NOEL FERRER
Mahigit P1.7M ang nalikom na donation sa "Bayanihan Musikahan" with Ms. Lea Salonga nitong Abril 2, Huwebes ng gabi.
On its second week ang online concert series na ito na pinanawagan ni Maestro Ryan Cayabyab, at maraming OPM artists ang tumugon.
Pero iba ang ating international star. Inabot ng 416K views ang online concert niya
Kinanta ni Lea ang "Nais Ko," "Bakit Labis Kitang Mahal," "Gaman" (from Allegiance), "Sana Maulit Maulit," "Human Heart (from Once On This Island)," "Bring Him Home" (from Les Miserables), at "Paraiso."
Pagkatapos ng araw na ito, higit P24M na ang nalikom para sa frontliners at sa mga most vulnerable sa ating lipunan. Malaking tulong na ito.
Sa livestream ni Lea, umabot ng P1,777,874 ang na-raise.
Nangako si Lea na magkakaroon ng Part 2 ang kanyang FB Live.
Nakakatulong ang ganitong paraan sa artists sa pagpapanatili ng kanilang paghahalaga, hindi lang sa nangangailangan nating mga kababayan ngunit pati na sa sarili bilang artists na may pangangailangan ding ibahagi ang saloobin sa pamamagitan ng kanilang sining.
Ngayong Abril 3, Biyernes, kasama ang kaibigan naming sina Agot Isidro at Christian Bautista sa mga magpe-perform.
Tapos, sina Louie Ocampo, Jason Dy, at Jamie Rivera sa Sabado.
Break muna sa Linggo.
Sa Lunes naman ay aabangan ko ang pamilya ko nang si Arman Ferrer at ang The Company.
GORGY RULA
"Bayanihan, Musikahan" naman ang title.
Siguro, hindi naman ito lumabag sa Bayanihan Heal As One Act, at hindi na sila ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) para magpaliwanag.
Maganda, dahil bukod sa nakakapagbigay ng entertainment online, nakakalikom pa ng donasyon.
Inaasahan din sana ang partisipasyon dito ng mga maka-DDS na performers. Welcome kaya sila rito? Para di iisiping nahahaluan ng pulitika.
Mabuhay ang mga Pilipinong mang-aawit na may naiambag sa makabagong Bayanihan!
JERRY OLEA
Buena mano sa "Bayanihan Musikahan" marathon online concert series sa Facebook noong Marso 20, Biyernes, sina Karylle, Sponge Cola, Ebe Dancel, at Top Suzara.
Tuluy-tuloy ang pagtatanghal ng Pinoy artists.
Marso 21, Sabado — Mike at Bayang Barrios, Acapellago, Noel & Gab Cabangon, at Jazz Nicolas.
Marso 22, Linggo — Zsaris, Reuben Laurente, Davey Langit, at Keiko Necesario.
Marso 23, Lunes — Nyoy Volante, Bullet Dumas, Nino Alejandro, at Ito Rapadas & Jimmy Antiporda ng Neocolours.
Marso 24, Martes — Jim Paredes, Lara Maigue, Gloc-9, at Ice Seguerra.
Marso 25, Miyerkules — Ryan Cayabyab, Morissette Amon, at Martin Nievera.
Marso 26, Huwebes — Johnoy Danao, Tim Pavino, Jett & Rafi Pangan, Juris, at Chito Miranda.
Marso 27, Biyernes — Jewel Villaflores, Jacky Chang, 4th Impact, at Dingdong Avanzado.
Marso 28, Sabado — Oh! Caraga, Joseph Gara, Ferdinand Aragon, Chud Festejo, at Kent Charcos.
Marso 29, Linggo — Princess Velasco, Sitti Navarro, at Hopia Tinambacan.
Marso 30, Lunes — Geneva Cruz, Celeste Legaspi, Nicole Asensio & Ira Cruz, Enrique de Dios, at Hazel Faith.
Marso 31, Martes — Kakai Bautista, Edward Grandosin, Thyro, Yumi, at Gian Magdangal.
Abril 1, Miyerkules — Room for Cielo, Quest, Raymond Marasigan, Jensen Gomez, at A Couple of Notes.
As of April 2, Thursday, 5 p.m., nakalikom na ang "Bayanihan Musikahan" ng P22,373,178.60.
Ang pagtatanghal kahapon, April 2, ay nagsimula ng 6 p.m. with Albert Tiu, at sumunod na nag-perform sina Rachelle Gerodias-Park & Byeong In Park, Dio Saraza, Victor Santiago Asuncion, at Lea Salonga.
Ang artists na naka-line up today, April 3, ay sina Lance Busa (6:00 PM), Christian Bautista (7:00 PM), Agot Isidro (8:00 PM), at TJ Monterde (9:00 PM).
Blurb sa website ng online concert series na ito, “Music to bring us all together. CITIZENS FOR CITIZENS! PAKIKIPAG-KAPWA TAO.
“Bayanihan Musikahan is producing and delivering food and personal protection packs, and providing barangay quarantine spaces to Metro Manila communities severely compromised by congestion and poverty.”
Marami sa Pinoy artists na nag-concert na sa Bayanihan Musikahay ay lumahok din sa Pinoy Playlist musicfest, kung saan curators sina Maestro Ryan Cayabyab, Moy Ortiz, at ka-Troikang Noel Ferrer.
Wish ko lang na makibahagi rin dito ang novelty acts, partikular ang mga suki ng Pinoy Playlist na sina Jon Santos, Mitch Valdes, at Nanette Inventor.
Sana rin, makalahok dito si Vice Ganda, lalo pa’t patok na patok ang kanyang novelty song na "Corona Ba-Bye Na."
