GORGY RULA
Nakaka-good vibes ang initiative ni Ms. Cris Roque ng Kamiseta na gumawa ng napakaraming Personal Protection Equipment (PPE) para sa health workers na nag-aalaga sa COVID-19 patients.
Si Cris ang presidente at CEO ng Kamiseta, kung saan meron silang apparel na ini-endorse ni Heart Evangelista at skin clinic na ini-endorse naman ni Ellen Adarna.
Sa halip na tumigil sa pagtatrabaho ang mga mananahi niya dahil sa Enhanced Community Quarantine, tuloy pa rin ang trabaho ng mga ito.
Pero hindi para gumawa ng mga damit, kundi PPEs na yari sa matibay na repellant para magbigay-proteksyon sa frontliners.
Ipinadala raw nila ang unang batch ng mga natahi nilang PPEs sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Inc., o mas kilala sa tawag na UERM.
Ayon kay Cris, “May fabrics kasi kami na makapal siya na repellant. What we did was, dinala namin ito sa hospital sa UERM.
“Noong pina-check namin, okay, good quality siya na puwede maging PPE.
“I feel na yung PPE, yun talaga ang importante ngayon.
"And for Kamiseta, being a clothing brand, yun talaga ang kaya namin gawin, and kaya naming ipamahagi sa mga hospital.
“It’s really needed ng mga doctors, kasi ito ang makaka-save sa buhay nila.
"Ayaw natin na mawalan ng mga doctors."
Isang libong PPEs ang target gawin ng Kamiseta.
Pero baka madagdagan pa dahil marami nang natatanggap na requests si Ms. Cris mula sa iba’t ibang ibang hospitals.
“I wish I could give more… but yung mga sewers, lahat hindi naman nakakapasok because of the lockdown. Yung ibang areas, sarado.
“Aside from that, ang mga materials din, wala na gaanong mabilhan. It just so happened na meron kami.
“So, nag-pledge ako ng one thousand sa UERM.
Sa UERM daw siya unang nakapag-commit dahil consultant roon ang sister niya na isa ring doktor.
"Iyon ang naging choice na hospital, kasi doon na-train ang sister ko.
"Doon siya nahasa, doon siya gumaling, at doon siya nagturo nang almost free,” saad ni Cris.
Pero nakapag-donate na rin sila ng PPEs sa ibang hospitals, kagaya ng Pasig City General Hospital.
Ang kakaiba pa sa nagawa nilang PPEs, bright colors ang ginamit para kahit papaano raw ay nakakagaan sa pakiramdam ng mga doktor, nurses, at pati na rin sa mga pasyente.
Sabi ni Cris, “Kasi, sa hospital, parang ang sad na at ang gloomy na ng atmosphere.
“At least, itong mga colors, magli-liven up ng atmosphere.
“And Kamiseta is also known for colors. Bright colors, happy colors.
"So, in our own little way, we can also share happiness."
Masaya raw si Heart Evangelista at ang iba pa nilang endorsers sa ginagawa ni Cris ngayon, pero ayaw na raw niyang abalahin ang mga itong tumulong sa pagdadala ng idinu-donate na PPEs dahil naka-ECQ pa rin tayo.
Kahit merong willing mag-donate sa kanya, tumatanggi raw si Cris dahil commitment ito ng Kamiseta sa ating frontliners.
“I don’t want to accept donations. Ayoko rin naman sila magbigay because I don’t want to risk their lives.
"For us, it’s our company’s responsibility. It’s our company’s effort talaga.
"Ang mga nag-e-effort dito are really the loyal employees of the company,” saad niya.
JERRY OLEA
Masarap sa pakiramdam ang mga ganitong kuwento ng bayanihan.
Kusang pagbibigay ng tulong, na walang inaasahang kapalit.
Sabi ni Cris, “I never expected sa buong buhay ko na gagawa ako ng design… na gagawa ako ng garment that could actually save people’s lives.
“Kasi, the whole 26 years, ang ginagawa lang namin na mga damit is really for personal use. Something that they can wear every day.
“So, never ko na-expect sa buong buhay ko na I could make something that could save persons’ lives.
"For me, ito na yata ang pinakaimportanteng damit na nagawa ko.
"“We’re very excited and all-out kami to really do everything we can, to be able to give as much as we can talaga, in our capacity as a company.”
NOEL FERRER
Iyan ang magandang ginagawa rin ng fashion industry—sa pangunguna nina Mitch Dulce, Rajo Laurel, at iba pang tumutulong—para gumawa ng PPEs na pakikinabangan ng ating mga kababayan sa mga ospital.
Pagpapatunay ito na lahat tayo’y may maitutulong.
Nakakaantig ng puso yung ibang middle class at yung talagang mahihirap, na imbes na mag-ipon para sa sarili ay ibinibigay at itinutulong pa rin sa iba.
Mabuhay talaga tayo at ingat! Heto ang tunay na diwa ng Bayanihan!
