL FERRER

Noong Friday, April 17 pa sana handa si Iza Calzado na mag-donate ng kanyang dugo para makatulong sa ibang COVID-19 patients.

Pero pagkatapos ng ilang tests na kanyang pinagdaaan, nalaman ng mga mababait na doktor ni Iza na mababa ang dugo ng aktres.

"We deeply regret to inform you that your hemoglobin is below the minimum cut-off, and because your safety is our primary concern, it would be best to postpone the plasma donation for the time being."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan daw suriin muli si Iza bago ito payagang mag-donate ng dugo.

Sabi pa sa aktres, “We would be very excited to visit you again to check your hemoglobin in about 2 weeks and see if you can donate already.

“Your deep selfless desire to help other COVID-19 patients is an inspiration to all of us. It is what keeps us going.”

Rest assured ay naka-commit si Iza sa pagdo-donate ng dugo para mailigtas ang mga kapwa niya COVID-19 patients.

Magpapagaling lang muna siya.

GORGY RULA

Hindi pa ako nasagot ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong kung nakapag-donate na ang aktor.

Pero sinasabi naman ni Boyet noon pa na willing siyang mag-donate kung puwede na.

Napansin ko lang sa huling picture ni Boyet, ang laki ng ipinayat niya.

Sinasabi rin ng ilang taong malapit sa kanya, hindi pa raw siya nakakalabas.

Kaya kailangan pa rin siguro ni Boyet na magpalakas ng resistensiya at makabawi sa kanyang pangangatawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa totoo lang, apektado rin siya sa ilan niyang kakilala na naapektuhan nitong nakakamatay na virus, kaya hindi muna siya ngayon lumalabas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Migz Zubiri (center), nagtungo ng PGH para mag-donate ng blood plasma. Iza Calzado (left), naghihintay pa ng medical clearance. At Christopher de Leon, nagpapalakas pa rin.
PHOTO/S: @meetkeso via @missizacalzado IG / Senator Mig Zubiri Facebook / Christopher de Leon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results