NOEL FERRER
Nang umalis ang talent kong West End star na si Joanna Ampil papuntang abroad bago mag-Valentine’s Day, I knew it was something urgent.
She had to fix her green card and then segue to Canada where her folks are, dahil alam kong magpapakasal sila ng kanyang boyfriend na magaling na production designer na si Faust Jose.
Hindi na niya natanggap nang personal ang kanyang Best Actress Award sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) for her MMK (Maalaala Mo Kaya) performance.
Bukod sa mga personal na responsibilidad, kinailangan pa naming ayusin ang kanyang schedule for the next quarter dahil pagkatapos niyang mag-tape para sa second season ng Call Me Tita ay meron na naman siyang isang major project na kailangang paglaanan ng oras.
Ang sabi ko lang sa kanya, kung ikakasal sila ni Faust, huwag naman February 14 para hindi aligaga at busy ang kanilang anniversary.
Ayun, tahimik lang... kasama ng kanilang pamilya, ikinasal na si Joanna sa mahal niyang si Faust nitong 02-20-2020, technically kasabay nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, although magkaiba ang timezones.
Ito lang, maaliwalas at walang isyu! Yan si Joanna, simple’t may class.
GORGY RULA
Nakakainggit na tahimik na nairaos nina Mikael Daez at Megan Young, at ngayon sina Joanna Ampil at Faust Jose ang kanilang kasal na may basbas ng buong pamilya.
Deserved sana ni Sarah Geronimo iyan, dahil hindi nila ni Matteo sinu-showbiz ang kanilang relasyon.
Nakikita namang masayang-masaya si Sarah sa piling ni Matteo. Kaya ang dami tuloy nagagalit sa ganoong pagtrato ni Mommy Divine sa kanyang anak.
Anyway, congratulations sa bagong kasal na sina Faust at Joanna.
Marami ring mga kaibigan sa showbiz ang bumati sa kanila.
Nasa Instagram account ni Faust ang kanilang kasal na may caption na “I love you Joanna! 02/20/2020 (Canada flag).”
Ilan sa mga taga-showbiz na bumati sa kanila ay sina Carlo Aquino, G Toengi, Ayen Munji-Laurel, at ang dating manager ni Joanna na si Girlie Rodis.
Malapit nang simulan ang second season ng Call Me Tita para sa iWant TV at isa iyon sa gagawin ni Joanna sa kanyang pagbabalik.
Lagi niyang nakakasama si Faust na madalas na sumasama sa mga trabaho niya.
JERRY OLEA
Best wishes kina Joanna at Faust sa kanilang wedding na walang Divine intervention!
44-anyos na si Joanna. Nawa’y hindi pa huli ang lahat upang makabuo sila ng supling.
At ngayong kasal na sina Sarah at Matteo, nawa’y magkaroon sila ng maraming anak na lalong magpapatibay sa kanilang pagmamahalan... at mga tagapagmana ng kanilang kayamanan!
